Aiah's P.O.V
Kakatapos lang ng press con and ang masasabi ko lang ay WHAT THE FUCKKKK!!! Grabe! Hindi ko alam kung saan nang gagaling mga sources nila pero damn ang accurate. Spies ba sila? Or stalkers? Baket parang alam nila lahat tungkol saamin? Even our deepest secret nahalungkat nila, for example, yung kay Mikha, wala naman ibang nakaka-alam noon pero baket nalaman nila? Wala bang confidentiality yung psychologist ni Mikha?
*ring!
Great, now who's calling me? Super stressed ako dahil sa nangyare sa press con, hindi siya nakaka fresh. "Hello?" sagot ko sa phone ko. "It's PJ, how are you? Napanood kita sa tv, is everything alright?" rinig ko sa boses niya yung concern. Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko kase kinamusta niya ako. Wag kayong ano jan! Hindi naman ako kinikilig!
"Yes, I'm fine naman. PJ,, about the dinner pala, I don't think I can make it kase sobra akong napagod ngayon." kako sakanya then I heard him "hmm". "It's fine, Aiah. Maybe next time? Or if it's okay with you I'll just visit you sa place mo? I'll bring you dinner nalang? How's that sound?" he's very persuasive, yan ang gusto ko sakanya. As a friend of course.
"Kung hindi ka naman busy go lang." sagot ko sakanya. The call ended na when we both agreed na punta nalang siya sa apartment ko mamaya. I don't know anong itsura ng apartment ko now, feel ko lumindol aesthetic nanaman.
"Naka ngiti nanaman si ate Aiah! Share mo naman!" sigaw ni Shee ng mamataan akong naka ngiti. Hay, ewan ko ba pero ngayon lang ulit ako naging ganito sa isang tao. Like, after namin ni Mikha, hindi naman ako interesado sa ibang tao eh pero pag dating kay PJ hayy ewan ko. May something talaga sakanya eh, porket ba older guys yung na date ko before? Siguro, may place lang talaga ang older guys sa puso ko.
"Wala! HAHAAHAH! Si PJ lang nangangamusta." sagot ko sakanya at binigyan naman ako ng "weh" look. "Hindi ka naniniwala???" napa hawak ako sa puso ko at nag kunwaring nasaktan dahil hindi siya naniniwala sakin. "Syempre naniniwala 5%. Ano nga? Baket ka kinikilig jan? Mag ddate kayo no!?! AyIIiieeEeEee!!!!!" mababasag na ata itong eardrums ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya dito sa van. Paki open nga yung bintana para lumabas yung echoo!!!
"Hindi naman date, casual dinner lang sa apartment ko mamaya. Pagod na kase ako para lumabas eh kaya nag initiate siya na doon nalang." mahinhin kong sabi, nagpabebe lang ba. Eww!! Ang cringe ko na!! "Pag hindi niyo maubos yung food nasa kabilang building lang kami ah." sabi naman ni Maloi, wow, just wow!! Hanggang ngayon mas iniisip talaga nila yung makakain nila kesa sa outcome ng dinner namin no? Priorities nga naman talaga.
"Tama na yang PJ PJ na yan. Pag usapan natin paano ma-aayos ang nadungisan niyong pangalan. Lie low muna kayo sa mga pag iinom niyo sa mga bar or mga big parties. Feeling ko kase aabangan na kayo palagi ng heathers sa labas. Tyaka nalang muna kayo lalabas kung emergency at mag eerrands." sabi ni Colet kaya napa simangot yung girls. I feel sorry for them. Alam ko kung paano yung hirap nilang nasa loob lang ng condo buong araw. Ay, hindi pala araw lang, minsan weeks ang tinatagal bago sila maka labas ulit.
"Umay na ako sa mukha niyong lahat. Paano kung yung ibang tao nalang papuntahin natin sa condo? House party?" naka ngiting sabi ni Maloi. Kinunotan siya ng tingin ni Colet. "Edi na invade na yang personal space niyo? SXTN kayo oy! Inaalagan ang image niyo, hindi yung basta-basta kayong nakikitang nasa lansangan. Isipin niyo reputasyon niyo ang naka salalay dito. Kaya ikaw Maloi umayos ka. Jhoanna ikaw rin!! Hayyy, mabalitaan ko lang talagang gumagapang kana naman sa daan ng CGB kakaladkaren kita pabalik sa condo niyo." ayan na nga po ulit si Colet. Serious mode na siya today. After ba naman questionin ang pagiging manager niya kanina, ito na siya, nanenermon na. Hindi na nila friend si Colet ngayon, manager na siya ulit.
YOU ARE READING
Americano
FanfictionA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...