Nature

653 20 6
                                    

Aiah's P.O.V




Guess whattt!!!! AHHHHH!!! The girls and I will be going on a trip!!!! A camping trip! Matagal ko nang dream ang makapag camping pero wala naman kaseng opportunity to try pero now meron na. Si Gwen ang nag suggest nito dahil may malapit na ilog sa house nila pero yung malapit na yun is 2km away from their house. Ewan ko ba sabi niya malapit pero ang layo-layo naman. Pero hindi na yan problema dahil Janna just bought her new pick-up truckkk!!! Lakas nga maka pogi eh. Palagi ko nga siyang niloloko na, "Baka naman ipang chix mo yang sasakyan mo ah! Subukan mo lang, ilalagay ko katawan niya sa bumper ng sasakyan mo." Hindi ko naman siya tinakot, slight lang.




As I'm watching her carry our things, hindi ko mapigilan ang mag drool.... She's wearing a sports bra lang kase tapos yung arms niya ang toned. Her abs..... Ahhhhh!! Sorry, pinag nanasahan ko girlfriend ko. Was it wrong? Hmm, hindi naman siguro?




"Babi, ilalagay ko lang sa sasakyan ito." paalam niya saakin habang dala dala ang tent at mga camping chairs. Tumango lang ako at pinag patuloy ko ang pag impake ng mga gamit namin. Hoo! Mainit ba ngayon? Baket parang pinag papawisan ako.




Dalawang kotse ang dala namin, yung pick-up niya at yung official service namin, ang fortuner ni Colet HAAHAHHAAH! Andami ng napuntahang lugar nung kotse niya jusko! Pag yun ang gamit namin, feeling namin kami si Dora the Explorer. Dalawang suitcase ang dala namin, ang oa diba? Pero yung isang suitcase lang yung may kargang gamit namin yung isa naman ay mga snacks and pagkain na rin ng anak naming si Haru. Hindi pwedeng maiwan ang anak! Baka mabaliw lang kami sa kakaisip kung iiwan namin siya.




Kinuha ko na rin yung marshmallow at graham cracker sa pantry kase parang maganda rin ang mag bonfire sa tabi ng ilong. Ahh, ito pa!! Ang ate niyong Janna bumili ng fishing gears! Akala mo naman talaga may mahuhuli siyang isda doon? Pero as a supportive girlfriend, sabi mo nalang "Go! Then ihawin natin yung mahuhuli mo." Ipasa Diyos nalang natin kung mag bibigay ba siya ng isda saamin o hindi.




"Babi, the girls are already waiting na sa parking. I'll carry the suitcase nalang then you carry Haru, okay?"




"Ganyan na suot mo?" tanong ko sakanya. Ay, baka kabagin ka jan sa suot mo babi? "Naka sando ka lang rin naman ah?" tanong niyang pabalik saakin. Aba! Iba naman ang sando sa sports bra lang Mikhaela Janna Lim?! "Bahala ka." sagot ko sakanya at nauna na akong lumabas sa unit. Naka backpack pa ako tapos naka carrier rin ni Haru.




Pagkarating ko sa parking ay ready na ang mga explorer! Posturang postura si Shee oh! Pack! Naka pang hiking bucket hat pa, sino ka jan Shee? "Ayan na si ate Aiah! Pasok na tayooo!!" sigaw ni Jho at agad siyang pumasok sa kotse ni Janna.




"Huyyy! Baket jaan? Akala ko kay Colet kayo?!" tumatakbo ako papalapit sakanila. Grabe, hindi manlang kami bigyan ng alone time ni Jana? "Kaseee,,, monthsary nung dalawa, ayaw naming makakita ng kalandian nila!" sigaw naman ni Stacey at pumasok na rin sa loob ng kotse. Wow, so sila may privacy kami wala? Baket ba kase hindi nalang mag kanya-kanya ng sasakyan? Grrrrr!!!!




Pumasok na din ako sa sasakyan at ipinirmi ang sarili. Kasama ko pa naman si Haru dito sa harapan. Aba kung wala lang sila sa likod edi si Haru nalang mag isa ang uupo doon kaso may mga epal eh. Need ko tuloy kandungin si Haru buong biyahe, or better yet, ipa kalong ko nalang siya sa mga loko-loko sa likod.




Ang kasama namin dito sa sasakyan ay si Shee,Staku, at Jhoanna. Wala si Gwen ngayon dahil nauna na siyang umuwi sakanila kahapon. Kaya ang pambansang fifth wheel ay si Sheena. Close nalang ang eyes okay? HAHAHHA!




"Ohhh, here she comeeesss!!" sigaw ni Sheena kaya naman napa tingin ako sa labas. Janna is wearing a tshirt na, oh, mag bibihis rin naman pala? Akala ko ba okay na yang sports bra lang na suot mo kanina? Tiklop ka pala saakin eh.




AmericanoWhere stories live. Discover now