CHAPTER FIFTY-THREE
JAZZLENE
My body tensing habang nakaupo sa upuang nasa harap ng table ni Adam, nakatitig siya sa 'kin habang hawak ang CV ko na iniabot ko sa kaniya kanina nang hingin niya 'yon.
"Ikaw ang may-ari nitong M-Power Hotel?" mahina kong tanong, hindi pa rin makapaniwala. Ngayon ko lamang napagtano na ang M sa M-Power ay nangangahulugang Meadows.
"Yes," tipid niyang sagot.
Hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa OJT days ko rito sa hotel niya. "Si Sasha? Ikaw ba ang—"
"This is supposed to be your interview, so why are you asking me questions?" Natahimik ako dahil sa malamig niyang pakitungo sa 'kin. Five months, pero hindi pa rin siya nagbago. Siya pa rin 'yong cold na Adam na nakilala ko noon.
Napalunok ako. "I'm sorry. Uhm, okay. Let's proceed to the interview," I said, trying my best to act professionally.
Umayos siya sa pagkakaupo, sumandal sa upuan at ibinaba ang CV ko sa table, habang nakatitig pa rin sa akin. "How have you been?" he asked, his tone gentle now.
"Excuse me? Akala ko ba magsisimula na tayo sa interview?"
"Yes. And that is my first question."
"Hindi ba dapat tanungin mo muna ako about sa sarili ko? Bakit ko gustong magtrabaho rito, ano'ng nagbigay ng interest sa akin sa posisyong a-apply-an ko, what motivates me, my educational background, hobbies, work experience, weaknesses, my—"
"Why would I ask questions to which I already know the answers?"
Silence.
Saglit ko siyang tinitigan bago ako bahagyang natawa. "Know the answer, huh? E, pangalan ko lang naman ang alam mo at pangalan ng mga kuya at magulang ko. Hindi mo ako gano'n kakilala, Adam. Ni hindi mo nga yata alam ang birthday—"
"19th of October 2002."
I blinked. Natandaan niya?
"I know everything about you, Jazzie."
"What's my... favorite food?" tanong ko para subukin siya.
"Baked mac."
"Favorite flowers?"
"None. You're allergic."
My chest rose and fell harder. "Paano mo..."
"I told you. I know everything about you."
Napalunok ako at saglit nag-iwas ng tingin sa kaniya habang nag-iisip ng maaari ko pang itanong na hindi niya alam ang sagot. "My... my favorite pet?"
"Cat."
"My favorite days?"
"When it's raining."
"Why?" she asked.
"Because when it's raining, you see beauty in sadness. May mga tao na nakakaramdam ng lungkot kapag umuulan. But not you. Instead, you feel happier and alive when it's raining. The sound of rain soothed and relaxed you. You appreciate the scent of a fresh storm and the delicious feel of water dripping down your skin. And it reminds you that it takes a little rain to make the flowers grow. When things get a little rough in life, iniisip mo lagi ang ulan. It became your reminder that "this too shall pass." You even have a motto that says, you don't get rainbows unless you also have rain."
Umawang ang bibig ko at hindi inalis ang tingin sa kaniya. Maging ang mga mata ko ay bahagyang namimilog. "How... how do you... know that?"
Instead na sagutin ang tanong ko, nagpatuloy pa siya. "And your favorite ways to spend a rainy day is snuggled up on the couch or in bed while watching a good tearjerker movie."
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+)
Romance🔞BAWAL SA BATA🔞 •READ AT YOUR OWN RISK! •COMPLETED Highest ranking: #1 Plottwist, #1 brothersbestfriend, #1 lovehaterelationship Adam Meadows is a ruthless billionaire, with a heart hardened by a relentless thirst for vengeance. Consumed by the...