CHAPTER 28

48 37 12
                                    

“May nagugustuhan ka na ba?” tanong nito na nakapagpakaba sa akin ng sobra.

“Ah, h-hahaha bakit mo naman natanong?” nagpilit ako ng tawa.

“Wala, gusto ko lang malaman.” Kabado naman akong napatingin sa kanya.

“Ikaw ba?” pag-lilihis ko sa tanong niya.

“I asked you first.” he chuckled manly.

“W-wala.” i denied and avoided his stare.

“Ako kasi meron.” he sighed, nagpatuloy kami sa paglalakad.

“Pero sabi mo sa’kin sa cafeteria, may crush ka.” dugtong nito.

“Wala, eme lang. Pero meron ka talagang nagugustuhan?” gusto ko mang manlumo ay pinigilan ko na lang.

“Meron.” he smiled.

“Sino?” i felt my heart beating so fast.

Secret.” tumawa ito at hinatak ako para tumakbo.

Bakit?

Bakit kailangan niyang i-sikreto?

“Sino nga?”

“Secret nga kasi.” hinatak ako nito para tumawid.

“Feeling mo talaga pag mamay-ari mo yung kalsada ’no? kung makatakbo ka parang walang sasakyan.”

“Luh? Porket hindi ko sinabi kung sino nagugustuhan ko nagsusungit ka.”

“Sino nga kasi?”

“Wala, joke lang ’yun.”

“Sinong niloloko mo?”

“Wala.”

“Anong wala-” naputol ang sasabihin ko ng biglang may dalawang lalaking tumutok ng kutsilyo sa aking tagiliran, at ganoon din kay Virgil.

“Huwag kayong papalag kung ayaw niyong magripuhan.” bruskong pagbabanta ng isang lalaking may takip ang mukha, gaya nung mga nasa palabas.

Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay baka natawa na ako.

Ayan kasi ang mga salitang lagi kong naririnig kina Mayumi at Mira kapag nagbibiruan sila yung gripo sa tagiliran.

“Ala lakad na, tutulala pa kayo siguro nag-iisip kayo ng paraan para makatakas.”

Napatingin ako kay Virgil at nakitang mabilis niyang sinipa sa tuhod ang lalaki na nakatutok ng kutsilyo sa kanya at hinawakan ang kamay nito na may kutsilyo at kinuha ang patalim na hawak nito.

“Ano? bibitawan mo siya o masasaktan ’tong kasama mong adik?” galit na tanong ni Virgil habang nakatutok ang kutsilyo sa isang holdapper o kidnapper na hawak niya.

“Aba bata? Ako ba tinakot mo? Baka gusto mo atang mawalan ng lalamunan ’tong kasama mo?” nilipat nito ang pagkakatutok ng kutsilyo sa aking leeg, nagsimula ring magsituluan ang mga luha ko.

Nararamdaman ko rin kasi ang patalim nito sa leeg ko at alam kong nasugatan na ito dahil mahapdi.

B-bitawan mo siya.” ang galit na boses ni Virgil ay napalitan ng pagmamakaawa.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon