Din’s p.o.v
Hays nakakabanas 'tong punggok na Sir Samonteng to! Napakalakas ng boses niya at aakalain mo pang may mic siya sa lalamunan!
Sa sobrang bored ay siniko ko si Rich na nakatulala sa white board.
"Bakit?" lutang na tanong nito.
"Hindi ba crush mo si Dolce?" nakangising tanong ko na ikinabalik ng ulirat niya.
"Bakit?" nagtatakang tanong nito
"Basta sabihin mo lang kung oo o hindi." nakangisi pa ring sabi ko
"Syempre, oo!" napalakas na sagot nito kaya napalingon sa amin si Sir Samonte.
"What the hell Mr.- What's your name again stupid boy?!" nanggagalaiti na tanong ni Sir punggok.
"Rich po Sir." napapakamot pa sa batok na sagot ni Rich.
Gagi na notice na naman kami ng idol namin potek! Nasaway na rin kanina 'yan si Rich eh tsk tsk!
"Aba hijo! kung hindi ka rin naman makikinig sa klase ko ay YOU'RE FREE TO DROP FROM MY CLASS! Napakasimple lang ng tanong ko hindi mo pa masagot! Hirap na hirap ka ba banggitin pangalan mo?! Panay ka kasi daldal sa katabi mo!" sigaw ni Sir kay Rich.
Dapat pala hindi na lang ako na boring hayst! nakakainis.
"You! Stand up!" bigla akong dinuro ni sir kaya tumayo na lang ako kahit labag sa atay, bituka, puso, utak, buto lahat-lahat.
"What is the square root of √50,625?!" galit na tanong nito. Tumingala ako at nagpanggap na nag-iisip kahit hindi ko naman alam ang sagot.
Dapat kasi tumabi na lang ako kay Caitlyn kanina para hindi na lang ako naboring
Agad akong napalingon kay Caitlyn baka alam niya yung sagot!
"Anong sagot?" bulong ko ng walang boses para hindi marinig ni sir tinagilid ko pa ulo ko para hindi makita saka pasimpleng takip sa bibig. Pero takte wrong move pala! Nadamay ang babycakes ko!
"You! Stand up!" sigaw nito at napatayo naman si Caitlyn, namumutla siya puta!
"Does 50,625 a perfect square?" halata ang pagkabugnot sa mukha ni Sir habang nagtatanong e, barahin ko mukha mo walang pwedeng magmaldito sa Caitlyn ko!
"Anak ka ng- Sagot! Does 50,265 a perfect square?!" nagalit ito lalo ng hindi agad sumagod si Caitlyn, kawawa ang prinsesa ko ah
"O-opo." nautal na prinsesa ko pre! tama na 'wag mo ng gisahin!
"Hmm okay, that's right." naglakad lakad pa ito na akala mo ikinagwapo niya.
Ako lang gwapo rito tiong!
"So what is the √50,625?"
"Hindi ko po alam." mahinang sagot ng babycakes ko kaya napalingon na naman ako sa kanya.
Sorry my love, hindi ko sadyang idamay ka sa kaguluhang ito! Walang magbabagong taon sa pamilyang ito!
Dejoke!
Sorry my princess, kiss na lang kita mamaya.
"Stupid Students! Magsiupo kayong tatlo! Mga tanga! Akala ko pa naman ay mas matatalino ang mga babae kaysa sa lalaki 'yun pala pareho lang tatanga-tanga!" gigil na sigaw nito. Naglakad ito pabalik sa harapan ng klase at kumuha ng white board marker.
"Bring out 1 whole sheet pad of paper! now!" sigaw nito at akma ng magsusulat sa white board ng biglang bumukas ang pinto sa harap ng classroom.
Siniko ko ulit si Rich dahil dumating na ang crushiecakes niya.
Dejoke ulit.
"Anak ka naman talaga ng kagang! hindi lang pala tanga ang mga estudyante ng section na'to! mga pa-vip pa!" sigaw na naman nito at hinagis ang white board marker.
"Dumb." sarkastikong sabi ni yumeko na ikinatahimik ng buong classroom
Wow bro malupit!!
Sana all nakakasagot! Kung matalino lang sana ako eh baka magawa ko 'yan.
Kaso hindi.
"Dumb." komento bigla ni Dolce.
"Anong Dumb?!" sigaw ni sir.
"You. You are dumb." sarkastikong sagot ni Dolce.
"Dumb pala ha? Sige. Answer my question and prove to me that you're smart! Ang lakas ng loob mong Sabihin na bobo ako! Ako na mismong teacher mo? Wow!-" Gigil na gigil si sir samonte habang nagsasalita.
"Ang daming satsat." Parang natauhan naman si sir sa sinabi ng presidente namin at bahagyang naging mahinahon muli.
"Okay sige, excited ka namang mapahiya." ngumisi si sir.
"Make sure you'll be able to answer my question at kapag katulad ka ng mga kaklase mong tatanga-tanga, mag drop na kayong lahat sa subject ko!"
"Does 50,625 a perfect square?"
"Of course, it does." sagot ni Dolce. Kaya napahawak muli si Sir Samonte sa kanyang baba.
"So what is the √50,625?" tanong mul ni sir.
"225." maikling sagot ni Dolce na nagpangiti kay sir.
"Why?" tanong muli ni sir.
"Because, when you raise it to itself you'll get fifty thousand six hundred twenty five." bored na sagot nito.
"Good."
"But..." binitin ni sir ang sasabihin.
"Stand up, I'm not done asking you."
Mahinahon namang tumayo si Dolce at nanatili ang bored nitong mga mata.
"What is 50,625²?" tanong nito pero parang nakalunok ng calculator si Dolce dahil nasagot niya agad mismong pagtapos ng tanong.
"2, 562, 890, 625." sagot ni Yumeko na nagpanganga sa aming lahat na magkakaklase at maging kay sir punggok.
"What's 7896²?"
"62, 346, 816." sagot nito at humikab pa!
"Take your seat." nakangiting sabi ni Sir Samonte.
Napaka...
Napaka plastic! Amputcha parang kanina lang gustong-gusto patayin si Dolce!
Ilang minuto rin bago matapos ang discussion niyang walang kwenta at walang habas kong ibinagsak ang ulo ko sa desk. I downt ker ip may klasmeyts git shak!
Makatulog na nga lang at basag kay Sir Samonte!

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...