Caitlyn’s p.o.v
Kitang kita ko rito sa kinatatayuan ko kung paanong hinawakan ni din ang isang babae sa balikat at inalalayan ito.
Padabog akong nagpunta sa classroom dahil sa inis.
Panira ng araw hmp!
"Luh gago! Panoorin niyo kasi! Siya yung nasa video! Ang alam ko hera ang pangalan niyan."
"Ayan ba yung na-"
"Oo, siya nga."
"Bakit naman siya tumalon sa building."
"Malamang na-depress 'yan."
"Sayang maganda pa naman."
"Gago! Nag suicide na lahat lahat yung tao 'yan pa talaga naiisip mo."
"Kawawa naman siya, mabait naman kaya si hera!"
"Alam naman nating kung sino yung nagtulak sa kaniya na gawin 'yun."
Rinig kong usap-usapan ng mga classmate ko.
"Pero bakit may video yung pagkamatay niya?"
"Oo nga 'no?"
"Siguro kagagawan na naman 'to ng grupo nila Ma-"
"Sshh, manahimik ka baka pagbuntungan ka ng mga 'yan."
Sakto namang pumasok si Mariana at ang isa pa niyang kaibigan at umupo sa upuan nila.
Mabuti na lang at wala pang teacher kaya may free time pa ako.
Ilang minuto rin ang lumipas at biglang may pumasok sa harap na pinto.
Bumangad sa akin ang din na nililibot ang paningin at naglakad patungo kay Mariana.
Nilapit pa nito ang mukha kay Mariana kaya iniiwas ko na ang tingin ko at tumingin na lamang sa white board.
“Huy! Sabi ni Aladdin hahalikan daw niya si Mariana!” rinig kong sabi ng isang classmate ko sa katabi niya.
"Hoy!"
“Ikaw ah, malandi ka! Nag-kiss kayo ni Mariana!” sigaw ng kaklase naming si Miraculous.
Nag kiss sila?
Natapos ang mga subjects at parang wala na naman akong naintindihan, at parang wala akong pake.
Break time na pero hindi ako tumayo sa kinauupuan ko hanggang sa mag-isa na lang ako sa classroom.
Biglang tumunog ang fire alarm at nakikita ko ang mga taong natataranta sa labas.
Pero wala pa rin akong maramdaman.
Hanggang sa may box na tumama sa aking ulo na hindi ko naman alam kung saan galing.
Naka packing tape pa ito at parang mamahaling klase ng box.
Sa pababang banda nito sa bandang kaliwa ay may sticky notes na nakadikit.
Break a leg, beauty put it in the box.
Ha? Baliin ang hita? bakit babaliin? Para sa akin ba 'to?
Dahil hindi sigurado ay tumayo na lamang ako at inilagay ito sa teacher's table.
Baka hindi pala para sa akin tapos pinakialaman ko.
At wala akong pakialam kung para sa akin nga.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...