(Andrew POV)
Hindi pa rin mapawi ang ngiti sa aking mukha habang nasa biyahe kami. Sa halos isang linggo kong paghanap ng solusyon sa aking problema ay lagi akong aborido, naiiyak at kinakabahan. Ngayon parang nabunutan na ako ng malaking tinik sa aking dibdib dahil sa wakas ay matatapos na ang napakalaki kong problema.
Isang pribadong helicopter pala na medyo may kalakihan ang aming sinakyan na sa tingin ko ay pag-aari ng isang pamilya. Nasa likod ako katabi ang aking ina kasama ng isang babaeng nars na tumitingin sa kanya. Nasa harap naman si Dina at ang piloto.
"Ang swerte ko talaga Dante at nakilala kita."ang masaya kong sambit sa kanya.
"Anong Dante, Im Dina!" ang agad na tugon nito.
Napansin ko naman ang pigil na tawa ng nars.
"Ang bait mo talaga, ikaw pa ang nagbayad ng bill ni nanay sa ospital. Pero babayaran ko sa iyo yun."
"Ayos lang kung di mo na bayaran."
"Hindi pwede iyon. Paano na lang kapag nalaman ito ng mga magulang mo? Ayaw kong isipan nila na oportunista kami."
"Mabait sila kaya huwag ka nang mag-alala diyan."
"Tapos itong helicopter. Alam kong mahal din ang renta mo dito. Nahihiya nga ako sa iyo eh kaya babayaran ko talaga ang mga ito kahit paunti-unti."
"Hindi naman ako nagbayad para dito sa helicopter."
"Talaga, wow sa inyo pala ito. Matagal na kitang kilala pero ngayon ko lang nalaman na ganito pala kayo kayaman." ang aking sambit.
Naghihintay ako ng pagtugon mula kay Dina. Ngunit hindi siya nagsasalita. Sa totoo lang ay nawiwirduhan ako sa mga kinikilos niya na di ko maintindihan.
Makalipas ng ilang oras ay nakarating na kami ng Maynila. Hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa akin noon sa siyudad na ito, mga malulungkot na karanasan tulad ng pagkamatay ni tatay.
Ngunit dito rin ako natutong magsumikap. High School pa lang nang magsimula akong dumiskarte para matustusan ang aking pag-aaral pati na rin ng mga gastusin sa bahay sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura.
Pagkalapag ng helicopter ay agad na nilabas ang stretcher kung saan nakahiga si nanay at dineretsong pinasok sa isang ambulansya.
Dinala si nanay sa isang pribadong ospital. Halos hindi ako makapaniwala na dito siya ooperahan dahil pangmayaman ito. Sobra na tuloy akong nahihiya kay Dina. Kung susumahin ang lahat ng ginastos niya nung nasa Bicol pa kami ay napakalaki na nito. Napagdesisyunan kong kausapin na lang siya tungkol dito kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Pagkapasok ng nasabing ospital ay pinasok siya agad sa emergency room upang masuri ng mga nars doon. Maya-maya lang ay may dumating na isang doktor.
Pinagmamasdan ko lang ang kanilang ginagawa habang sinusuri nila si nanay. Kung noong una ay kaba at takot ang nararamdam ko, ngayon ay saya na dahil may kasiguraduhan na ang kanyang kaligtasan.
Matapos ang kanilang ginagawa ay agad akong nilapitan ng doktor.
"Ikaw ba ang anak ng pasyente?" ang nakangiti niyang tanong sa akin.
Bago ko sagutin ang kanyang tanong ay may napansin ako sa kanyang itsura. Parang pamilyar kasi siya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Ah opo dok."
"Im Dr. Luis." ang kanyang pagpapakilala sabay abot ng kanyang kamay na aking tinugon.
"Ako naman po si Andrew. So doc, kamusta na po ang lagay ni nanay. Kailan po siya maooperahan?" ang agad kong tanong sa kanya.
"We will start the operation tomorrow."
"Naku dok, maraming-maraming salamat po talaga. Napakabait po ninyo ng kaibigan ko. Pero gaya po ng sinabi ko sa kanya, babayaran ko rin po kayo sa kahit anong paraan."
"Huwag muna nating isipin yan iho. Ang importante ay gumaling ang nanay mo." ang nakangiti niyang pahayag. "Sige mauna na muna ako at may iba pa akong pasyente."
Nang makaalis ang doctor ay siyang pagbalik ni Dina.
"Saan ka ba nanggaling?" ang tanong ko sa kanya. Agad kasi siyang nawala nang makarating kami dito sa ospital.
"Ah...diyan lang." ang kanyang sagot.
"Saan nga?"
"Sa labas... oo diyan sa labas nagpahangin lang."
"Hmmm.... ok... Oo nga pala sabi ng doctor bukas na ooperahan si nanay."
"So mabuti naman kung ganoon. Makakaligtas na rin sa kapahamakan si Tita."
"Oo nga. Pero Dina, maraming-maraming salamat talaga. Napakalaki ng naitulong mo sa amin. Pero babayaran ko ang lahat ng ginastos mo sa amin mula sa bill namin sa ospital sa probinsya hanggang sa gagawing operasyon dito."
"Huwag mo nang isipin ang mga iyon. Saka yung tungkol sa operasyon, wala ka nang babayaran pa."
"Ang ibig mong sabihin libre nga iyon. Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang yan para di na ako mag-alala pa dahil alam mong wala akong kakayahang magbayad. Basta, babayaran pa rin kita kahit paunti-unti."
"Sige bahala ka..."
Pansamantala muna naming iniwan si nanay para mananghalian. Napagpasiyahan naming kumain sa isang fastfood chain. Pagkatapos ay nagpatulong ako sa kanyang maghanap ng pansamantala naming matutuluyan.
"Andrew, pwede ka namang sa amin muna tumuloy hanggat nasa ospital pa si Tita. Saka mo na isipin yung tungkol sa titirahan niyo." ang suhestiyon ni Dina sa akin.
"Huwag na Dina, sobra-sobra na ang naitulong mo sa akin. May pera pa naman ako dito."
"Pero mauubos din yan Andrew. Paano na lang kung magaling na si Tita, e di mangungupahan kayo."
May punto nga si Dina sa bagay na yan. Kung sa pagkain lang ay aabot ito ng isang buwan. Pero kung isasama ang upa, magiging mabigat na ito para sa aming mag-ina.
"Tutal mahihinto na naman ako sa pag-aaral sa pasukan, maghahanap ako ng trabaho yung malaki-laki ang sweldo."
Paglingon ko sa kanya matapos sabihin iyon ay abala siya sa pagtext. Naisip ko naman na baka ang boyfriend niyang si Elmer iyon kaya hindi ko na binigyan pa ng pansin iyon.
Hapon na nang makahanap kami ng isang maliit na kwarto. Mabait naman ang may-ari sa presyong inalok ko sa kanya dahil hindi naman ako magtatagal. Agad ko namang dinala ang aming mga gamit doon. Pagkatapos ay bumalik na ako ng ospital upang magbantay kay nanay.
___________
Kinabukasan, maaga pa lang ay dinala siya sa kwarto kung saan gaganapin ang operasyon. Sa labas nito habang naghihintay ng resulta ay nananalangin ako na sana maging succesful ang operasyon. Kasama ko si Dina sa mga oras na iyon.
At makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si Dr. Luis kasama ang iba pang nars na katulong niya sa pag-opera.
"Successful ang operation. Your mother is safe now."
Sa wakas lubos na ang aking kasiyahan. Nalampasan na rin naming mag-ina ang isang napakatinding pagsubok sa aming buhay. Labis ang tuwang aking nararamdaman sa mga oras na iyon.
"Maraming salamat po talaga Dina at Dr. Luis. Napakabait po ninyo talaga."
Nagkatinginan naman sila ni Dina na parang may ibang iniisip. Pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil mas nangingibabaw sa akin ang aking nararamdamang emosyon.
Ilang saglit pa ay nilipat na sa isang ward ang aking nanay. Nagrequest ako na sana sa murang ward na lang siya ilagay. Ayos lang naman sa akin kung may kasama kaming iba. Ngunit wala na akong nagawa pa nang inilagay siya sa isang pribadong kwarto.
Matapos iyon ay saglit akong lumabas at nagpunta sa simbahan ng Quiapo kung saan nagsisimba noon asi nanay tuwing Biyernes. Nanalangin ako at nagpasalamat sa Diyos sa ibinigay niyang pangalawang buhay para sa aking pinakamamahal na ina. Siyempre pinagdasal ko rin ang aking mga kaibigan na sumuporta at tumulong sa akin lalo na kina Dina at Dr. Luis.
Pagkalabas ko ng simbahan ay saglit kong pinagmasdan ang paligid. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Naroon pa rin ang mga vendor ng mga sari-saring bagay tulad ng mga gamot at damit. At siyempre mawawala ba naman ang mga magkakatabing manghuhula.
Sa pagkakita ko sa kanila ay isang alaala ang nanumbalik sa aking isipan, ang araw na kung saan ay sama-sama kaming nagsimba ni nanay at ng taong sanhi ng pagkasawi ko sa pag-ibig.Naunang umuwi si nanay at naisipan kong ilibot siya sa lugar at doon niya nakita ang mga manghuhulang iyon.
"May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito sa akin.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang aking pagtanggi. Hindi kasi ako naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba? kaya tara na."
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Fiksi RemajaBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...