CHAPTER 6

95 39 9
                                    


Din’s p.o.v

Tsk tsk tsk ang kalokohan talaga nito ni Mariana nakita ko na naman. Inagahan ko talaga ang pasok dahil nga sa pagsasabihan ko na naman ang babaeng 'yon.

"Kuya, bayad po." magalang na saad ng isang pasahero sa jeep at iniaabot ang kanyang bayad. Pero ampotek wala ni isa ang umaabot ng bayad niya.

"Bayad po." ulit nito pero wala pa ring kumukuha malas ba naman kasi at sa pinakadulo siya ng jeep.

Ayoko namang kunin dahil kaka alcohol ko lang.

"Bayad po." ulit nito at namumuo na ang luha. Pero wala pa rin ang kumukuha ng bayad niya.

Sakto at malapit na sa school namin.

Hinampas ko ang taas ng jeep at
"Itigil na natin ang relasyon na'to! Diyan lang sa tabi!" madamdaming sabi ko kaya pinagtinginan ako ng mga tao.

Hindi naman mabiro tsk tsk.

Itinigil ng jeepney driver ang jeep kaya hinampas ko ulit ang jeep sa taas at mabilis na lumabas.

"Tarantadong batang 'to!" narinig ko pang sigaw ng jeepney driver kaya tumakbo ako papasok sa gate ng school namin.

"Wooh!" pagtakbo ko na naman kaya hindi ko namalayan na may nabangga akong babae.

Agad itong natumba at nanghihinang napayakap sa sarili niya. May mga bahid ng dugo sa katawan niya at mga puting likido. Kapansin-pansin din ang halos pasira ng uniform niya.

"Miss, ayos ka lang?" niluhod ko pa ito at akmang tutulungan siya tumayo.

"Lumayo ka sakin!" sigaw nito at tumingin sa akin.

Ang daming sugat sa katawan niya.

Teka pamilyar ang mukha nito ah.

Saan ko nga ba nakita ang babaeng 'to?

S-sa video!

Siya si Sepia na isa sa mga navideohan nina Mariana!

Hinawakan ko ito sa balikat upang tulungang tumayo, nanatili ang tingin nito na tila nananantya.

Ikinawit ko sa balikat ko ang kanang kamay niya at hinawakan siya sa bewang para tulungang maglakad.

Napanood ko ang video at... alam ko ang mga nangyari sa kanya.

"Bitawan mo'ko!" angil nito kaya sinimangutan ko siya.

"Huwag ka nga maarte."

"Tumahimik ka na lang, dadalhin kita sa clinic." inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami ng clinic.

Pagkatapos siyang gamutin ng nurse ay inayusan siya nito at binigyan ng bagong damit.

Umiiyak ito at nakadukdok ang ulo sa tuhod habang nakaupo sa clinic bed.

Hindi ko babanggitin ang nangyari sa kanya, alam kong ayaw niyang may makaalam nito, kaya magpapanggap ako.

“Kaya ka ba umiiyak kasi inubusan ka ng fried chicken sa bahay niyo?” seryosong tanong ko at lumingon naman siya sa akin na tila hindi makapaniwala at umiling.

“Champorado?” tanong ko ulit.

“Huh? Anong champorado?”

“Inubusan ka ng champorado kaya ka umiiyak?”

“H-hindi! Mukha ba akong patay gutom sa paningin mo?” napangiwi ito.

“Ah alam ko na, kasi sobrang gwapo kaya ka umiiyak? Kasi na-realize mong wala kang chance sa’kin?”

Napa face palm ito at pabiro akong tinarayan. “Hindi! Feelingero ka ah. Ah basta secret lang kung bakit.” bahagya na itong kumalma at mukhang pinipigilan pang tumawa.

Buti naman.

“Sige, mauna na muna ako kasi may class pa ako or gusto mong ihatid kita sa bahay niyo? Okay lang naman sa’kin malate.” tanong ko pa.

“Hindi na, s-salamat nga pala.” umiwas ito ng tingin.

“Ano pa lang pangalan mo?” tanong ko kahit alam ko ang pangalan niya.

“Bakit?”

“Gusto ko lang malaman.”

“Sige, pero ikaw maunang magsabi kung anong pangalan mo.”

“Luh! Ako unang nagtanong.”

“Ah basta!”

“Sige na nga. I’m din.” ngumiti ako.

“Sepia.” ngumiti ito ng tipid at nagpasalamat ulit sa’kin bago ako umalis.

Dumireto ako sa room namin at dumiretso sa taong balak ko talaga kausapin.

“What?” mataray na tanong ni mariana.

“Mag-uusap tayo.” seryoso kong sabi.

“Paano kung ayaw ko?” mapaghamon na tanong nito.

“Hahalikan kita rito kapag ayaw mo.” wala akong pake kung dinig kami ng ibang classmates namin.

Hindi ko naman talaga siya hahalikan, she’s my friend and i value her.

“F-fine!” padabog itong tumayo at naunang lumabas.

Hoy!” napatingin ako sa sumigaw.

“Ikaw ah, malandi ka! Nag-kiss kayo ni Mariana!” sigaw pa ni mira kaya napailing ako bago lumabas ng room.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon