Marchal’s p.o.v
Din - Mariana - Sam - Kai - Caitlyn - Mira
Rich - Virgil - Kiana - Ann - Ako - Mayumi.
Ito ang ayos ng pagkakaupo namin sa mahabang table.
Pagkarating namin ulit sa Angel's Burger ay pinaghatak ko agad ng monoblock chair si Ann.
“Naks ang tamis naman boss!” pang-aasar ni Rich na tinawanan naman nila.
“Oo nga eh, kayo kaya ni Yumeko kailan magiging matamis?” pang-aasar din ni Mira kay Rich.
“Eh ikaw kayang himala ka? Kailan ka magkakalove life? Lakas mo maka peste.” ani Virgil. Ngumiti naman si Mira at
“Eh kayo kaya ni K kailan magiging mag jowabels?” natigilan naman si Virgil at nilingon si Kiana na kasalukuyan namang nag c-cellphone.
Nakalusot ang gago.
“Damn this place, napaka-init.” naiiritang pagrereklamo ni Mariana.
Potek bakit ba nandito si Mariana?
“Bili ka aircon, palagyan mo ’tong Angel’s Burger.” pambabara naman ni Mayumi kay Mariana kaya nakatanggap siya ng matalim na titig kay Mariana.
“Tama na ’yan. Gusto mo paypayan kita?” nakangiti pang tanong ni Din kay Mariana.
Ganyan na talaga yang dalawang ’yan dati pa, hindi naman mag jowa.
“Mag on ba kayo?” pagtatanong ni Sam.
“No.” Sagot ni Mariana.
“Mariana.” Pagtawag pansin ni Virgil dito at tinaasan naman siya ng dalawang kilay ni Mariana.
Ewan ko ba Maldita talaga yang babaeng ’yan, pinagtitiisan pa ni Din. Alam naman ng lahat na crush niyan si Caitlyn.
“Nakita namin yung ginawa niyong magkakaibigan.” nag-aalangan pang pagsasalita ni Virgil.
“So what?” Malditang sabi nito.
“Ang sa amin lang, sana tigilan niyo na. O kung ayaw tumigil ng mga kaibigan mo, layuan mo na lang sila.” pagsasalita ni Kiana na hinawakan pa ang balikat ni Virgil.
“And who are you to say that?” pagmamaldita na naman nito.
“At anong pakialam niyo? Oh feeling heroic i guess?” umikot pa ang mga mata nito.
“Mariana.” pagsaway ni Din dito kaya iniikot na lamang ulit niya ang mga mata niya.
Isa sa mga taong kayang magpatigil sa malditang ’yan ay si Din. Ilang beses na rin namin nasaksihan.
“Look girl, we’re just concern to you. Afterall, we’re classmates and also your friends kung friends din ang tingin mo sa amin.” Sam said and reached for Mariana’s back to calm it.
Ngumiti ng kaunti si Mariana pero agad ding binawi.
“I don’t care.” sabi nito at tumingin pa kunwari sa burger niya.
Napatingin sa amin si Sam at lihim na napatawa dahil sa iniakto ni Mariana.
Tinignan ko naman itong katabi ko at kitang-kita na naiilang pa ito.
Hinawakan ko naman ang kamay niya sa ilalim at bahagya itong pinisil.
“Ayaw mo ba ng burger? O-order kita ng iba.” mahinang tanong ko rito.
“A-ah hindi, okay lang ’to.” turo nito sa burger niyang nakabalot pa rin.
“Bakit ayaw mo pa kumain?”
“A-ah wala lang.” kinakabahan nitong sagot at nakababa lang ang tingin.
“Ayaw mo ba nung drinks?” tanong ko na hindi niya sinagot.
Kaya tinignan ko ang drinks niya na binigay nila kay Ann.
Puta matcha!
Allergic ’to sa matcha!
Inis ko namang silang tinignan.
“Sino um-order?” inis na tanong ko.
“Ako, why?” pagsagot ni Sam na halatang nagtataka.
“Bakit naman Matcha yung binigay niyo kay Ann? Allergic siya diyan.” nagpipigil ng inis na sabi ko.
Dami daming drinks diyan, sa kanya pa talaga yung Matcha. Nananadya ba si Sam?
“Hala! I’m sorry! Hindi ko alam, sorry Vanilla.” pagpapaumanhin nito.
“A-ano okay lang. Ano ka ba o-okay lang.” siko nito sa akin.
Sa akin hindi.
Pinagpalit ko ang drinks ko at drinks niya.
Dark chocolate ang sa akin, isa pa naman ’to sa favorite niyang milk tea flavor.
“Ito na lang ang sa’yo, hindi ko pa naiinuman ’yan.” sabi ko at itinusok ang straw sa ibabaw ng milk tea partida first attempt saka nilagay sa harapan niya.
“Salamat.” nagsimula na itong kumain ng burger niya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya.
“Ehem.” pagtikhim ni Mira kaya napatingin ako sa kanya.
Nakangiting aso ito at nag f-fingerheart habang tinuturo si Ann na kumakain.
Buti at hindi Nakatingin si Ann.
Pinakyuhan ko ito kaya malakas itong tumawa.
Napatingin naman sila kay Mira.
“That girl is crazy.” Pagkomento ni Mariana habang nandidiring nakatingin kay Mira.
“Sa true lang.” Natatawang pag sang-ayon ni Sam.
“Geometry, painom.” sabi ni Kai kay Sam.
Sinilip naman ni Sam ang drinks ni Kai.
“Meron ka pa nga oh.”
“Patikim lang, mukhang masarap ’yang red velvet.”
“Sige basta patikim rin nung wintermelon.” Sabi ni Sam at nagpalit sila ni Kai ng drinks.
Puta Cringe. Makauwi na lang punyemas na ’yan.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...