CHAPTER 24

58 35 9
                                    

Kai’s p.o.v

Ang plano kong panghaharana kay Geometry ay hindi natuloy paano ba naman? Ang laking abala ng kung sino mang nagbato ng box na ’yun.

Malapit na rin matapos ang class at ang last namin ay Pr2.

Buti nga kahit may Gen math ngayon ay hindi pumasok si Sir. Samonte, hindi naman sa ayoko sa math favorite subject ko pa nga iyon.

Ayoko lang talaga sa way ng pagtuturo at pag-uugali ni Sir. Samonte.

Kinuha ko na lang ang guitar case ko at inilabas doon ang gitara ko. Wala pa naman si Ma'am.

Huy tara jamming!” biglang sulpot ni Rich at umupo sa kaharap ko na upuan.

“Tara sali.” singit ni Ashe at umupo sa katabi ko na upuan.

“Ano hindi nyo’ko isasali diyan? Mga peyk bro, utol nga naman.” biro ni Din kahit seryoso ang mukha nito.

“Anong kakantahin mga pre?” tanong ko habang nag t-tune sa lower E string.

Magbalik pre.” sagot ni Rich, tinugtog ko ang intro nito at kita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ng mga classmates ko sa amin.

Shet yung panty ko pakitaas please.” dinig kong sabi ni Hannahbelle.

“Tara itaas ko na, nangangamoy ka na kasi.”

Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig ko, walang kwenta naman kasi at akala mo hindi sila nag away-away nung nakaraan, kalokohan psh.

“Wala-”

“Yung pang malungkot na lang tol, yung Scientist ba alam mo?” biglang pagputol ni Din.

Damn.

“Ano ba talaga gugulo niyo.” ginulo ko pa ang buhok ko.

“Ang pogi talaga ni Skai hay sana ma—”

“Tara na akala ko ba titingin ka lang.”

“Oo nga.” rinig kong usapan ng mga babaeng dumaan sa labas ng classroom namin.

Nilibot ko ang paningin ko at nakitang wala pa rin si Geometry.

“Dami mo talagang fans pre, goodluck kapag inatake ka na naman ng pagiging torpe mo kasi lalayuan ka ni Sam.” iiling-iling na sabi ni Din.

“Tsk, wala naman akong pake sa mga ’yan.” i replied nonchalantly.

“Ano na nga tutugtugin?” tanong ko ulit.

“The Scientist nga.”

“Hindi ko alam chords niyan, pero alam ko yung song.”

Bm7, G, D, Dsus2, A

Sinulat nito ang guitar chords.
“Yan ang chords pre tapos lagay ka capo.” sabi nito sa akin.

“Anong fret?”

“third fret.”

Inilagay ko naman ang palad ko sa ibabaw ng gitara para hindi masyadong malakas ang buga ng tugtog nito, pinractice ko ang sariling strumming hanggang sa makuha ko na ang tono ng The Scientist.

“G na.” sabi ko at inilagay ang capo at nagsimulang mag strum.

“Come up to meet you, tell you I’m sorry. You don’t know how lovely you are..” pagsisimula ko.

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon