2.0

652 14 2
                                    

TW! This chapter contains mature language, drug consumption, and drug overdose. If you don't feel comfortable, feel free to skip this chapter.









Mikha's P. O. V





Hinatid ko muna si Aiah sa apartment niya kanina kase bibisita muna siya sa site kung saan niya pinapatayo ang new cafe niya. As her partner, syempre sobrang proud ako. Partner ba? Yes, last night we made it official. Sobrang nakakataba nga sa puso kase finally kami na.




Ako naman habang nagpapalipas ng oras, naki training muna ako. Hinihintay ko lang ang heads up niya kung kailan ko siya susunduin sa aprtment niya.




"Oh tapos? Kayo na? Tangina neto eh masyadong nang oovertake ng love life!!" sigaw ni Maloi saakin na halatang kinikilig rin. Actually lahat kami kinikilig, maski si Colet na hindi naman talaga kiligin sa buhay. Malaking tulong siguro yung jowa niya, nawala kaunti yung pagka bugnutin niya.



"Pero Mikhs kailan mo siya ipapakilala kina tito? Don't tell me itatago mo sakanila?" concern na tanong ni Gwen. Wala naman akong balak itago siya sa parents ko. Ang pag mamahal ko kay Aiah ay hindi pwedeng pang lowkey lang. Kung pwede lang iflex palagi aba gagawin ko.




"ASAP, pero now uunahin ko muna sila lola." sagot ko sakanya at tumango lang sila saakin.




Ilang oras ko ng hinihintay yung message ni Aiah pero wala pa rin siyang message saakin. Halos 3 hours na yung lumipas simula nung hinatid ko siya ah. Asan na kaya yun? Na traffic ba? Ahh hindi, surpresahin ko nalang sa apartment niya. Siguradong pagod yun pag-uwi niya eh.




Pag baba ko sa condo ay dumiretso agad ako ng lakad patungo sa apartment ni Aiah. Binati ako ng mga workers niya bago ako pumasok sa kwarto niya..



Nagulat nalang ako ng makita ko si Stell sa sofa niya na walang suot pang itaas. Messy hair, and he's panting. Hindi ko gusto kung ano man ang nakikita ko ngayon.



"What the fuck are you doing here!?!?" sigaw ko sakanya at napa barigwas naman siya ng tayo at tumingin saakin. Kita sa mukha niya ang pagka gulat.




Narinig ko naman ang pinto sa cr na bumukas at lumabas si Aiah na naka tapis lang. Basa pa ang buhok at bakas rin sa mukha niya ang pagka gulat.




"Janna? Anong ginagawa mo dito? Akala ko mamaya ka pa darat-"




"No! Anong kagaguhan ang pinag gagagawa niyo ng wala ako!?!" sigaw ko sakanila at ibinaling ko muli ang tingin ko kay Stell. "At ito! Anong ginagawa ng mokong na ito dito!?" tinuro ko si Stell habang naka tingin ako kay Aiah. I can feel the steam coming out of my ears. Grabe, grabe itong ginawa nila saakin.


"Janna, it's not what you think!" sigaw ni Aiah sakin at pilit niyang ibinababa ang kamay ko na naka duro kay Stell.



"Mamili ka, siya o ako!" diretsahan kong tanong sakanya.



"Oh come on! Cut the crap bro! Hindi naman niya kailangan mamili!" sigaw naman ni Stell at talagang nakikisabat pa.



"Putang ina! Pwede ba huwag kang sumabat sa usapan ng iba!? Wala ka ba talagang manners!?!" sigaw ko sakanya and this point, hindi ko na alam kung ano ang kayang kong gawin. When I love, I love hard. Ayokong may kaagaw ako. I fucking hate pricks na nakiki agaw sa taong mahal ko!!



"Janna! Wag mo naman pag salitaan ng ganyan si Stell. Wala namang ginagawa yung tao eh!"



"Wow! So mas kinapampihan mo siya kesa saakin!?! Ano? Mas pipiliin mo ba siya kesa sakin?" I'm loosing my control.



AmericanoWhere stories live. Discover now