Virgil's p.o.v
“Pre pahiram ako gitara.” ani Din habang aamba na hawakan ang gitara ni Kai.
“Subukan mong hawakan ’yan, ihahampas ko ’yan sa’yo.” masamang tingin nito kay Din.
“Bakit na naman pre?”
“Gago baka ikaw yung nakasira ng isang pick ko na umiilaw.” nakasimangot na sagot ni Kai.
“Kaya ako na lang pahiramin mo, haharanahin ko si Dolce.” pagsingit ni Rich at kumindat pa.
“Ala adik, pahiram ako ballpen sabi ni barbie meron ka pa.” nakangising singit ni Ashe na halatang nang-aasar kay Din.
“Tado umalis ka rito mapapatay kita.” ani Din at tumatawang umalis naman si Ashe at binatukan si din ng malakas bago tumakbo.
“Damot putcha!” sigaw ni ashe.
“Anyare kay ashe? Kahapon lang sobrang tahimik ng tarantadong ’yon ah?” nagtatakang tanong ni Din. Nagkibit-balikat na lang ako.
“full force ka mag strum tol, kahit hindi naman dapat ganon kalakas mag strum sa song na tinutugtog mo, baka maputol mo pa isa sa mga strings ko.” iiling iling na sabi ni Kai.
“Ulol! Pakyu! Madamot!” kunwaring galit na ani Rich.
“At saka haharanahin ko kasi si Geometry mamaya.” nangingiting dagdag ni Kai.
Ampotek gumagalaw na ang manok ko!
“Naks gumagalaw na ’tong manok ko ah.” pagsingit ko at bahagya pa siyang tinapik tapik sa balikat.
“Eh ikaw kailan ka dadamoves kay Kiana?” mapang-asar na tanong ni Din.
“Hindi bro, ayoko masira friendship namin at baka hindi niya ako gusto.” iiling-iling na sagot ko.
“Alam mo bro, hindi na uso pagiging torpe ngayon.” singit ni Rich.
Wow ha?
“Bakit? Ikaw nga hindi mo maligawan si Dolce hindi pala
torpe—” naputol ang sasabihin ko ng may kung anong tumama na matigas sa ulo ko at masakit ito.“Hayop pre? Bakit may ganito na naman?” Nagtatakang tanong ni Rich.
Tinignan ko ang hawak hawak nito at
Gago
May kahon na naman na katulad nung nakaraan na parang may tunog ng fire alarm.
“Hoy baka may fire alarm na naman ’yan.” nag-aalangang sabi ni Kai.
Kinuha ko ang kahon sa kamay ni Rich at sa ilalim na parte nito ay may nahawakan akong parang papel.
Inangat ko ang kahon at nakitang may sticky notes sa ilalim na banda nito.
Someone’s dead and I’m the one to blame :)
May bahid pa ng dugo ang sticky notes kaya nabitawan ko ito.
Kinuha nila Kai ang sticky notes na nalaglag at binasa rin.
“What the fuck bro? Totoong dugo ba ’yan?” nagtatakang ani Din.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...