CHAPTER 22

56 36 10
                                    

Sam’s p.o.v

What the?

Hera Shin Olegario?

I know that girl! Siya ang kasama ko lagi sa english journalism namin! Pareho kaming Essay writing ang category.

“Tangina? Nakasalubong ko lang ’yan ng nakaraan eh, pumunta kasi ako sa HUMSS-F non, niloloko lang tayo niyang box na ’yan.” pangungumbinsi ni Mayumi at umiling pa.

“Hindi, tama yung box.” pagkontra ni Mira.

“Hindi mali ka Mira, nakita ko pa ’yan nung nakaraan.”

“Tama si Mira.” Sabi ni Din.

“Ang kulit niyo naman, sabing nakita pa nung nakaraan ’yan si Shin.” napipikon na sabi ni Mayumi.

“Tama nga kasi yung box! Ang kulit mo naman eh! Suntukin ko lalamunan mo d’yan.” unang napikon si Mira.

“Tama si Mira, mga tiong.” sang-ayon ni Din.

“Paano niyo naman nasabi?” tanong ni Virgil.

“Oo nga.” Seb agreed.

“Ayos ka lang Ann?” tanong bigla ni Seb kay Vanilla, nasa pagitan kasi ni Mira at Kai.

Napalingon ako kay Vanilla at nakitang namumuo ang mga luha nito, bigla itong napalingon sa akin at alam ko na alam niya.

“Bakit? inaway ka ba ni Sam?” tanong ni Seb kaya tumingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala. Umiling si Vanilla.

Hinay-hinay ’wag na kayo magtalo diyan.” pag-awat ni Ryan.

“Yeah, agree.” pagsang-ayon ni Mariana kaya napatingin ang ilan sa kaniya.

“What? Stop looking at me weirdos.” pagtataray nito at iniikot pa ang mga mata.

“Stop that.” biglang sambit ni Yumeko na nakapagpatahimik sa amin.

“Miraculous is right.” malamig na tumingin ito kay Mira na ngayon ay namumutla na.

“Would you mind telling what do you know...?” putol na tanong nito. Tumigil ang mga mata nito kay Vanilla.

“Tamara.” pagtapos nito sa kanyang katanungan.

“Teka, bakit nadamay si Ann diyan.” reklamo ni Seb.

“Are you blind? Her reaction was obvious.” pabalang na sagot nito kay Seb na napatahimik. Kapansin-pansin nga ang malungkot at naluluha na mukha nito.

“Speak.” utos nito at muling ipinikit ang mga mata habang nakaupo pa rin.

“O-oo, tama si Mira.” naiiyak na sabi ni Vanilla.

“A-anong sinasabi m—” naputol ang sasabihin ni Seb ng magsalita muli si Vanilla.

“P-patay na si Hera, patay na siya.” humagulgol ito at agad siyang niyakap ni Seb. Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan na itong lumuha, napahawak ako sa bibig ko at pinigilang lumikha ng tunog.

Pero sadyang matalas nga naman ang pandinig ni Kai at nalaman ko na lang na pinupunasan nito ang mga luha na galing sa mata ko.

“Bakit Geometry? Bakit ka umiiyak?” nag-aalala ang mukha niya, napatingin na lang ako sa mukha nito, ang gwapo niya talaga.

“P-patay na siya, tumalon siya sa-” hindi na ito makasalita dahil sa sobrang pag-iyak.

T-tumalon siya sa roof top ng school na’to, may video ang pagkamatay niya.” umiiyak na sabi ko, itinuring ko na ring kaibigan ang ka-journ ko na 'yon.

Mahirap isipin na patay na siya ngayon at malalaman pa namin na sinasabi ng taong nagpadala ng box na siya ang gumawa noon kay Hera.

Pero kitang-kita sa video na tumalon si Hera, paanong pinatay siya nung nagbigay ng box?

“Tama si Vanilla.” nakayuko si Din ng sabihin 'yun.

“Alam niyo ba kung bakit usap-usapan na nag suicide si Hera?” seryosong tanong ni Mira, may mga umiling at mayrong hindi sumagot.

“Kasi—” pinutol ni Din ang sasabihin nito.

Tumahimik ka na.”

“Oh bakit? Totoo naman ah? Kagagawan naman talaga—”

Sinabing tumahimik ka na!” malakas na sigaw ni Din.

Naputol ang pagtatalo ng marinig naming may tumutunog na cellphone.

“Hello? Shit! Sige papunta na!” natatarantang ani Virgil.

“Huwag na kayo mag away-away diyan, dalian niyo nagkakagulo sa HUMSS-A!”natataranta itong hinatak si Kiana at patakbong nauna sa paglabas, sinundan naman namin siya.

Pagkapasok namin sa room ay kitang-kita namin kung paanong nagsasakitan ang HUMSS - A.

“If you all didn't make to fix this mess, I'll beat the all of you.” malamig at maawtoridad na sabi ni Yumeko.

In an instant, nagsitigil ang lahat.

Paanong posibleng mangyari ’yon? yung tipong isang salita mo lang mapapatahimik at matatakot mo yung iba?

“Hello po? Nautusan lang po sino po si Mavis sa inyo? pinapatawag po siya ni Sir Samonte sa office niya.” biglang sumulpot ang isang babae na mas maliit sa amin ng kaunti, mahina man ang boses niya ay sapat na para marinig namin.

Naglakad paalis si Dolce at malungkot akong napangiti wala talaga siyang pakialam sa amin.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon