Chapter Thirty-Nine

21.9K 256 8
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

JAZZLENE

"Hop in."

I hesitated, glancing back at Violet and Leigh, who were still deep in their argument tungkol sa kung sino ang kasama nila noong gabing nagpunta kami sa Castillano Club at kung saan sila natulog. The idea of spending time with Adam was appealing lalo na at isang linggo na kaming hindi nagkikita, but the suddenness of the invitation and my lack of familiarity with his adoptive father made me wary.

"That's very kind of you, but I'm not sure po," I began. Sumulyap ako sa relo ko at kunwaring tiningnan ang oras. "Papunta na po kasi si Daddy. Susunduin na niya ako."

"Gano'n ba?" He pursed his lips, seeming to be thinking. "Birthday kasi ngayon ng asawa ko. Mommy ni Adam. Wala kaming bisita bukod kay Adam, kaya gusto sana kitang imbitahin para makilala ka lalo ng wife ko, pati na rin si Fritzie. They would be happy to meet you again," litanya niya. "Pero sige. Kung pauwi ka na, maybe next time?" Bahagya pa siyang ngumiti sa akin. Mukha naman siyang mabait at siguro naman ay hindi ako mapapahamak kung sasama ako, lalo na at pupunta rin doon si Adam. Sana lang ay wala roon si Ivana.

Feeling cornered and not wanting to be rude or get on his bad side, I reluctantly agreed. "Sige po. Sasama po ako."

Tumango siya nang nakangiti. Then I turned back to Violet and Leigh. "I'll catch up with you later, guys. May pupuntahan lang ako."

Violet gave me a curious look at dali-dali humakbang palapit sa 'kin, ganoon din si Leigh. "Saan ka pupunta?" tanong ni Violet

"Birthday ng mommy ni Adam ngayon. Iniimbita—"

"P'wede mo silang isama," putol sa akin ng daddy ni Adam kaya napalingon ako rito. Mukha siyang hindi nagbibiro. At saglit akong napaisip. Mas kampante akong sumama kung hindi ako mag-isa.

Sinabi ko sa kanila na birthday ng mommy ni Adam at doon kami ngayon pupunta, pupunta rin doon si Adam. Ang dalawang loka, wala man lang pag-aalinlangang tumango, nakangisi, at mas mukha pang excited sa akin.

As we climbed into the car, I tried to shake off my discomfort. Adam would be there, I reminded myself. I'd be safe. 'be safe.

Habang papunta kami sa kanila, naisip kong i-activate ang tracking app sa phone ko para just in case ay ma-track ako ni Adam. Yes. Nahuli ko na naman siya last week. Matalino siya, oo. Kaya niyang i-hide ang tracking app sa phone ko, pero mas mautak ako. Alam ko kung paano hanapin ang naka-hide na app or files kaya nalaman kong mayroon na naman siyang in-install sa phone ko.

The drive to their house was eventful. Nagkuwento sa amin ang adoptive father ni Adam about sa pag-stay nila sa Australia at kung paano lumago ang kanilang restaurant doon hanggang sa makilala ito at nagkaroon pa ng maraming branch.

Soon we were pulling up to their large, elegant home. Hindi na bago sa akin ang lugar dahil nakapunta naman na ako rito noong dinalhan ko ng cake si Adam. Pero si Leight at Violet, tulalang namamangha sa ganda at luwang ng bahay pati ng paligid.

"Adam should be here soon," ani Tito Win. 'Yon ang sinabi niyang itawag namin sa kaniya.

As we entered the house, we were greeted by Adam's mom with a warm smile. Nakasuot siya ng chef's coat at nakatali paitaas ang buhok. May hawak siyang apron. Sa akin siya unang bumeso dahil hindi naman ito ang una naming pagkikita. Sunod niyang binalingan ang dalawang kaibigan ko at agad ko itong ipinakilala sa kaniya.

"Nice to meet you po," my friends both said at the same time. Pareho rin silang nakangiti.

Adam's mom was incredibly welcoming. She guided us to the kitchen, where she was preparing dinner. Ang asawa naman niya ay saglit nagpaalam para magpalit dahil tutulong daw ito sa pagluluto.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon