CHAPTER 10

92 38 5
                                    


Rich’s p.o.v

Tanaw na tanaw ko si Dolce rito sa kinauupuan ko, kasi pinili ko talaga ’tong pwesto na’to. Sinundan ko kasi siya.

Nagbabasa siya ng libro at habang inaayos ang salamin niya sa mata.

Ang cute niya...

Ilang minuto rin ang lumipas at pinapanood ko lang siya. Patapos na rin ang break time.

Nang biglang, tumunog ang fire alarm.

Malaking mali na mag-panic sa mga ganitong oras pero hindi ko mapigilan.

Tinignan ko si Dolce at nakikita kong nagbabasa pa rin ito.

Seriously?

Lumapit ako sa kinauupuan niya at
Halika na! Hindi natin alam kung saan ang mayroong sunog!” nagpapanic na sabi ko.

hindi ito natinag at hindi man lang ako pinansin.

“Dolce, tara na!” ulit ko at hakmang hahawakan siya sa braso pero tinignan ako nito ng pailalim kaya bahagya akong napahakbang paatras.

Mabilis nitong kinuha ang bag niya at umalis na parang walang nangyari.

Malungkot naman akong napatingin sa baba at napangiwi.

Ganoon na ba niya kaayaw sa amin? Na kahit ganito na ang sitwasyon ay ayaw niya pa rin sa presensya namin?

Lumakad na lang ako pabalik sa classroom namin, hindi na alintana ang pagtunog ng fire alarm kanina.

Bakit nga ba ako nagpanic agad? Hindi ko naman sigurado kung may sunog ba talaga o may nag trip lang na pindutin 'yun.

Pagkapasok na pagkapasok sa room ay bumungad sa akin ang mga classmate ko na takot na takot at si yumi na nakatayo sa harapan habang naka crossed arms.

Anong nangyayari?

“Pero D-dolce paano mo naman nasisigurado?” kinakabahang tanong ng Vice president namin na si Virgil.

“I said sit, there's no fire that can kill us.” malamig na sagot nito kaya alam ko na kung bakit takot na takot ang mga kaklase ko.

Ito ang kauna-unahang beses na kinausap niya kami.

Nag-aalangan man ay sumunod ang mga classmates namin at maging ako.

Nanatili namang nakatayo si yumi sa harapan.

“Tell me, where did this box came from?” malamig na tanong nito habang hawak ang kahon na nakalagay sa teachers table.

Pailalim ang tingin nito at tumigil ang tingin kay Caitlyn.

“Speak.”

“H-hindi ko alam ang sinasabi mo.” pag-iling ni Caitlyn na halatang kinakabahan.

“Don’t you want me to cut your tongue?” mapaglarong tanong nito na nagbigay kilabot sa aming lahat. Call us exaggerated pero ganon talaga!

Nanginginig na nagsalita si Caitlyn at nagsimulang umiyak.

“P-pero hindi ko alam kung s-sino ang nagbato sa akin niyan...” umiiyak na sagot nito.

Naglakad si yumi palapit kay Caitlyn at huminto sa harapan nito.

“Does that person throw this box after the fire alarm ranged?” seryosong tanong nito at nanginginig namang tumango si Caitlyn.

“Lock the doors.” utos nito na mabilis naman nilang sinunod.

Sa harapan namin ay binuksan niya ang box. May dalawa itong hati sa gitna at may takip sa ibabaw ang isa.

Pansin kong may nakasulat na twain sa isang gilid ng box, kaya ba tinanong ni yumi si caitlyn?

Teka bakit parang ang lapit ng tunog ng fire alarm.

“That’s right, the fire alarm that ranged isn’t the school fire alarm. It’s in the box.” turo nito sa nakasaradong parte ng kahon.

Holy shim!

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon