Ilang oras na rin kaming narito lang sa stage, si Marlon ay nakabantay lamang sa labas habang si Kuya Arnel ay nanonood lamang ng facebook reels. Hindi masyadong madilim dahil sa ilaw nasa part lamang ng stage.
“Hindi pa ba kayo matutulog? Mag a-alas onse na rin.” sabi pa nito.
“Gusto na namin umuwi.” my tears fell down.
“Pasensiya na.” bumuntong hininga ito at
“Malapit lang naman bahay mo rito ’di ba? Baka pwede kang kumuha ng sapin at unan.” sabi ni Kuya Arnel kay Marlon.
“Tinatamad ako eh.”
“Edi ako na lang kukuha.”
“Hindi mo nga alam bahay ko, isa pa andon asawa ko.”
“Edi ikaw ang kumuha.”
“Para saan ba kasi?”
“Malamang para sa atin, saka sa mga bata.” tinuro nito kami.
Nararamdaman ko, mabait na tao si Kuya Arnel pero hindi tama ang ginagawa nila.
Hindi kailanman magiging tama.
“Sige na nga. Bantayan mo sila.”
“Oo na.” Tumingin sa amin si Kuya Arnel at ngumiti.
“Kasing edad niyo lang siguro ang anak ko, mabait at matalinong bata siya, pero sadyang kailangan din nga naman ng mga tao ang materyal na bagay.”
“Malapit na ang debut niya, nakakahiya na ang pera naming panghanda ay galing sa nakaw. Pero ayokong maramdaman niya na mapahiya sa mga kaklase niya kung hindi siya mag d-debut.” nanatili kaming nakatingin sa kanya ni Virgil.
“Alam niyo po bang masama itong ginagawa niyo at pwede kayong makulong kung mahuli kayo?” tanong ko. Naawa ako sa kanya.
Pero masakit pa rin ang leeg ko.
“Alam ko, handa akong gawin ang lahat para sa nag-iisang anak ko.” ngumiti ito ng mapait.
“Baka kapag nalaman niya pa nga itong ginagawa ko ay itakwil nya’ko bilang ama.”
“Kayo na rin ho ang nagsabi, kapag nalaman niya ang ginagawa niyo ay baka magalit siya. Mas gugustuhin ng anak niyo na mapahiya kaysa ang malaman ng anak mo ang ginagawa mo kapag nakakulong ka na.” Pagsingit ni Virgil, alam ko naawa rin siya.
Mukha mang masungit ang isang 'to pero malambot ang puso niya at isa siyang mabuting tao.
“Jeruluz.”
“Jeruluz ang pangalan ng anak ko.” ngumiti ito.
“Ang sabi niya sa akin, pangarap niya ang mag debut at umasenso kami sa buhay.”
“Libre naman ang mangarap ’di ba? Pero paano mo ito maaabot kung lagpas langit na ito at nasa lupa ka lang? Ganoon kasi ang kalagayan namin ng anak ko.”
“Tutol ako sa kidnapping na pinag-isipan ni Marlon pero, napapayag na rin niya ako.”
“Sa totoo lang, ito ang unang beses na na-ngidnap ako puro kasi holdap ang ginagawa ko.” tumawa ito ng mapait at nagbabadya ang mga luha.
“Nangarap ako ng magandang buhay, nangako ako sa sarili ko na hindi mararanasan ng pamilya ko yung mga kahirapan na naranasan ko sa pamilya namin nila mama. Ang nangyari nagaya lang pala.” tuluyan ng tumulo ang mga luha nito, tahimik itong umiiyak.
Tumayo ito at walang pasabi na lumabas ng court.
Ilang minuto kaming walang imikan ni Virgil hanggang sa “Naniniwala ka sa kanya?” blangko ang ekspresyon na ipinapakita niya.
“Hindi naman siya nagkwento para paniwalaan natin, nagkwento siya kasi gusto niyang may makaintindi sa kanya.” humikab ako at pinigilan ang ulo kong bumagsak.
Gamit ang dalawang nakataling kamay ay ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya, nakasandal naman kami sa pader ng stage.
Ang bango pa rin ni Virgil.
“Ito ang unan niyo, magsitulog muna kayo.” seryosong tumango sa amin si Marlon ng iniaabot sa amin ang unan at inilatag sa ibaba namin ang sapin.
Dahil wala naman kaming choice, nakapatong lang ang kamay namin sa aming tiyan at nakaharap lang sa taas ng stage.
“Bihirain mo ’yun? Kanina nasa school lang tayo tapos ngayon na kidnap tayo.” natatawang sabi ko.
Tumingin naman sa akin si Virgil pero napabuntong hininga ito.
“Kailan kaya tayo makakaalis dito?” pumikit ito at mahinang nagtanong.
“Hindi ko alam.” pumikit na lamang din ako.
•••
Nagising ako ng maliwanag na ang court, inabot kami ng umaga rito kung ganoon.
“Marlon, pakawalan na kaya natin sila?”
“Anong pinagsasasabi mo?”
“Iba na lang ang gawin natin.”
“Ano? Bobo ka ba?! Baka nakakalimutan mong pumayag ka rito sa plano ko.”
“Kagabi lang ’yun, hindi na ngayon.”
“Ah ganon?” biglang tinutukan ni Marlon si Kuya Arnel ng kutsilyo sa tiyan.
Napapikit ako at nagpanggap na tulog.
“Huwag ka nga masyadong bobo Arnel, pera na ’yan pakakawalan mo pa.”
“Ano bang hindi mo naintindihan Marlon? Ang sabi ko iba na lang ang gawin ’wag na itong kidnapping, kahit mang holdap na lang tayo.”
“Mas malaki ang kita sa kidnapping Arnel, huwag ka ng mag feeling santo diyan dahil pareho lang tayong demonyo.”
“Hindi ako demonyo, tumigil ka na. Tara na at pakawalan na natin ang mga bata.”
“Sige, subukan mo papatayin kita pati ang anak mo.”
“Bakit nadamay rito ang anak ko?!”
“Malamang damay ang asawa ko kapag wala tayong pera na maiuuwi.”
“Bantayan mo yang mga bata, oras na makita kong wala na ang mga ’yan. Yari sakin ang anak mo.”
Naramdaman ko ang paglakad ng isang tao rito sa stage at inis na ipinadyak ang paa.
“Wala talaga siyang mabuting dulot.” bulong nito, sinilip ko ito at nakitang nakapikit ito habang nakasandal sa pader.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...