Lumabas na si Sir Samonte pero hindi talaga siya sinasagot ni Dolce.
Wala ring sumubok sa amin na kausapin si Dolce, kahit na gusto namin ang iniaalok ni Sir, nakakatakot kasi baka bigla siyang magalit sa amin.
Tinignan ko ang oras at nakitang 05:47 na. “Thursday cleaners, magsilinis na.” sigaw ko at tinawag ang mga pangalan nilang nakapaskil sa white board.
“Virgil, cleaners ka ’di ba?” nagtaas baba ng kilay si Mira.
Hays.
“Hindi, nilipat na’ko sa tuesday.” umiling ako.
“Weh talaga kailan pa?”
“Nung kahapon ng kahapon.”
“Eh bakit ganyan pa rin yung list?” tinuro nito ang cleaners list.
“Hindi ’yan updated.” seryoso kong sagot para hindi niya malamang nagsisinungaling ako, nagkibit balikat na lang ito at umalis.
Napatingin ako kay Dolce at nakitang nakaupo at nakapikit lang ito habang naka crossed arms.
“Virgil?” tawag pansin ni Kiana.
“Bakit?” nilingon ko ito at nakita itong nakatingin din kay Dolce, napatitig naman ako sa mukha niya.
Tumingin ito sa akin
“Sa tingin mo? Papayag si Dolce na tanggapin yung offer ni Sir? Sure akong hindi natin ma c-convince si Dolce kung ayaw niya talaga.” tumingin ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.“Ewan, hindi ko alam— malay mo pumayag siya ng kusa at hindi natin kinukumbinsi.”
“Sana pumayag siya, hindi lang dahil sa grades gusto ko kasi sumali sa club na hahawakan niya.” tumawa ito ng mahina.
Napatitig na naman ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit kada araw na nakikita at nakakausap ko siya, nahuhulog akong lalo sa babaeng ’to.
“Talaga? Hindi ko alam na interested ka sa detective club, hindi ba’t kasali ka na sa TCC?” pagtukoy ko sa Treasure Chess Club.
“Ano naman? Hindi naman ako magaling sa chess eh, noob pa lang ako at mas interesting ang detective club para sa akin.” sagot nito.
“So mag q-quit ka diyan sa TCC kapag na open ang first detective club?” tanong ko at tumango naman siya.
“Ikaw ba? Gusto mo ba talaga diyan sa Archery club mo?” tanong nito.
“Syempre naman.”
“So hindi mo'ko sasamahan sa detective club kapag pumayag si Dolce?” nakasimangot na tanong nito.
“Syempre, sasamahan kita.”
“So mag q-quit ka rin diyan? Alam mo naman sigurong isang club lang ang pwede natin salihan.”
“Alam ko, kaya nga tinanong kita kanina kung willing ka mag quit sa TCC kung mabuksan ang detective club.”
“Ah, so ano nga?”
“Syempre naman, pwede ba ’yun? Hayaan kita mag-isa sa club.” tila naging double meaning ang sinabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Kiana.
Kinuha ko na ang bag ko at isinuot ito, ganoon din siya, sumunod lamang si Kiana sa akin.
“Kai, kayo na bahala diyan ah? Uwi na kami!” sigaw ko.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...