Virgil’s p.o.v
Nang mabuksan niya ang pangalawang hati ng box ay bumungad sa amin ang mga papel, at ang isang papel na kinuha niya ay may mga lamang letrang
QTRPJHT - DU - WTG - KXKPAST - LPH - PQAT - ID - RGTPIT - UDJG - HTPHDCH
NDJG - JCRAT - XH - GTPAAN - QPS - BN - SPJVWITG
Nagmistula kaming baliw dahil sa wala kaming naintindihan.
“Whoever that person, the cipher we're going to use was already given. It was already given to us by he or she.” nakakunot noong sabi nito.
“Anong Cipher naman ang sinasabi mo?” tanong ko.
“The Rot15, kung hindi gagana ay mag t-try ako ng ibang ciphers.” sabi nito at bumalik sa pagkakaupo. Pinalibutan naman namin siya upang makita ang ginagawa niya.
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ
PQRSTUVWXYZABCDEFGHIJKLMN
OIsinulat niya ito ng magkakatapat at nagsimulang magsulat.
B E C A U S E - O F - H E R - V I V A L D I - W A S - A B L E - T O - C R E A T E - F O U R - S E A S O N S
Y O U R - U N C L E - I S - R E A L L Y - B A D - M Y - D A U G H T E R
Wait? Parang pinalit niya yung mga letters na katapat nung bawat letters na naunang ibigay, yung wala pang sense.
“I replaced it using what is its counterpart underneath.” pagpapaliwanag niya. At tama na naman ang naisip ko.
“Pero ano yang ibig sabihin ng because of her Vivaldi was able to create four seasons. Your uncle is really bad my daughter? hindi ko magets.” pagpapakatotoo ko at blangko pa rin ang tingin ni Dolce sa akin.
“Kahit ako pre, hindi ko magets o wala talaga akong ma gegets!” ani Din.
“Siraulo! Bakit may sulat ng ballpen ’tong blouse ko?” reklamo ni Mira.
“Karma mo ’yan tange.” ani Din.
“Ikaw ata nag—” naputol ang sasabihin ni Mira ng magsalita si Dolce.
“You guys didn’t know Antonio Vivaldi? He is an Italian Composer. Virtuoso, violinist, and Impresario of Baroque Music. Kung wala kayong interest sa Violin, hindi niyo malalaman ang sagot.” pagpapaliwanag nito.
Oo nga pala! Na-topic namin ’to nung grade 9 at 10 dati! Renaissance, Baroque.
“Ano naman ang connect ni Vivaldi rito sa box?” pagsingit ni Rich.
“His best-known work is a series of violin concertos known as The Four Seasons. Winter, Summer, Autumn, Spring.” pagpapaliwanag nito at tila nalinawagan naman ang lahat.
“So ang sabi rito sa clue, because of her Vivaldi was able to create four seasons. So? Name ba ng babae ang sagot?” naguguluhan pang tanong ko.
“Obviously, yes.” pagsagot ni Dolce.
“Related na naman sa greek mythology?” tanong ko ulit.
“Yes.” sagot na naman ni Dolce.
“You know the answer?”
“The answer is Demeter, the Goddess of harvest, mother of Persephone, the goddess of Spring.” Sagot ni Dolce at kinuha ang isa pang papel na may nakasulat din.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mystery / ThrillerWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...