Aiah's P.O.V
Janna is constantly having nightmares, it's quite alarming kaya naman pinacheck ko na siya. The findings naman is normal, minabuti nalang ng doctor niya na babaan ang dosage ng mga tinatake niyang medicine. I don't know if she's feeling better na ba or she's just faking her wellness. Magaling kaseng mag tago ng nararamdaman yun eh, ayaw raw kase niya akong mag worry. But still, nag-aalala pa rin ako dahil hindi niya inaamin ang tunay niyang nararamdaman. Aba, ayoko namang mag start ng family tapos hindi pa siya physically, emotionally, and mentally prepared!
Speaking of building a family... kinonchaba ko yung girls na isusurprise namin si Janna. A marriage proposal. I think it was long due na, it's time to take the next step. We've been together naman na for 5 years, 5 beautiful years. Five years na kase anniversary namin ngayon. Hindi ko na rin maimagine ang buhay ko without her. Andami naming natutunan, and na-achieved together, I think enough na yun para sabihin na kami talaga para sa isa't isa. Ayy mali! Kami pala talaga ang para sa isa't isa! Walang pwedeng umepal sa pag mamahalan namin, dahil kung meron man, impyerno ang aabutin niya saakin! Janna is mine and mine alone!
Except kung may anak na kami... Kahati ko na ang mga anak namin.. Mga? Oh my gosh! HAHAHAHHAHA! Okay, siguro okay na yung dalawa? Kung tutuusin magiging tatlo yan kase isip bata rin naman yung girlfriend ko. Or should I say fiancée? Kilig muchhh! AarRGHHHHH!!
"Lumilipad nanaman ang isip niya oh? Pwede bumalik ka muna sa earth? Hindi ko kase magets yung pinapa-execute mo eh." iritadong sabi ni Colet habang hawak-hawak niya yung tela. Andito kami ngayon sa shop, yung new branch. Mag didinner kami dito with my fam and Janna's dad. Yes, in good terms na sila, syempre ayoko namang maging messy ang buhay mag asawa namin dahil sa family issue? I want a healthy and loving family.
"Girl, I've been staring at the wall for the past couple of minutes, ganyan na ba talaga yan? Ang plain tignan." reklamo ni DJ. Yup, naging okay rin kami ng bruhang ito. Kahit naman anong selos ko dati, na realized ko rin na friends lang talaga sila.
"Just follow my concept, can you? Proposal ko ito, hindi sayo." iritado kong sagot sakanya at inirapan naman niya ako. This bitch!
"Mahaba pa ang araw pero mukhang ubos na pasensya niyo. Ano, hindi ba kayo mag titinong dalawa?" pumagitna si Colet saamin tyaka niya pinalo ang mga noo namin. "Aray!" reklamo ko sakanya. "Kilos na!" sigaw niya kaya bumalik kami sa pag aayos.
Mas mabuti nalang sana kung sila Gwen nalang ang tinawag ko dito kesa kay Colet at DJ! Parang wala kaming matatapos na maayos kung kami ang mag kakasama. Kaya pala wala yung ibang girls, sila yung pinabantay ko kay Janna. Ayoko kaseng mag isip siya nang kung ano-ano habang nag rerehearsal sila. Oo, alam niyang anniversary namin at may dinner mamayang gabi pero bukod doon, sana hindi siya maka tunog na may surprise pa ako.
"Ako na mag aasikaso sa catering. Pag balik ko siguraduhin niyong maayos na dito ah." kako sa dalawa.
"Gago ka ba!?! Iiwan mo kami dito? Sa tingin mo ba matatapos namin ito na dalawa lang kami? What if tawagin ko si Staku? Wala naman sa rehearsal yun eh!!"
"Pag tinawag niya si Staku, tatawagin ko rin si Karla. Ano, okay ka ba doon?" at sumabat pa nga si DJ. Uhmm, fine. The more the merrier.
"Basta hindi sila snitch at maayos ang work, go." sagot ko bago ako lumabas sa shop.
"Merienda ahh!!!" malakas naman na sigaw ni Colet.
I drove to the nearest resto around us para masabihan na sila about sa time ng catering mamaya. I'm thinking about fancy foods like steak and I don't know, asparagus? Ano ba kinakain ng mga mayayaman? Ayy, hindi kami mayaman ah!! Nag save lang talaga ako ng maraming pera for this special event and I believe na deserve naming lahat ang ganitong klase ng food.
YOU ARE READING
Americano
FanfikceA new P-pop girl group was created under the management of Acs-Bnn!! The P-pop group, SXTN!!!!! Lahat ng tao sinusubay-bayan sila. Mapa bata, matanda ay hindi na kakawala sa ganda at catchy ng mga kanta nila. Wala pa ngang isang taon mula ng mag deb...