Vivid

613 17 2
                                    

Mikha's P. O. V





Naka upo kami ngayon ni Jhoanna sa tabi ni Aiah. Aiah is still unconscious, we are still waiting for the ambulance. I've been crying for several minutes since she got hit by a goddamn car!






"Mikha, tubig." inabutan ako ni Colet ng tubig. My hands were shaking, I'm panicking inside but I don't want to show them my weakness..





"Mikha, hinga ka lang ah. Papunta na yung ambulance." niyakap ako ni Jho pero napa ngiwi lang ako.





"I don't even know if she's still alive, Jho! Hindi ko nga siya pwedeng hawakan! How am I supposed to breathe!?!?"






Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa nakikita kong sitwasyon ni Aiah. 





"Anong kotse ba yung naka bangga sakanya? At baket kase hindi mo siya hinila Maloi?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ako dapat yung kasama niya eh, hindi si Maloi. Ako nalang dapat yung nabangga!





"Mag dahan-dahan ka naman sa sinasabi mo Mikhs! Hindi naman ginusto ni Maloi yung nangyare eh! At tyaka tinulak siya ni Aiah! Wala siyang kasalanan!!" sagot ni Colet bilang depensa sa nobya niya. Andoon na ako! Oo, wala siyang kasalanan pero sana man lang isinama niya si Aiah.





"Sorry Mikha!!!" umiiyak na sabi ni Maloi at lumapit naman si Colet sakanya. "Shhh, wala kang kasalanan Loi." mahina niyang sabi pero rinig ko pa rin yun. Kung hindi lang sana nangyare ito, sana magkatabi pa kami ni Aiah ngayon. Hindi sana ganito na hinihintay namin yung ambulansyang tutulong sakanya.





"Aksidente yung nangyare. Wala tayong dapat sisihin dito kung hindi yung kotseng tumakbo! Wala na tayong oras para mag sisihan pa." sabi naman ni Gwen.





It's been 5-8 minutes at wala pa rin yung ambulanya. Kung pwede lang talagang ako nalang ang mag takbo sakanya sa hospital, ginawa ko na. Pero hindi kase pwede eh, maselan ang kundisyon niya. Andaming dugo at hindi ko naman malagyan yung ng panyo bilang panigil kase baka may magalaw akong hindi dapat galawin kapag naaksidente.





"Mikhs! Si ate Aiah gumalaw!" malakas na sigaw ni Shee kaya naman agad kong ibinaling ang tingin kay Aiah. Bumukas ang mga mata ni Aiah at agad nag tama ang tingin namin..





"Babi." naka ngiti kong sabi  pero bakas sa mukha ni Aiah ag pagkalito. "I'm sorry but who are you?" tanong ni Aiah.





Hindi ko na napigilan ang luha ko at humagulgol ako.. Hindi ako makapaniwalang hindi ako maalala ng girlfriend ko. Ang akala ko ay sa mga movies lang nangyayare ang mga ganitong scenario.





"Tumatawa si ate Aiah." bulong ni Jhoanna kaya naman agad kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa naka handusay kong nobya. "Do I still look good? Baket parang ang tagal ng ambulance? Hindi ba nila mahal ang trabaho nila?"




Nagulat kaming lahat dahil sa pinapamalas na energy ni Aiah kahit na naaksidente siya. Imaginen mo paubos na yung dugo mo pero ang energy ay to the highest level pa rin.





"Shhhh, save your energy. Papunta na yung ambulance dito." sabi naman ni Colet. "Colet, sayo na yung coffee shop ko. Shee, Staks, Gwen, and Jho, bahala na kayo sa mga alahas at kotse ko."





Nag tinginan kaming lahat at ibinalik yung tingin kay Aiah na naka ngiti pa rin. "Gago ka ba!? Baket kana nag hahabilin eh buhay ka pa?!" sigaw ni Colet.





"Huh!? Eh sino itong anghel na ito!? Hindi ba ito langit!? Oh my gosh! Sa impyerno ako napunta?!"





Napa hawak nalang ako sa ulo ko dahil sa inaakto ni Aiah. Hindi ko alam kung nangttrip lang ba siya or talagang iba na yung nakikita niya.







AmericanoWhere stories live. Discover now