Virgil’s p.o.v
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Sir Samonte. Isang tao rin ang hindi pa dumarating simula ng ipatawag siya ni Sir Samonte.
Nang biglang may pabalibag na nagbukas ng pinto at kitang-kita ang nakabusangot na mukha nito.
“Where’s Dolce Mavis?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang dalawang kilay.
“Hindi po namin alam.” umiling ako.
Nagpipindot ito sa cellphone niya at may paulit-ulit na tinatawagan.
Feeling ko ay si Dolce ang tinatawagan niya pero hindi sumasagot.
Ilang minuto rin ang lumipas at pumasok dito sa loob ng room si Dolce.
“Where have you been?” seryosong tanong ni Sir pero hindi siya pinansin ni Dolce at dire-diretso itong umupo sa kanyang upuan.
“Sana napag-isipan mo na yung ino-offer ko sa'yo Ms. Mavis.” seryosong sabi ni Sir Samonte. Hindi pa rin sumagot si Dolce at napabuntong hininga na lamang si Sir.
“Mahalaga ito Ms. Mavis, pwede ka ring magsali kung gusto mo, hindi ko man gusto na rito pag-usapan sa room niyo pero may tsansang pumayag ka kung dito ako makikipag-usap.”
“How can you be sure?” sarkastikong ani Dolce.
“Dahil naisip kong mas maganda kung ang mga kaklase mo ang makapagpapayag sa’yo.” ngumisi ng nakakatakot si Sir Samonte. pero wala ni isang nakakibo sa amin.
“HUMSS - A kapag napapayag niyo si Ms. Mavis na tanggapin ang alok ko, may additional plus three agad kayo direct to the card.” nanatili itong nakangisi, nanlaki naman ang mga mata namin.
Putcha? Totoo ba? Hindi naman sa gusto ko ng mas mataas na grade pero parang ganoon na nga.
“Sir? Ano ba yung inaalok niyo kay Dolce?” kuryoso na tanong ko, sumeryoso naman ang mukha ni Sir.
“She will be the president of a club.” sagot nito.
“Club po rito sa school?” pagkumpirma ko.
“Yes.”
“What kind of club po?” Ang sumunod na sagot niya ang nakapagpaubo sa akin at nagkatinginan kami nila Sam.
“Detective club.”

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...