CHAPTER 4

109 46 2
                                    

Rich’s p.o.v

Habang inaantay si Din na bumili ng pagkain namin ay nakatingin lang ako sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.

Si Dolce Yumeko

Nakatitig lang ito sa pagkain at hindi mabasa kung ano ang natakbo sa isip nito. Baka ako?

Napangiti ako ng maalala ko ang unang pagkakikita namin at nahulog agad ako sa kanya.

"Excuse me." magalang na sabi ko ng makita ang isang babae na nakatalikod at nakatayo sa labas ng classroom namin.

Hindi natinag ang babae at nanatili lang na nakatayo roon.

"Ate, padaan naman." kinamot ko ang batok ko, kahit hindi naman makati. Humarap ito at walang pasabing lumakad lang palayo sa labas ng classroom.

Habang ako naiwang nakanganga.

Ang ganda niya kasi!

Maputi, inosente ang mukha.

Basta cute at maganda!

Pero mukhang sobrang seryoso.

"Hoy gago, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" nagtatakang tanong ni din. Tapos na pala um-order ang loko.

Hindi na lang ako sumagot at kinuha ang styrofoam na lalagyan ng order ko saka binuksan.

Chicken Curry.

Sarap!

"Hahaha! Tanginang 'yan kaya ka pala nakangiti kasi and'yan si Dolce!" malakas na sabi nito kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. At si Yumi? Wala lang nakatingin pa rin siya sa pagkain niya parang hindi niya lang kami narinig, kahit na iisang upuan lang ang pagitan namin.

"Ang ingay mo! Hayop ka!" natatawa man, hindi ko maiwasang kabahan.

Nakakahiya kay Yumi!

"Pre! Kung ako sa'yo, dumamoves ka na sa kanya, kaysa naman sa mukha kang tanga palagi, nagnanakaw na lang ng tingin amputcha!" nabwisit naman ako sa sinabi niya, wala kasi sa kalagayan ko kaya hindi alam tsk!

"Hindi 'yon ganon kadali." I stated it seriously, 'yung tipong malalaman niyang wala munang tarantaduhan.

"Tsk tsk! Oo na sabi mo eh!" umiling ito at kumain na lang.

"Pre? Tapos ka na ba sa contemporary?" biglang tanong nito.

"Anong meron sa contemporary?"

"May activity na pinagawa si ma'am kanina 'di ba? Tapos mo ba?"

"Oo, napasa ko na." nalukot ang mukha nito at namroblema.

"Oh bakit?" ngumisi ako. Umiling lang ito at nagpatuloy ulit sa pagkain, ganon din ako.

Hindi ko naman maiwasan na napatingin ulit kay Yumi.

"Pinagmamasdan kita... Ng hindi mo alam..." biglang kanta ng hinayupak sa harapan ko at sinamaan ko naman 'to ng tingin.

"Oh bakit?" tanong nito. mukhang tanga ang feeling inosenteng mukha nito.

"Ulol, makulit ka ha."

"Pikon ka pa pre? Huwag! Don't get pikon aym jast jowking." matigas na pagsasalita nito ng english.

Napatingin naman ito sa smart watch niya at napamura pa. "Sige, kingina mauna na'ko, tapusin ko lang muna contemp ko!" mabilis itong umalis.

"Sige!" sigaw ko na lang at hindi na siya pinansin.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napagdesisyonan na umalis na, sakto namang nauna na umalis si Yumi, kaya umalis na rin ako.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon