CHAPTER 15

83 34 4
                                    


Sam’s p.o.v

“Hays! I can't find the hypotenuse of this—”

Imagine my second name is Geometry pero hindi ako matalino sa Math.

“Ano na Geometry? Pakatagal mong magsagot ah.” kai teased and i glared at him. Lumapit ito sa akin at nag squat konti para tignan ang sinasagutan ko.

“Number 84 ka na pala, alam mo mali yung sagot mo sa 79 hanggang 83.” seryosong sabi nito kaya hindi ko naman siya mabara.

“Hinulaan mo yung sagot no? Hindi mo nga ata alam kung ano ang formula ng Pythagorean theorem.” seryoso pa ring sabi nito kaya tahimik na lang akong nakatingin sa kanya.

Ang bango niya, Ang bango ni kai.

Imbis na barahin siya ay nakinig na lang ako.

“The formula of Pythagorean Theorem is c²=√a²+b² kaya nagtataka ako at bakit may variables ang sagot mo eh dahil wala namang given na may variables mapa hypotenuse, base, and perpendicular.” kumuha ito ng upuan at umupo sa tabi ko.

“Tapos ka na ba magsagot kai?” tanong ko at bahagyang umusog para makatabi siya.

“Oo, kaya nga tuturuan kita.” sagot nito at kinuha ang ballpen na hawak ko.

Skai Alfredo V. Torrecampo

Binasa ko ang pangalan niyang nakasulat sa paper niya.

“Bakit hindi ka pa magpasa?”

Sabay na tayo.” nakangiting tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin.

Nilinga ko ang mga classmates kong nagsasagot pa rin. Saka tumingin sa likod.

Kitang kita ko ang nang-aasar na mukha ni Mira kaya tinarayan ko ito.
“Ganito Geometry, Alam mo naman kung ano ang hypotenuse, perpendicular, base sa triangle hindi ba?” tumango naman ako.

“c is the hypotenuse, b is the base and a is the perpendicular.” ganon pala, tumango na lamang ako.

“So kapag c ang nawawala ang formula ay c²=a²+b² pero kapag b ang nawawala b²=√c²-a² So kapag a ang nawawala ano ang formula?” tanong nito sakin.

“a²=√c²-b²?” hindi suguradong sagot ko at ginulo nito ang buhok ko habang tumatawa.

“You’re really a fast learner.” sabi nito at tumayo na.

Aantayin kita ha? Balik lang ako sa upuan ko.” he winked at bumalik sa upuan niya.

Ilang minuto kong inayos ang mga sagot ko at nakuha ko ang mga sagot gamit ang formula na sinabi niya.

Skai, Our Rank 3. Thanks.

Huy ano ’yun ha?” pabulong na tanong ni Mira.

“Wala.” i rolled eyes again.

“Ay sus Samantha! Sinong niloloko mo? Ako ba? Ako ba?” maingay na tanong nito.

“Ewan ko sa’yo.” sabi ko habang unti-unting napapangiti, buti hindi nakita ni Mira.

“Ano sagot mo sa 80?” pangangalabit sa akin ni Din.

“8.” sagot ko.

Thanks.” sabi nito at nagsulat sa paper exam niya. Mismong sa harapan ko.

Kaya natauhan ako ng malamang sinulat niya ang sinabi kong sagot.

“Hey!” sigaw ko pero nakatakbo na ito palayo.

Ang ingay na ng room dahil wala si Sir Samonte at Mavis.

“Oo pre ampotek! Nung nakaraan nag grind ako puro bobo mga kakampi tsk! Tapos—” pagdadaldal ni Rich kay kai na naputol dahil Lumapit ako sa upuan ni Kai at kinalabit siya.

“Tara, pasa na tayo.” winagayway ko ang paper exam ko sa harapan ni kai kaya tumayo ito.

“Lagay mo yung exam ko sa likod, sa iyo na yung harapan.” i tip toed and whispered it to him.

“Sige, kiss muna.” sabi nito na tinuturo pa ang right cheek niya.

Bilang dakilang patulera ay nag kiss ako kunwari sa tapat niya.

Ang cute ni kai, kaya crush crush ko rin ito eh.

“Oh bakit ka nakatulala diyan? Ayaw mo ba magpasa?” nakangiting tanong ko kaya natauhan naman ito at ipinasa ang papel kay Virgil.

Nakalapit na pala si Mira sa kinatatayuan namin, dahil magpapasa rin ito.

Pero pang-aasar agad ang binungad nito kay Virgil kaya naghabulan sila.

Binalikan ko ng tingin itong lalaki sa harapan ko at nakatingin din pala ito sa akin.

“Crush mo’ko ’no?” mapang-asar na tanong ko.

“Oo, ako ba crush mo?” seryoso namang tanong nito kaya napatikhim ako.

“Parang baliw kai.” sabi ko na kunwari kinukutkot ang white board.

“Para kayong tanga.” komento ng magaling kong kakambal.

Panira ka talaga Caitlyn, alis ka nga.” nakasimangot na sabi ko.

“Si Virgil? Magpapasa ako ng paper  eh.” tanong nito kaya hinanap ng paningin ko si Virgil.

Andon pala sa hallway hinahabol si Mira.

Antayin mo na lang bumalik.”

“Sige.” bumaling ito kay Kai.

Ligawan mo na yang kapatid ko, Crush ka niyan.” sabi nito at tumakbo ng ambaan ko ng hampas.

Tara punta tayo Cafeteria?” nakangiting tanong nito kaya tumango na lang ako.

Napangiti ako dahil crush na crush ko talaga ’to kahit nang-aasar siya minsan.

“Sorry.” pagpapaumanhin nung nakatama sa akin habang naglalakad papuntang cafeteria.

“Sorry rin.” mahinahong pagpapaumanhin ko rin.

“Geometry, come on.” hila sa akin ni Kai.

“Anong gusto mo?”

“Ikaw.” bulong ko.

“ha?”

“Kahit ano na lang Kai.”

“Sige umupo ka na, ako na bibili.” pinaghila pa ako nito ng upuan.

Bakit ba ganyan siya? Pa-fall hmpp.

Porque gwapo, pa-fall.

Pansin na pansin ko naman ang pagtitig ng ibang girls kay Kai habang kinikilig pa.

Grrrr nakakapikon!

Kahit parang wala naman kay Kai ang mga tingin nila, napipikon ako. For real.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon