CHAPTER 31

33 10 3
                                    


Marchal’s p.o.v

“Edi Sana matagal na tayong patay.” Seryosong sabi ni Kai, kaya taka kaming lahat na napatingin sa kanya. Ilang segundo kaming nanatiling tahimik na kulang na lang may tumilaok na manok. Ngunit binasag ng sinuman ang katahimikan na ’yon.

“Tara, laro na ulit!” Biglang malakas ang boses na sabi ni Din. Sumang-ayon naman sa kanya ang mga babae kaya wala kaming choice kundi laruin na naman ang Charades.

“Sino na magpapahula?” Tanong ni Sam.

“Si Mira na! Lintik lang ang walang ganti!” Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Din na sinusubukang takutin si Mira.

“Para kang bobong nakawala sa kulungan.” Walang prenong sabi ni Mira kaya nagtawanan kami habang iniikot naman ni Din ang mga mata niya.

“Nagsalita ang mukhang bampirang kuneho na slash hot burritos.” Agad naman tumayo si Mira at nag-ambang susugurin si Din.

Ngunit biglang nabuksan ang pintuan ng kwarto ni Virgil at iniluwa nito ang babaeng maputi, medyo singkit ang mga mata at masasabi kong may itsura. “Hoy! Ang gugulo niyo! Kanina pa kayo ah?!Hindi ko na marinig pinapanood ko!” Mataray na pagsaway nito saka pabalibag na isinarado ang pinto.

“Ang sungit naman non!” Nakangusong reklamo ni Mira.

“Ayaw ni Movy sa mga maiingay.” Paliwanag ni Virgil.

“Movy?”

“Movy ang pangalan niya, katabi nitong kwarto ko ang kwarto niya. Kaya kung ayaw niyong ma-malditahan non, huwag kayo masyadong maingay.” Pagpapaliwanag ulit ni Virgil.

“Taray ah, movy movy eles kalera move your hips m-move your hips hala ka nilapa ang aso sa kalsada ey.” Pagkanta ni Mira na hinaluan pa ng pagsayaw. Nagsi-tawanan naman sila Sam at napapadyak pa, hindi na halos makahinga sa katatawa. Kahit ako nanakit na balakang at panga sa katatawa eh.

“Ang corny mong himala ka.” iiling-iling na komento ni Rich  habang tumatawa.

Umirap naman si Mira at tumayo para magpahula.

Lumipas naman ang ilang minuto na puro kami tawanan, asaran.

Nilingon ko naman ang inosenteng mukha ng babaeng nasa kanan ko. “Gusto mo na ba umuwi?” Malambing na tanong ko.

Nahihiya itong ngumiti bago sumagot. “Kapag pauwi na lang din siguro sila.” Umiwas ito ng tingin.

“Ikaw ba? Gusto mo na umuwi?” tanong nito pabalik.

Ako naman ang napa-iwas ng tingin. Oo gusto ko na umuwi para makapag ml ako. Napa-iling ako sa sinagot ng utak ko. “Sabay tayo umuwi.” Tingnan ko ulit ang mala-anghel na mukha nito saka siya kinindatan. Namula naman ang magkabilang pisngi niya.

“Ano ’yan?” Nakataas ang kilay na tanong ni Mira. Nang lingunin ko ito ay sa amin ito nakatingin ni Ann.

“Anong ano ’yan? kutos gusto mo?” Nakataas ang dalawang kilay rin na tanong ko.

Napanguso naman ito at nakasimangot na humarap kay Ann. “Vanilla oh, inaaway ako ni Seb.” sumbong nito.

Naka-kunot ang noo namang bumaling ulit sa akin si Ann at bahagyang siniko ang tagiliran ko. “Huwag mo nga awayin si Mira.”

Napa-simangot naman ako. “Hindi ko naman inaaway yang baliw na ’yan.” Umikot naman ang mga mata ni Mira at biglaan na lamang itong ngumisi na parang may balak na masama.

“Luh naano ka diyan?” Hindi ito sumagot pero hinawakan nito ang palapulsuhan ni Ann.

“Tara doon tayo kina Sam.” Nagpa-tianod naman ang mahal ko at naiwan akong mag-isa na nakasimangot.

Impakta talaga ang Mira na ’yon! Napaka-lakas mang-asar!

Tumayo na lang ako at sumunod sa kanila. “Oh anong ginagawa mo rito?” Mapang-asar na tanong ni Mira kaya napalingon sa akin si Ann.

Inakbayan ko naman ito at binulungan “Tara, uwi na lang pala tayo o mamasyal muna.” Ngumiti naman ito saka tumango.

Nakangisi naman akong tumingin kay Mira na abala na ngayon sa pang-aasar kay Mayumi. “Nyenyenyenye poopoobear.” tumawa naman ito ng napaka-lakas pagtapos magsabi ng walang kwenta kaya napangiwi ako.

Baliw na ata talaga ’tong si Mira.

“Hoy Vp! Mauna na kami ng mahal ko ah?” Pagpapaalam ko kay Virgil na lumingon sa amin at kumaway. “Sige pre! Ingat!”

“Hala tatakas mo na agad si Vanilla!” Oa na sabi ni Mira habang nakatakip  pa ang kamay sa bibig.

Nginisian ko naman ito. Akala mo malalayo mo sa’kin si Ann ah? Asa!
“Mauna na kami!” Pagpapaalam ko sa kanila at hinawakan sa kamay si Ann.

“Take care, you two.” Pahabol ni Sam bago kami tuluyang makalabas sa pinto, tumango na lamang ako.

Tuluyan na kaming nakalabas sa gate ng bahay nila at naglalakad sa daan. “Saan mo gusto pumunta?” Tanong ko.

Umiling ito at malungkot na ngumiti. “Uwi na lang muna ako. Medyo masama na rin kasi ang pakiramdam ko.”

Nag-aalala naman akong tumingin sa noo niya at hinawakan iyon. “Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi na sana kita sinama rito at nakapag pahinga ka.” Literal na sumama ang loob ko sa sarili dahil paniguradong mas lalong sumama ang pakiramdam niya.

“A-ayos lang naman, medyo kaya ko pa kaya.” malambot itong ngumiti at hindi ko naman maiwasan ma-guilty kaya matipid na lang akong ngumiti at iniwas ang tingin sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon