WARNING: INAPPROPRIATE WORDS & MATURE CONTENT
Virgil's p.o.v
Nanatili akong nagpapanggap na tulog kahit na hindi naman ako natulog.
"Wala talaga siyang mabuting dulot." dinig kong bulong ni Arnel.
Alam kong gising din itong katabi ko.
Alam ko na ang kaibahan kapag tulog siya at hindi. buong gabi ko kasi siya binantayan.
Alam ko rin ang bigat ng paghinga niya at mahinang hilik, kaya alam kong gising siya.
"Alam kong gising kayo, halata ang mga pilikmata niyo." biglang sabi ni Arnel kaya iminulat ko ang mga mata ko tinignan ko si Kiana na dumilat din.
"Hindi ko kayo mapapakawalan, baka kung anong gawin niya sa anak ko."
"Naiintindihan namin." paos na sabi ni Kiana.
"Kinuha niya ang mga cellphone niyo sa akin."
"Sabihin niyo sa akin ang cellphone number ng mga magulang niyo." sabi nito at inilabas ang cellphone.
Ang kaso hindi ko kabisado ang number ni mama at papa.
Pero kabisado ko ang number nila Kai at Rich.
Nakita ko sa cellphone niya na 11:27 na tsk, friday ngayon. Paniguradong nasa school na sila.
"097*******5." binigay ko ang number ni Kai.
"Contact number 'yan ng kaibigan ko."
"Pero ang sabi-"
"Hindi ko kabisado ang number nila, sa mga kaibigan ko lang." Tumango ito at tinawagan nga ang number na sinabi ko.
Ilang minuto itong nag ring pero walang sumasagot.
"Walang nasagot."
"095*******4." sinubukan niya ulit tawagan ang number ni Rich na ibinigay ko.
Ilang beses din ito nag ring hanggang sa...
"Hello?" itinapat sa akin ni Arnel ang cellphone at ini-speaker.
"Ako 'to si Virgil."
"Anong meron? Hindi ka papasok? Himala tol!"
"Hindi." tumingin ako kay Arnel at tumango ito.
"Na-kidnap kami ni Kiana."
"Ha?!"
"..."
"Seryoso ba?" naniniguradong tanong nito.
"Totoo ang sinabi nitong kaibigan mo, tumawag kayo ng pulis, nandito kami sa Asmodeus st. abandoned court." pagkatapos ay pinatay nito ang tawag.
"Pero makukulong ka." biglang sabi ni Kiana, mapait na ngumiti naman si Arnel.
"Mas maayos na sigurong makulong kaming dalawa."
"Tumakas ka na ngayon, kung gusto mo pang may tatay pa rin ang anak mo." labag man sa kalooban kong patakasin ito ay may utang na loob pa rin kami sa kanya.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...