CHAPTER 23

57 37 9
                                    

Mira’s p.o.v

hindi ko mapigilan ang mainis dahil sa nangyari kanina sa library, inis dahil sa pagsigaw ni Din sa akin.

Parang pinapalabas niya lang na mas kinakampihan niya yung demonyitang ’yun.

“Ano ba Mira? Hindi kita sinama para lang pagbuntunan mo ng galit yang pagkain mo.” pagsaway sa akin ni Mayumi.

“Kasi naman! Nakakainis talaga mas kinakampihan niya ’yun? Mas una natin siyang naging kaibigan! Mabuti sana kung nasa tamang side yung demonyita na ’yun! Eh kaso alam naman ng lahat na siya ang nagtulak kay Hera na gawin ’yun!” paglalabas ko ng sama ng loob at ngumuso pa.

“Ano ka ba? Wala tayong magagawa kung kampihan niya yung bruhildang ’yun. Alam mo akala ko peke yung sinasabi nung nagpadala nung box.”

“Bakit?” kuryoso na tanong ko.

“Kasi... pwede naman talagang pinatay si Hera.”

Naisip ko bigla ang video nito ang mismong pagtalon niya lang ang kuha sa video.

“Oo nga ’no? Tapos parang naka set up yung camera, bigla ring tumigil.” pag-iisip ko.

“At hindi naman siya naka live, kaya may... May nag upload nito!” napatakip ako sa bibig ko.

“Well, no one knows.” nagkibit balikat lang ito at nagsimulang kainin ang spaghetti niya.

“Hi!” napatingin kaming dalawa sa sinumang umabala sa amin.

Hala gago? Si Kleireen Castañer!

Tinatawag nila siyang Ms. Popular dahil siya ang Violin Prodigy ng MCC o Musical Cloud Club.

“Pwedeng makiupo uhm wala na kasing vacant seat except dito sa inyo.” nahihiyang sabi nito.

“Hala ’te sige! Upo ka rito sa tabi ko.” natutuwang sabi ko. Nakangiti naman itong umupo.

“Hello! Ang ganda mo pala talaga, sa fb ko lang kasi napanood yung performance mo while performing La campanella.” Sabi ni Mayumi habang namamangha pa itong nakatingin kay Kleireen.

“Hoy, pakainin mo muna siya daldal ka agad eh.” sabi ko rito kaya natatawang nagsimulang kumain si Kleireen.

Ilang minuto rin bago kami natapos kumain.

“Oh ’yan pwede ka na dumaldal. Gora mo na itesh!” sabi ko kay Mayumi habang umiinom ng tubig.

“Gaga ka, ano ka speaker niya?” napasimangot ito pero agad ding ngumiti ng mapatingin kay Kleireen.

“Kailan ulit ang performance mo?” nakangiti pa rin ito.

“Actually tuesday, next week.” nakangiti rin itong sumagot.

“Music recital namin sa monday naman.” uminom ito ng tubig at tumingin sa cellphone niya.

“Pwede malaman kung ano yung itutugtog mo?” mahinang tanong ni Mayumi.

Napatawa ng mahina si Kleireen
“Summer.” sagot nito.

“Anong summer?” tanong ko.

“Isa sa four seasons ni Vivaldi.” paliwanag nito.

Putstack! naalala ko na naman yung nangyari kanina, kasama sa clue ’to eh.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon