CHAPTER 11

98 38 15
                                    

Virgil’s p.o.v

Kababalik lang niya simula ’nung winalk out-an nya’ko para lang i-mix ’yung minute maid at coke, tapos biglang tumunog ang fire alarm.

“Kiana dalian mo! tara na! balik tayo sa room kunin natin mga gamit natin!” natatarantang sigaw ko at palakad lakad ng paulit-ulit sa harapan niya.

Hindi naman magkandaugaga ubusin ang mga pagkain niya dahil sa pagkataranta niya na nauwi na lang sa pag-iwan nito sa table.

“Tara na!” lakad takbo kaming nagpunta sa classroom at pabalibag na binuksan ang pinto.

Bumungad samin ang mga classmates namin na mukhang bumalik lang din para kuhain ang mga gamit nila.

“Huy Ano pa bang inaantay niyo? Tara na!” pag-aaya namin na lumabas habang nagpapanic pa rin.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Dolce.

“Get back there.”  pag-uutos nito na ikinagulat naman namin.

This was the first time that she spoked to us.

“B-bakit?” tanong ni seb, naguguluhan pa.

“Sit, there’s no fire outside.”

“Pero D-dolce paano mo naman nasisigurado?” kinakabahan man ay nagtanong ako. Kaligtasan pa rin namin ang nakataya rito, paano kung may sunog nga?

“I said sit, there’s no fire that can kill us.” malamig na sagot ni Dolce.

We all doubted pero sinunod namin ang sinabi niya.

Nanatili namang nakatayo si Dolce sa harapan.

“Tell me, where did this box came from?” malamig na tanong nito habang hawak ang kahon na nakalagay sa teachers table.

Pailalim ang tingin nito at tumigil ang tingin kay Caitlyn.

“Speak.”

“H-hindi ko alam ang sinasabi mo.” pag-iling ni Caitlyn na kinakabahan.

“Don’t you want me to cut your tongue?” mapaglarong tanong nito and we all felt goosebumps, I’m sure of that.

Nanginginig na nagsalita si Caitlyn at nagsimulang umiyak.

“P-pero hindi ko alam kung s-sino ang nagbato sa akin niyan...” umiiyak na sagot nito.

Naglakad si yumeko palapit kay Caitlyn at huminto sa harapan nito.

“Does that person throw this box after the fire alarm ranged?” seryosong tanong nito at nanginginig namang tumango si Caitlyn.

“Lock the doors.” utos nito na mabilis naman naming sinunod.

Sa harapan namin ay binuksan niya ang box. May dalawa itong hati sa gitna at may takip sa ibabaw ang isa.

Ako lang ba? o talagang sobrang lapit ng tunog ng fire alarm.

“That’s right, the fire alarm that ranged isn’t the school fire alarm. It’s in the box.” turo nito sa nakasaradong parte ng kahon.

“Pero p-paano?” naguguluhang tanong ko. Paanong nangyari ’yon?

“The person whoever throw this had already pressed the button before throw it to her.” pagtuturo nito kay Caitlyn.

“Paano mo nalaman?” takang tanong ni din.

“Don’t you have a brain?” pabalang na sagot ni Dolce na ikinatahimik niya.

“Look at the sticky notes, it’s intentionally thrown to twain.” pagpapaliwanag nito.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon