Aiah's P.O.V
....major time skipped for 5 months.....
"San? Dito nalang ba ilagay Mikhs? Dapat kase andito si Colet eh! Palagi nalang late!" reklamo ni Maloi habang karga karga niya yung maleta ni Janna. At ayun nga may sarili na siyang condo kase gusto niyang maging independent. Sinupport ko naman siya kase ayun ang gusto niya, ang problema nga lang eh 30 minutes away siya saakin.
"I already called her and she said she's on her way." sagot naman ni Janna sakanya. "Mare eh ito? San itong mga karton na to?" tanong ni Gwen habang buhat naman ang medium sized box. "Sa kwarto nalang muna, Gwen. Salamat." sagot niya.
"Janna, I'll cook some food muna para kain nalang gawin natin mamaya." kako sakanya at tumango naman siya.
For the past few weeks, sinamahan ko lang siya maghanap ng condo niya. Wala na kaseng available space sa condo na pinag sstayhan ng girls kaya nag hanap kami sa iba. Biniro nga niya akong mag move in nalang raw siya sa apartment ko pero kako naman sakanya "you want to be independent diba? live on you own HAHAHAH." pero syempre deep inside gusto ko rin talagang mag move in siya. Wala lang, para lang hindi ako mangulila.
"MikhaAAaaA Lim!! Asan ang walis mo? Jusko! Condo pa ba ito!? Parang pinamugaran na ito ng iba't ibang insekto ah!?" sigaw ni Sheena. Nakita ko namang inabutan siya ng walis ni Janna. Busy siya ngayon na nag uunbox at naka upo lang siya sa floor ngayon.
"Janna, wag kang umupo jan. Ito naman, alam mong madumi jan ka uupo." sermon ko sakanya at napa ngiti nalang siya sakin at nag sabi ng "sorry".
"Ayan! Pasaway na bata! Alam mo ba ate Aiah, natutulog yan ng walang damit tapos sagad yung aircon!" sumbong naman ni Jhoanna at napa tingin naman saakin si Janna at ngumiwi. "Ay talaga Jho? Ano pa mga ginagawa ng batang yan?" tanong ko naman at napa clap si Jhoanna.
"Ayy!! Hindi yan nag huhugas ng pinggan!! Kain lang alam niyan ate, hindi rin marunong mag luto. Laundry? Ay no! Baka nga hindi pa niya alam mag laba ng sariling underwear eh." ganap na ganap si Jho sa pag sumbong at nakita ko nalang ang pag tawa-tawa ni Janna sa gilid.
"I object! Marunong naman ako mag laba!! Papansin ka lang Jho! Staks, pag sabihan mo nga yang jowa mo." sumbong naman ni Janna kay Staku. Ahh, kung hindi niyo pa alam, nag lalandian rin kase yung dalawa. Sabi nila wala raw silang label pero mas malala pa silang mag landian kesa saamin ni Janna eh. PDA pa nga yang dalawa eh, ayaw lang siguro lagyan ng label kase medyo playgirl ang Jhoanna natin.
"False! Hindi ko pa nakitang nag laba si Mikha!" sigaw ni Maloi at talagang pinag tulungan na nila si Janna. "Paano ka nalang mabubuhay kung wala kami Mikhs?" sabi ni Shee at tinuro naman ako ni Janna. "Mabubuhay ako basta meron si Aiah." sabi niya at kinindatan ako. Luh!? Para namang sira Janna. Ako lang ito oh.
"Ano yang naririnig kong buhay buhay!?! Wala ka ngang buhay pag kumakanta!!!" nagulat ang lahat ng biglang dumating si Colet. Parang galing pa sa digmaan si loko. Naligo ka ba? "Coletttt!!!!" malakas na sigaw ni Maloi at tumakbo siya papalapit kay Colet sabay yakap. Itong dalawang ito talaga kung wala lang jowa si Colet, iisipin kong naglalandian sila.
Na spill sakin ni Colet na may jowa siya pero hindi pa niya sinasabi kung sino. Kung sino man siya, sure akong busog na busog siya sa pagmamahal ni Colet. Duh? Colet pa ba? Ang sobrang maalalahanin niyang tao at dai ang cooking skills neto mala master chef na. Hindi lang puso mo ang busog, pati sikmura mo.
YOU ARE READING
Americano
FanfictionA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...