Mikha's P. O. V
I woke up feeling extra tired. Last night, I had a long talk with a new friend around the neighborhood. She's nice and always natataranta. I really liked the way her coffee tastes, it's unusual.
Today, the girls and I will be having a training session. Yup, training pa rin kahit tapos na ang trainee era namin. Sinusubukan lang talaga kami ng manager namin. Konting konti nalang eh aalis na talaga ako dito. Hindi dahil sa ayoko na maging kabilang sa girl group pero dahil sa manager pa rin namin ang tatay ko.
"Mikhs!! May extra shirt ka pa ba? Nasa laundry pa yung damit ko eeh." tanong ni Maloi habang nag pupunas nang mukha.
"Yeah, just check my cabinet."
Dumiretso naman ako sa kitchen at nag luto ng scrambled eggs. Sa sobrang dami ng stock namin ng itlog, baka pwede na agad kaming mag Easter Sunday at may egg hunting! Jusko! Kung itlog pa kakainin ko bukas baka kahit ako mangitlog na! All I want is a decent food!!!
"Girls!!! Gusto niyo ba mag order ng food??" syempre ako na ang nag initiate since takot silang lahat na mahuling may kinakain kaming iba. I mean not takot na to the point na issnitch nila ako pero takot lang in general.
"Akoo!!! Gusto ko ng matcha latte!!" malakas na sigaw ni Jho mula sa kwarto niya. Akalain mo yun rinig pa niya.
"Kahit anong drink saakin basta may kasamang pagkain." sagot naman ni Gwen. Si Gwen talaga yung tao na kahit umaga palang parang ubos na agad yung energy. Ibang iba lang talaga siya pag nasa stage. Parang naturukan ng adrenaline shot eh.
"Ako, hindi mo tatanungin?"
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Coach Sheena. My favorite dance coach!! Ang galing kase niya kahit na mas bata siya saamin.
"Sheena!!!! Oh my gosh!! Mabuti ikaw yung pina dala at hindi yung masungit mong kasama!! HUHUHU!!!" lumapit ako sakanya at niyakap siya. Close na rin talaga kami nito kase parang siya na yung pinaka batang member namin sa grupo.
Actually, lahat ng coaches namin, including na rin ang the best designer namin na si Ms. Stacey, lahat sila ka close namin. Yung manager lang talaga ang problema, ano pa bang iisipin mo eh sa lalaki siya eh.
"Okay!! Ang boundaries!! HAHAHHAHAAH!! Ano sakin mocha latte. Tapos if they have croissants, get me two kase your coach is hungry." maarte niyang sabi at nag libot libot sa condo. Para siyang supervisor na chinicheck lahat ng surroundings.
Minessage ko si Aiah at nag order na. Ang reply naman niya sakin "1650 po lahat, ma'am." Hindi ko alam kung sarcasm ba yung pag tawag niya saakin ng ma'am or seryoso.
"Ehem? Tama ba itong nakikita ko?"
Bumaling ang tingin ko kay Coach Sheena at tinignan kung ano yung tinuturo niya. Holy shit!
"Ohh, that's from a fan. Rude naman if hindi namin kakainin diba?" lumapit ako sakanya at kinuha yung mga chocolate wrappers.
"Totoo ba? Or else I'll report it to Sir Mike."
Sir Mike is the head producer of SXTN.
"I swear!! From Sebastian yang chocolates." I assured her, it's a lie though, I just bought it last night.
"50-30-20" sabi ni Coach Sheena. Ang pinaka nakaka bwisit na exercise na pwede naming ma experience!
"WHAT!?" pag rereklamo ko
YOU ARE READING
Americano
FanficA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...