Recruitment

1K 23 2
                                    

Aiah's P. O. V



Na-ooverwhelmed ako sa dami ng customers. Simula noong "lagabog" dance ko halos punuan na palagi itong shop. Hindi naman sa nag rereklamo ako, 'no, pero kase parang hindi na kayang iaccommodate ng shop yung mga tao. Nag lagay na nga rin ako ng tables sa labas pero wala, hindi pa rin talaga sila kasya. Blessing  rin naman ito kaya hindi ako nag rereklamo, nagdagdag nga ulit ako ng employee eh, sina Ian at Sean, mga makikisig at masipag na lalaki. Magagaling rin silang barista at malinis ang pag aayos ng shop. Kaya habang wala ako dito, kampante akong quality ang mga binibigay nila sa mga customers.


I'm currently at the site kung saan ako nagpapatayo ng shop. It's wider and better kesa sa main branch ko. Dahil na rin sa support ng mga tao eh naka-ipon agad ako ng pera para sa pag papatayo ng shop.



"Aiah."



Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Colet na nag aayos ng sumbrero niya. Mukhang snatcher?



"Ginagawa mo dito, teh?" tanong ko sakanya pero ibinaling ko rin ang tingin sa pinapagawa kong building.




"They were looking for a supplier ng coffee and bread sa management na pinag-tratrabahuan ko. G ka ba? Thrice a week lang naman ang pag bibigay mo eh."



"Sige, okay lang naman sa sched ko. Malayo ba pag dedeliveran?" paninigurado kong tanong sakanya at ngumiwi ito.




"5 minutes drive lang mula dito." sagot naamn niya at napa tingin ako sakanya.



"Loko! Edi 20 minutes drive na yun mula sa apartment ko. Ayoko! Anlayo!"




"For SXTN, teh. Parang awa mo na umoo ka na!! Ang pipihikan ng mga alaga ko, nirerequest palagi ang mga kape mo. Pagod na akong mag drop by sa shop mo everyday." hindi ko alam kung nag mamaka-awa ba siya or naiinis dahil sa ginawa siyang utusan ng mga alaga niya. Pero natatawa ako kase ang strikto nitong tao pero nauutus utusan lang siya ng SXTN HAHAAHHAHA!!!



"Update kita sa desisyon ko, uwi kana teh. Baka gumuho yung mga pader dahil sa boses mo." tinaboy taboy ko siya at naglakad naman ito paatras.



"Guguho talaga yan pag hindi mo tinanggap ang offer ko!!" sigaw siya at napa ngiti nalang ako sa inasal niya. Lakas talaga ng topak ni Colet eh. Ms. Anger nga tawag ko minsan kase palagi nga talaga siyang galit! Like, maliit na bagay puputok butchi niyan. Kaya siguro inaalila ng SXTN to sa pag bili ng coffees nila kase doon nalang sila bumabawi sa asal ng Colet Vergara na ito.



...




...



And so I'm here, standing outside the building of Acs-bnn. Dala-dala ko ang sanda makmak na kape na inorder ng mga alaga ni Colet. Hindi lang yun, pati order ng iba sa management!! Jusko!! Mukha akong food panda na may booking!



Inilabas ko yung phone ko at minessage si Colet.



-Where are you? Andito na ako sa baba baka gusto mo akong tulungan sa pag buhat?



-Otw!!




Five minutes rin siguro akong naka tayo dito sa parkingan hanggang sa lumitaw na yung mukhang angry bird. Binuhat niya yung isang ice box at ako naman binuhat ko yung mga tinapay. Lighter ang binuhat ko kase baby girl ang datingan ko today.



Pagkarating namin sa studio kung saan nag vovocalize yung SXTN ay nagulat ako sa dami ng taong andito. Nasa sampung tao ata ang nanonood sakanila habang nag ppractice. Imaginen niyo ah, vocalization palang tinututukan na sila what more kung totoong kantahan na ito. Maling nota lang ba uulitin nila mula umpisa?



AmericanoWhere stories live. Discover now