Gwen's P. O. V
Nakabalik na kaming lahat dito sa condo. Maayos na rin si Mikha, no sign of relapse. No drinking and use of nicotine products. Sa aming magkakagrupo kami talaga ni Mikha ang pinaka close. Mula trainee era, kami na talaga ang magkasangga. Kaya alam ko na lahat ng baho niyan sa katawan. Wala man akong kibo sa kadalasang kagaguhan niya sa buhay pero nakikita ko naman lahat. I'm very observant.
"Gwenny, sali ka?" aya saakin ni Sheena habang nag lalaro silang lahat ng uno sa sala. Lahat, including our coaches and Ms. Aiah.
Lumapit ako sakanila at tumabi kay Jho. Kanina pa rin maingay tong lokong ito eh, kanina pa kase natatabunan ng plus cards. Nag iinuman rin pala sila. Yes, inuman kase ang bonding time ng mga ito eh.
Kahit naman kase idols kami eh tao pa rin naman kami. Kailangan rin naman namin mag unwind at magsaya kahit paminsan minsan, hindi ba?
"Ohh, si Gwen na mag distribute para naman mawala yung malas ni Jho." sabi ni Stacey at nginitian naman siya ni Jho. Kung maglalandian po kayo pwede sa far away kayo? Halatang halata ang lansa niyo, mga bading.
Ako na yung nag balasa sa braha kase naman malas itong mga ito. I shuffled the cards at dinistribute na. Habang tinitignan ko itong cards ko, all goods naman. May dalawa akong plus cards at confident naman ako na hindi ako matatalo today.
"Una kana Gwen." sabi ni Mikhs kaya naman nilapag ko yung unang card. Tuloy tuloy hanggang sa nag lapag ng +2 si Ms. Aiah. OA naman? Agad agad?
"Oh!! Lapag niyo na!!" sigaw ni Maloi ng makalapag siya ng another +2. Ganyan kayo ah. Naka ready na yung +2 card ko eh kaso nag lapag ng +4 si Sheena na nasa tabi ko.
"Seryoso ba Shee??" tinignan ko siya ng masama at ngumisi ngisi pa siya.
"Oo naman. Ano, laban ka?" pag mamayabang niyang tanong saakin. Pasalamat ka talaga wala akong +4!!!
"Hugot hugot 8 cards! HAAHAHAHA! Bwenas talaga si Gwen! Tinanggal ang mala si Jhoanna pero napasa sakanya yung malas! HAHAHAHA!!" sigaw ni Colet at napa irap nalang ako. Ngayon na ngalang ako makikisali natalo pa. Malas kass itong katabi ko eh. Maka ngiti saakin akala mo walang atraso.
Humugot ako ng 8 na cards af dinagdag yun sa hawak ko. Geh, paano ko ito hahawakan ngayon? Eh andami na!? Salamat nalang talaga at may isang +4 na napunta saakin. Hindi na nila ako ma aangasan ngayon.
Siguro pikunin lang talaga akong tao pero sa totoo lang na eenjoy ko naman itong game. Puros tawanan lang kami at chismisan sa mga issue ng ibang idols. Oo, sorry masasama rin talaga ang ugali namin minsan. Minsan lang naman tyaka hindi naman namin nilalabas sa ibang tao yung chismis, kami kami lang naman ang nakakaalam.
*ding! dong!
"Yung pinto. Baka yung pinadeliver na natin yun." sabi ni Jhoanna at tumingin saakin. Porket ba ako pinaka malapit sa pinto ako na dapat ang kukuha? Oo, malamang saakin na sila naka tingin eh.
Binuksan ko yung pinto at tumambad saakin ang isang matangkad na lalaki. Sino itong kupal na ito? Ahh taga deliver nga pala ng food.
"Magkano po lahat? Kunin ko lang yung bayad." kako sakanya at lumapit ulit sa girls.
"Bayad." kako sakanila at inabot ang kamay ko.
YOU ARE READING
Americano
FanfictionA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...