Jhoanna's P. O. V
Excited na ba kayo Heathers? Kami excited na!!!!! Kami ni Maloi ay nag booked ng tickets papunta sa Queen of our hearts! Mother Aiah!!! Eh kami lang kase ang pwedeng umalis eh, si Gwen at Mikha kase hindi naman pwede. Si Gwen bantay sarado kay Mikha, alangan naman ayain namin si Mikha? Edi nag iyakan na yung dalawa. Hindi rin naman pwede si Colet kase busy sa pag mamanage ng business na naiwan na mother Aiah. Si Staku naman busy sa pag dedesign ng mga isusuot namin sa parating na shows namin. Si Sheena kasama ni Gwen na kumakausap kay Mikha. Sila ang emotional support ni Mikhs ngayon. Kaya kami ni Maloi bilang wala kaming ambag sa buhay nila, mag babakasyon kami sa Australia. Isang linggo lang naman, pag bigyan niyo na kami.
"Bakla, yung passport mo nasa bag mo na?" tanong ni Maloi saakin habang nag iimpake kami. Mamayang 3pm na kase yung flight namin. Aba syempre mahaba habang flight kaya yun. Masakit sa pwet kaya naman nag practice talaga akong umupo for ilang oras.
"Neck pillow mo dalhin mo ah. Pag ako pinatungan mo ng ulo sa biyahe, hahambalusin kita." sabi pa nya saakin. Oo na Maloi! dadalhin ko na lahat! kung pwede nga lang pati unan na dadalhin ko na eh. "Mare, yung mga pasalubong natin kay mother Aiah ah. Hindi na kasya sa suitcase ko eh." kako naman sakanya at ipinasok na niya yung paper bag sa maleta niya. Syempre, as a sweet girl kami, sinulatan namin siya. Miss na miss na rin namin yung mga kalokohan niya eh.
Bago kami pumunta sa airport ay dumaan muna kami sa Church para mag dasal. Mahirap na, malayo ang lalakbayin namin. Medyo OA pa naman si Maloi at talanging sinasabi na paano raw kung magaya kami sa final destination. Ay jusko! Kung siya talaga kasama mo sa biyahe baka buong flight kang mulat dahil hindi mapakali ang utak mo kakaisip.
Nasa loob na kami ng plane ngayon. Hindi ko rin naman kayang magising buong biyahe kaya uminom ako ng sleeping pills. Binigyan ko rin si Maloi para tumahimik ang bunganga niya ng sa gayon maka sleep ng maayos ang person niyo. Syempre kung gising itong katabi ko, hindi ako makaka tulog. Yung akala mo baby sa plane ang kalaban mo pero in reality si Maloi talaga. Si Maloi ang maingay sa biyahe.
....
....
Touch down Australia!!!! Hinihintay nalang namin ngayon si mother Aiah dito sa airport. Gusto namin siyang isurprise pero syempre paano kung mas mauna pa naming makita si San Pedro kesa maka rating sa bahay nila? Edi wala na kayong favorite sweet girl na Jhoanna at Maloi?
Few minutes na kaming naka tayo dito sa laas ng airport. Para kaming mga batang nag aantay ng service. Asan na ba si mother? Malayo ba dito yung bahay niya? Baket sabi niya kahapon 5 minutes drive lang. Si mother talaga parang jinoke time nanaman kami.
*beep! beep!
"Si Ate Aiah na ba yan?" tanong ni Maloi habang naka squint yung eyes niya. Tinignan ko naman yung kotse baket itim? Dapat puti kase yun favorite color niya. emi! HAHAHAHHA!
Nag park yung kotse at lumabas doon si mother Aiah. Sinalubong na naman niya kami ng mala anghel niyang ngiti at tumakbo siya papalapit saamin. "OMG!! Buhay kayo!" mahigpit niya kaming niyakap at niyakap rin namin siya pabalik. "Antagal mo ate Aiah. Para na kaming sira dito kanina pa." reklamo naman ni Maloi at napa kamot ng noo si Aiah.
"Sorry, nawala sa isip ko yung time of arrival niyo kase na busy ako sa pag aasikaso sa pinapatayo kong shop." wow! Ate Aiah magiging shop owner na ulit? Pero this time hindi na sa PH, sa Australia na! Big time na talaga si ate Aiah! Mother na mother na nag peg!
YOU ARE READING
Americano
FanfictionA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...