Something Borrowed

582 20 2
                                    

Third Person's P. O. V





...now playing: Hit me up......




Naka upo ngayon sila Aiah sa gitna ng venue at sinasayawan sila ng mga papi nila.




"My gosh! Bakla, nag lalaway na ako!!" malakas na sigaw ni Maloi at pinapaypayan ang sarili.




"Gaga, rabies lang yan!!!" sigaw naman ni Staku pero ang tingin niya ay diretso lang kay Jhoanna.




Three minutes lang yung kanta pero pakiramdam nila ay isang oras silang ginigilingan ng mga nobya nila. Halos mabalian na rin ng buto si Aiah dahil sa galak na galak na pag palo sakanya ni Sheena.




"Hala si bebe parang ewan!!! Bebe, ulitin mo yan mamaya ahh!!!!" kinikilig na sabi ni Sheena at nag takip pa nga ng mukha. Kahit naman takpan pa niya ang mukha niya eh halatang-halata na ang pamumula ng mukha niya.




"Gosh, may ganyang side pala si Mimasaur? Parang ready na ako magpa headlock sakanya anytime, at anywhere!!! malanding sigaw ni Staku.




"Paki kurot nga ako! Parang namamanas na yung ovaries ko girls!! Feel ko buntis na ako!!!" sigaw naman ng bride at kinapa niya ang hita niya.




"Ate Aiah naman ang bargas mo mag salita!! Hindi nakakababae pero shet same!!! Feel ko 5 months pregnant na ako!! Pero kahit buntis na ako ready pa rin akong magpa get get ow kay baby anger Colet ko!!!! My goshh!!"




Sa totoo lang, wala na silang hiya lahat. Natural lang yan kahit wala pa silang alak sa sistema nila. Mga OA line sila eh, ano pa bang aasahan natin?




Natapos na rin sa wakas ang dance performance nila at nagsi-lapit sila sa mga nobya/asawa tyaka nila hinalikan.




Naka nguso na si Sheena, ready na siya. Pero wala siyang tanggap na halik kundi ang isang kurot mula sa girlfriend niya.




"Arayy!!!!!"




"Ang ingay mo kanina, nakakahiya." kunot noong sabi ni Gwen kaya napa busangot naman si Shee. "Kinakahiya mo ba ako?" malungkot niyang tanong. Nag tinginan yung iba sakanila.




"Bahala kana jan Gwen." sabi nila at umalis silang lahat sa gitna ng dance floor.




Naiwan ang dalawa sa gitna at nag titinginan lang sa mata.




"Hindi na kita kayang tiisin, Shee." mahinang sabi ni Gwen. Bakas naman sa mukha ni Shee ang pagkalito. "Huh?" naguguluhan niyang tanong.




"Ayaw na kitang maging girlfriend." seryoso sabi ni Gwen.




"Ngayon talaga Gwen? Dito mismo? Makikipag-hiwalay ka saakin?" umiiyak na tanong ni Shee at agad umalis sa harap ni Gwen.




Tumakbo siya palapit sa mga ate niya at mahigpit silang niyakap.




"Nakikipag break siya saakin!!!!!!!" malakas niyang sabi habang umiiyak.




"OA." sabi naman ni Maloi. Tinignan siya nang masama ni Shee. "Oo! Alam ko OA ako! Hindi ko lang talaga alam na mag sasawa pala siya saakin tapos ngayon pa talaga siya makikipag hiwalay!?!? Ano bang ginawa kong masama sakanya?! OA lang naman ako pero hindi ako masamang tao!!"




"Si OA." sabi naman ni Aiah.



"Ate Aiah naman ehh!!!!" para siyang batang nag ttantrums. At dahil sa irita ni Aiah ay ini-ikot niya si Sheena at pina harap sa direksyon ni Gwen.




AmericanoWhere stories live. Discover now