CHAPTER 8

93 39 1
                                    

Virgil’s p.o.v

“Huy Kiana!” pagtawag ko kay kiana ng makita ko siyang tulala kay dolce sa cafeteria.

“Bakit?”

“Bakit ka naman nakatingin kay Miss President? Matunaw ’yan tamo!” biro ko.

“Ang lamig niya talaga.” ah baka kasi cfc talaga si dolce ’nung past life niya.

“Ano siya cfc?” biro ko pa.

“Anong cfc?” naguguluhang tanong nito.

What the? Chlorofluorocarbon lang naman ah.

“May ref ba kayo sa inyo?” baka sakaling magets na niya.

“Meron...” Napa face palm na lang ako sa isip ko.

“Oh alam mo na ’yan.” napapitik pa ako sa ere.

“Baliw ka.” parang wala pa siya sa sarili niya ’nung sinabi niyang baliw ako.

“Joke talaga ’yon eh, hindi mo naman pala gets kaya sige, huwag na lang.”

“Sige.”

“Anong gusto mo? Ako na o-order.”

“Uh, sige i want, palabok and ’yung parang bread na may asukal na marami?” huh?

“Ha? Anong bread na maraming asukal?” naguluhan ako ’don ah? ang daming klase ng tinapay sa cafeteria at marami rin ang may asukal.

Luminga-linga ito sa paligid at tinuro si Kleireen na dumaan sa tabi namin.

Ayan oh! ’yung hawak ni Ate Kleireen.” Ah! Maruya pala! Sabagay mukha namang tinapay ’yung maruya rito sa’min.

“Hindi ’yan bread, it’s maruya. So basically, saging ’yan na may mga asukal.” pagtatama ko para kapag bibili siya nito alam na niya ang tawag.

“Anong drinks gusto mo?” tumayo ako sa pagkakaupo.

“Minute maid na lang, Virgil.” Ang cute talaga ni kiana kaya kinindatan ko siya.

“Baliw ka!” tumalikod na ako at hindi ko mapigilang ngumiti, tangina! nakakahiya!

Nang makuha ko ang orders namin ay bumalik na’ko sa upuan namin at bahagya ko pang ginulat ang nakatulalang si kiana.

“A penny for your thoughts?” ngumisi ako.

Binuksan ko ang coke in can na drinks ko at uminom dito.

“Virgil?” Tinigil ko muna ang pag-inom at tinignan siya.

“Hmm? Bakit?” mukha pa siyang nagdadalawang isip.

“Sa tingin ko kasi...” napakunot naman ang noo ko.

“Sa tingin mo ano?”

“Sa tingin ko m-may crush na’ko.” umiwas ito ng tingin at hindi ko mapigilang itago ang matinding gulat sa mukha ko.

“H-ha? May crush ka na?” paninigurado ko.

“Hindi ko sure eh, pero parang oo.”

“S-sino naman?” sino kaya? tangina hindi ako ready na magkagusto siya sa iba!

“Ah basta! Kalimutan mo na lang sinabi ko! Mauna na’ko ha?” kinuha nito ang pagkain niya saka mabilis na umalis sa harapan ko habang ako? naiwan akong tulala.

Takte! May crush na siya? Sino?!

Hindi pwede!

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon