First

974 14 0
                                    

Aiah's P. O. V



I'm officially the manager of SXTN. After how many ganaps dahil ayaw silang bitawan ni sir Bart, bumigaw rin siya after ma offeran ng pera. Legally speaking, ako na talaga ang manager. Kaya hindi niyo ako pwedeng questionin na "huh paano naging manager yan eh ang bata-bata". Huy! Pina training at aral rin nila ako for few weeks para lang magamay ko yung mga ginagawa ng manager. And to be honest, wala naman siyang pinag kaiba sa pag manage ng kapehan.



Today ang first show nila under my management. Kinakabahan nga ako kahit hindi naman ako yung mag peperform. Alam niyo yung feeling na magaling ka naman mag luto pero kinakabahan ka pa rin sa outcome ng niluto mo. Ganon yung na fifeel ko ngayon. I don't want my girls to fail.



While eating my usual breakfast, I decided to scroll my soc meds. Tinignan ko ano yung mga ganap ng girls not until makita ko yung story ni Colet.


 Tinignan ko ano yung mga ganap ng girls not until makita ko yung story ni Colet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

- With da 3 idiots. Leader Gwen, pagaling kana!! Mwa mwa <33



Asan itong mga ito? Pumarty ba sila kagabi? Paano kung malat yung boses nila ngayon? Oh, paano na yan? Mga hindi nanaman nag papa-alam! Pasimuno nanaman siguro si Colet.



Nag reply ako sa story niya.



"Siguraduhin mong hindi malat ang boses ng mga yan mamaya."



Hindi ko alam kung OA lang ba ako pero ayoko kaseng mapahamak ang mga girls ko. Knowing na isa sila sa biggest rising girl group eh malaki ang expectations ng mga tao sakanila. Gusto ko lang naman ang ikakabuti nila.




I fixed myself, dinala lahat ng pwedeng idala at nag drive papunta sa venue. Ang balita saakin eh nag bibihis na yung girls. Kaya naman pupunta na agad ako doon in case may aberya.



Few minutes later I arrived na sa venue. Dumiretso ako sa dressing room at bumungad saakin ang chaotic scene.



"Ano ito? Baket parang palengke ang ingay niyo?" pag rereklamo ko sakanila at agad nila akong binati ng "Manager Aiahh!!!!! Finally andito kanaa!!!"



Nilapitan ko yung girls at tinanong kung anong pinuputok ng butchi nila.



"Ano? Baket ganyan palang suot mo? Asan si Stacey?" tanong ko kay Jho na naka robe palang hanggang ngayon. Anong oras na jusko!



"Na kay Gwen pa. May wardrobe issue lang. Medyo maluwag yung suot ni Gwen kaya tinatahi pa ni Ms. Stacey." sagot niya saakin at agad naman akong lumapit kina Gwen at Stacey.




"Staks, asan damit ni Jho? Ako nalang mag aayos sakanya."




"Ahh, andoon sa hangeran." sagot niya kaya naman agad kong kinuha yung naka sabit na damit ni Jho.




AmericanoWhere stories live. Discover now