CHAPTER 7

91 40 3
                                    

Din’s p.o.v.

Kasalukuyan kaming nasa school gym ni Mariana, kaming dalawa lang. Para pag-usapan ang bagay na ginawa na naman niya.

"What now?" malditang tanong nito.

"Hay na'ko, alam mo naman ang dahilan kung bakit tayo nag-uusap ngayon." nag crossed arms ako at tumayo habang nanatili naman itong nakaupo.

"Mariana." pagtawag ko rito dahil nakatingin na lamang ito sa kung saan.

"Why?"

"Bakit mo na naman kasi ginawa 'yun? At dalawa pa talaga!"

"They deserve it! Come on!" nanggigigil na sigaw nito.

"Magpaliwanag ka!"

"Why are you taking their sides?"

"Dahil mali ka na naman!"

"I'm not! I hate you so much! I hate you!" sigaw nito at akma ng aalis pero hinawakan ko ang braso nito at pinigilang umalis.

"Get off me! Damn you! You can't understand me! Damn you!" sigaw ulit nito.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito para iharap siya sa’kin.

"Naiintindihan kita Mariana, pero hindi tama itong ginagawa mo." pagpapakalma ko rito.

"Hindi mo'ko naiintindihan." umiiling iling ito.

"Mariana, alam ko naman na ayaw mo lang na sinusuway ka. Alam kong ayaw mo ng ganon pero hindi tama na mam-bully ka."

"Grabe ka kasi mam-bully eh, wag mong hayaan na masama ang tingin ng iba sa'yo." nakatingin lamang ito sa akin at ganon din ako.

"Wala kang magagawa, dahil gagawin ko ang gusto ko."

"Meron, dahil ayoko mapahamak ka." natigilan naman siya.

"You just want to be known as a hero."

"Kaya ko ito ginagawa dahil mahalaga ka sa akin, Mariana." I said.

"Liar."

"Hindi." Umupo ulit ito at umupo na lang din ako.

"Mariana-"

"Stop!"

"Eila."

"Stop calling me that!"

"Basta ha? Tigilan mo na ang pam b-bully, ang ganda mo tapos mambubully ka? wag na wag ka na po ulit na  mam b-bully ha?" namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin.

"I won't."

"Ay sige ka! Ganyanan ha! Ayaw mo makinig na naman." kunwaring galit na sabi ko.

"Tss, stop it."

"Hay na'ko Mariana! Kung ayaw mo makinig sa akin, bahala ka! Basta 'wag mo na ako kakausapin!" pananakot ko at nag ambang aalis na

"Damn you! Oo na! But I'll just bully them verbally." angil nito at nagpapadyak pa.

Mas mabuti na kaysa physical

"Alam ko namang hindi ka papatalo tsk tsk! Halika na rito!" lumapit naman ito sa akin at inakbayan ko ito.

"Huwag ka sana magagalit sa akin pero ginagawa ko rin 'to para sa'yo!" pagpapakatotoo ko.

"Whatever." pagtataray nito. Sinundot sundot ko naman ang bewang nito upang makiliti saka ginulo ang buhok niyang nakaayos.

"Stop it! Warner! Damn you!" napipikon na sabi nito.

"Kanina ka pa damn nang damn sakin ha?"

"Whatever."

"Tara balik na tayo sa class, patapos na break time oh? O gusto mo muna kumain?"

"Let's go straight to our room, I'm not starving anyway."

"Sige!" sabi ko at inipit siya sa kilikili ko.

Ganito talaga kami lagi ni Mariana, napalayo lang siya sakin ng konti ng maging kaibigan niya yung mga friends niya ngayon na bad bitches ang datingan ampota, kinukunsinti siya eh.

"Aladdin! Get off me!"

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon