CHAPTER 20

68 38 15
                                    


Ashe’s p.o.v

“Explain.” madiin na utos ni Virgil.

Putcha naman kasi nadamay pa ako roon sa gulo, eh kakapasok ko lang galing cafeteria salubungin ba naman ako ng suntok ni Manco, edi gumanti ako.

Rambol rambol na’to mga gago!

“Explain, hirap na hirap ba kayo magpaliwanag? ’wag niyo na antayin na si Dolce pa ang magtanong sa inyo.” nakahalukipkip ito at mukhang stress na.

Sabagay, siya ang Vice president namin si Virgil salo niya rin yung ibang responsibilities sa section namin.

“Pre, ano ba talaga nangyari?” tanong sa akin ni Din.

“Hindi ko rin alam eh, galing lang ako ng Cafeteria tapos pagpasok ko rito sinuntok ako ni Manco.” pagsasabi ko ng totoo.

“Saan pala kayo nagpunta kanina?” kuryoso na tanong ko, naabutan ko pa sila na papalabas bago ako pumunta ng Cafeteria.

“Paano ko ba ipapaliwanag, ahmm? kasi ano ’di ba— ay hindi ano kasi ganito—” pinutol ko na pinagsasasabi ng hinayupak na’to.

“Huwag na lang, nakakabwisit ka lalo.” nakangising pagsasalita ko. Tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas kaya masama siyang tinignan ng ibang classmates namin.

“Oh ano ha? Ano tinitingin-tingin niyo diyan?” maangas na tanong ni Din.

Isa sa mga ugali ng baliw na’to ay ang pagiging war freak niya na pabiro, minsan ay hindi.

“Masyado kasi kayong mayayabang.” Masama ang tingin na sagot ni Amaiah kay Din.

“Anong mayayabang? Pauso ka ba? Ngudngod kita diyan sa pader.” Seryosong sabi ni Din.

“Huwag mo patulan pre, nagmumukha kang bakla babae ’yan oh.” pag-awat ko kay Din kaya naman blangko ang mukha nito na tumigil sa pagsasalita.

“Ashe’s right.” komento bigla ni Mariana habang seryoso rin ang mukha.

Pumunta ito sa harapan at lumapit ng kaunti kay Amaiah.

“No worries, i’ll order some group of men, to violate you.” seryosong sabi nito kay Amaiah.

Nanlaki ang mga mata ni Amaiah at halata ang kaba sa mukha.

“S-sorry! Mariana!” ani Amaiah na malapit ng umiyak.

“No.” iiling iling naman na sabi ni Mariana at tumalikod saka naglakad papalapit sa pintuan.

“Mariana, let’a talk.” seryoso namang pagpigil ni Din sa ambang paglabas sa pintuan ni Mariana.

“Follow me.” Diretsong lumabas si Mariana at sumunod sa kanya si Din.

“Ano ’yun? May spark spark ata sila para sa isa’t-isa.” naguguluhang tanong ko.

“Hindi, si Caitlyn ang gusto ni Din.” Sabi ni Rich.

“Speaking of Caitlyn, nasaan ang kakambal ko? Kasama ba siya sa gulo?” kinakabahang tanong ni Sam.

Hindi ko siya nakita kanina nung nagkagulo, lumabas din ata siya pagka-alis niyo.” sagot ko at kumalma naman ang kinakabahang Samantha kanina.

“Syug pwede ba umupo na muna tayo? Kanina pa tayo rito nagkukumpulan oh, nangangawit na si ako.” nakasimangot na reklamo ni Mira. Ang cute niya talaga lalo na kapag naka suot siya ng head band na minsan ay may mga hayop na design.

“Oo nga putcha, nangangawit na rin ako.” pag-sang ayon ni Valdez yung parang totomboy tomboy na kaibigan ni Mira.

Magsi-upo na kayo diyan, sa first row ’wag sa mga permanent seat niyo baka sugurin kayo ng mga ’yan.” ani Ashley kaya naman pinandilatan siya ng iba at tinignan ng masama.

“Anong gusto mong palabasin? Na manunugod lang kami bigla?!” pikon na sigaw ni Joy.

Asan ba si Dolce?” tanong ko.

Nung dumating kasi sila rito ay umalis lang din sila, hindi ko alam kung bakit.

Pinatawag siya ni Sir. Samonte.” sagot ni Rich.

“Oh bakit hindi ba? Ganon nga ginawa niyo kanina ’di ba? Kahit nananahimik sinugod niyo!” sigaw ni Ashley.

“Masyado niyo kasing binig deal na umalis sila ng hindi tayo kasama, akala niyo siguro gagawa sila ng mga school works ng sila sila lang? Mga takot malamanga-” naputol ang pagsasalita ni Ashley nang hatakin siya ni Virgil dahil akma siyang sasampalin ni Joy.

“Dahil doon pala? Diyan ka lang muna Ashley.” seryoso ang pagsasalita ni Virgil.

“Bakit hindi kayo marunong umintindi? Importante yung ginawa namin, hindi ’yun school works, kung alam niyo lang.. hindi madali yung ginawa namin na paghahanap ng mga kasagutan sa tanong namin, hindi niyo maiintindihan dahil wala ata sa bokabularyo niyo ang salitang pag-intindi ang tagal-tagal na nating magkakaklase, bakit hindi niyo maintindihan yung mga nangyayari sa paligid niyo? Magkakaklase tayo HUMSS - A, magkakaibigan pa nga, hindi tayo magkakaaway, hindi tayo magkakalaban.” pagsasalita ni Virgil sa harapan na ikinatahimik ng lahat dahil tama siya

“Hindi namin ’to ipaparating o i r-report sa guidance pero sana maayos niya yang gulo niyo at kapag hindi niyo naayos, wala akong choice kundi kaladkarin kayo sa guidance office.” Huling litanya ni Virgil at walang pasabing lumabas sa front door, sinundan naman siya ni Kiana.

“Grabe akala ko pa naman kilala na nating lahat yung isa’t-isa, hindi ko alam na ganyan na pala iniisip niyo sa amin.” malungkot na ngumiti si Sam at lumabas din sa front door.

Gaguhan ’to mga tol, tropa pa naman mga turing ko sa inyo tsk.” bwisit naman si Kai at pahabol na sinundan si Sam.

“Fuck you, mga bitch! Mag walk out na rin ako!” inangat ni Yska ang isang kilay niya at nakadilang lumabas.

“Ako rin, mag w-walk out, wait for me!” Masiglang sabi ni Lerich.

Tara Mira, walk out din nagugutom na ulit ako.” hinatak ni Valdez si Mira.

Amputek mga baliw!

“Tara Ann, walk out na rin tayo libre kita sa cafeteria.” sabi ni Seb kay Vanilla at hinatak din ito palabas.

Mga potek talaga, bakit parang mga bebe nila yung sinusundan nila?

“Bahala kayo.” sabi ni Ryan at umupo lang sa permanent seat niya at kinuha ang head set niya saka sinuot.

MGA BALIW TALAGA ANG MGA STUDENTS SA HUMSS - A!!

                                     •••

This chapter is dedicated to LostPageXV

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon