CHAPTER 12

88 36 4
                                    

Marchal’s p.o.v

“Nak, mamaya ubusin mo tong labahan ha? Tambak na tambak na naman e.” utos ni nanay na tinanguan ko na lang.

Pakshet hindi na naman ako makakapasok dahil sa labahan.

Ilang oras na rin ang lumipas at
nag d-downy na ako ng mga damit namin at isinasampay ito.

Wooh! Natapos din!

Tumingin ako sa orange clock na nakasabit sa taas ng pintuan namin.

1:48 na!

Hindi na’ko aabot sa klase tsk! 10:30 ang time eh!

Bosit na labahan ’yan! Sa susunod lulunukin ko na lang ng buong-buo ’yan lahat para mawala na.

Pagkatapos kumain, dahil wala na ring magawa ay nagpunta na lang ako sa kwarto ko at nag mobile legends.

“Putcha gago! Sige subukan mo’kong patayin i t-target lock kita!” gigil na gigil na sigaw ko dahil hinahabol ako ni bruno.

“Shit! Shit!” binuksan ko ang mic at “Back up naman!”

Pero wala ni isang dumating.

“Putang ina niyo! Papatayin ko kayo sa game at in real life!” gigil na sigaw ko na naman.

Nang may kumatok.

“Nak? Ano ba yang minumura mura mo diyan? And’yan ang kapatid mo at naririnig ka.” malumanay na saway ni nanay.

“Sorry nay!”

“Gusto mo ba sumama? pupunta kami ni Althea sa bahay ng ate farah mo.”

“Hindi na po nay, may gagawin din po kasi ako.” sagot ko habang pinapatay ang red buff.

“Sige nak, mamaya pa lang ala-sais magsaing ka na ha? doon na rin kami kakain kina ate mo, nag iwan ako ng pera dito sa cabinet ko iniwan ko rin ang susi rito. Bumili ka na lang ng ulam mo. Hindi na ako nakapagluto sensya nak.”

“Okay lang po.”

“Sige aalis na kami. I-lock mo’tong pinto at huwag magpapapasok ng hindi kakilala.”

“Sige po! Ingat po.” narinig ko pa ang paglalakad palayo ni nanay.

“Wala talagang back up!” at ang ending

DEFEAT!!

Potek buti na lang masyado akong pogi at ako ang naging MOST VALUABLE PLAYER.

Naka ilang game na rin ako hanggang sa mag 6 na.

Uhaw na uhaw ako tsk, ilang hours ba namang mag ml.

Hindi na ako nagsaing at nagdesisyon na lang na kumain sa labas.

Doon na lang sa Angel’s Burger.

*BEEP* *BEEP*

Muntik na’ko masagasaan ng motor naknam.

“Hindi mo pa tinuloy!” pikon na sigaw ko.

Tarantado ka talaga Seb!” pamilyar ang boses na sigaw ng kung sino kaya nilingon ko’to.

Si Mayumi pala.

“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko.

“Eh bakit hindi ka pumasok?” taas kilay na tanong ni Caitlyn.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon