Better

578 14 3
                                    

Mikha's P. O. V





I'm going through therapy for months na and I can say na I'm getting better. Cinut off ko na rin sa buhay ko si Gelo. Hindi ko na kayang ikeep pa siya kase pag may problema ako, sakanya nanaman ako lalapit. Ayokong may mangyare nanamang masama dahil sa kalokohan na ginawa ko.






Nung sober na ako, kwinento nila saakin lahat ang mga pinag sasabi ko kay Aiah.. And to be honest, hindi ko maalala lahat. That's not me, it's my emotions towards the situation, I wasn't thinking properly. I regret making a decision habang under the influence ako. Kung nakinig lang ako kay Aiah, if only I listen to her, hindi siya aalis at hindi niya ako kamumuhian.






Pero ayun nga, nasaktan ko na siya. Nasaktan ko sila Colet. Lahat ng taong nasa paligid ko that time ay nasaktan ko. Hindi naman ako ganong tao pero hindi ako nag rarason. Matanda na ako, at desisyon ko yun, ako ang may kasalanan sa lahat. Nagpapa salamat pa rin naman ako kina Maloi na patuloy na tumutulong saakin. Hindi nila ako pinabayaan at tinutulungan akong maging ako ulit.






Naiwas rin muna kami sa media kase ayaw nilang ibaling saakin yung attention tuwing interviews. Although wala namang ibang nakaka alam sa totoong nangyare, wala rin namang lumabas sa media na issue tungkol saakin. Kaya I'm so thankful to Colet for protecting me despite the words na I said to her.






"Mikhs, labas tayo? aya saakin ni Maloi, tumango naman ako. Ilang araw na rin akong taong bahay lang eh. "Sinong kasama natin?" tanong ko sakanya at tinuro yung ibang girls. Kompleto lahat, pati si Colet na alam kong galit pa rin saakin.






"Kain tayo sa labas tapos bisita tayo sa studio. Miss kana ng mga boss natin. Mag pakita ka naman!!" sigaw ni Maloi at tinulak tulak ako. Napa ngiti naman ako at tumango nalang rin. No choice na rin ako eh, makulit siya, hindi ko naman pwedeng tanggihan kase baka gilitan ako sa leeg ni Colet.







"Tara na sa kotse para maka brunch na tayo. Gugutom na ako super." sabi naman ni Stacey at sumunod kaming lahat sakanya.






Madami ng nangyare sa buhay namin sa loob ng tatlong buwan na wala si Aiah. Pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Kumusta na kaya siya? Napa tawad na kaya niya ako? Mahal pa rin ba niya ako? or tuluyan na niya akong kinalimutan? Kase ako, mahal ko pa rin siya. Oo, hindi maganda yung mga pinag sasabi ko noon pero.. I don't want to reason out ah pero galit lang talaga ako noon. I was so hurt that I ignored the things she said. Inaamin ko naman eh, kasalanan ko. Ako yung mali, ako yung gumawa ng mga ikina sasakit ng damdamin ko ngayon. It was all my fault and there's no one else to blame.







"Malayo nanaman ang tingin ni Mikhs, guys. Balik na ba natin sa rehab ito?" pag bibirong sabi ni Sheena at niyugyog ang katawan ko. HAHAHAHA! Napa tawa nalang kaming lahat dahil sa sinabi niya. Wala eh, ginawa nalang naming katatawanan yung nangyare. Para bang ginagamit namin yung traumas namin sa katatawanan. Dark humor na malala.






"Check niyo yan baka bigla bumula yung bibig."






"Oopss!! HAHAHHAHAAHA!!"







Nag tawanan kaming lahat, halos hindi na nga maka hinga si Shee dito sa tabi ko eh. Wala, joke time nalang rin talaga yung pag ood ko. Eh ang funny naman talaga, nangyari dun dahil lang sa maling akala ko? Sino ba namang hindi matatawa doon? HAHAHAHHAHA.







We are having our brunch dito sa resto na malapit sa studio namin. Payapa kaming kumakain ng biglang tumili si Jhoanna.







"AaAaAhhHhHhhHh!!!! Guys look! Ang ganda ni ate Aiah!!! Parang iba talaga yung hangin sa Australia!!" sigaw niya at pinakita yung pinost ni Aiah na picture niya. Kung pwede nga lang hindi ko na titignan kase nahihiya ako pero ano pa bang magagawa ko kung nginudngod na ni Maloi yung cellphone sa pag mumukha ko?







AmericanoWhere stories live. Discover now