Nakatulog si Andrew habang bumibiyahe sila papuuntang Baguio. At makalipas ang halos apat na oras ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
"Uy gising na. Nandito na tayo." ang panggising ni Bryan kay Andrew. Marahan niyang kinakalabit ito.
Marahang minulat ni Andrew ang kanyang mga mata. At nagulat siya nang makitang malapit ang mukha sa kanya ni Bryan.
"Ano ginagawa mo?" ang tanong ni Andrew sabay tulak sa kanya.
"Ginigising kita. Nandito na kaya tayo sa aking resthouse." ang sagot sa kanya ni Bryan. "Kung makapagtanong ka naman."
"Mabuti naman kung ganoon. Teka nga bakit mo ba ako dinala dito?"
"Mamaya ka na nga magtanong tara na pasok na tayo sa loob."
Hindi maitatago ni Andrew ang kanyang pagkamangha sa bahay. Napakaaliwalas ng lugar. Bukod sa malamig na klima ay may mga tanawing maganda sa paningin.
"Nagustuhan mo ba?" si Bryan nang mapansin si Andrew na pinagmamasdan ang lugar.
"Oo. Maganda pala dito." ang nasabi ni Andrew na tila nakalimutan niya ang inis sa kausap.
"Mabuti naman. Tara na, naghihintay na ang hapunan natin."
Tumuloy sila sa hapag kainan.
"Magandang gabi po Sir Bryan." ang bati sa kanya ng isang babaeng may edad na. "May kasama po pala kayo."
"Siya si Andrew, bisita ko." ang pagpapakilala ni Bryan kay Andrew sa babae. "Pakihanda na po yung hapunan Manang.
"Opo Sir."
"Bilisan nating kumain ha para makauwi na tayo." si Andrew habang hinihintay nila ang pagkain.
"At balak mo pa talagang umuwi sa ganitong oras ha. Sabi ko naman sa iyo di ba na overnight tayo dito." ang sagot ni Bryan sa kanya.
"Oo nga pala. Iniisip ko lang kasi si nanay. Baka nag-aalala na iyon sa akin. Wala siyang kasama at isa pa sakit siya."
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo bukas. Magtiwala ka lang sa akin. Sige akyat muna ako sa taas para makapagpalit. Mauna ka na kapag naserve na yung hapunan."
Tumango na lang si Andrew sa kanya bilang pag-sang-ayon. Makalipas ang limang minuto ay dumating na ang babaeng bumati kay Bryan kasama ang tatlo pang katulong at inihanda na ang mga plato, kubyertos at ang kanilang pagkain. Nang matapos sa paghahanda ay kinausap ng babae si Andrew.
"Magandang gabi po sa inyo Sir Andrew."
"Andrew na lang po tawag niyo sa akin." ang tugon naman ni Andrew sabay ngiti.
"Ganun po ba. Ako po pala si Susan, ang tagapamahala dito, silang tatlo naman ang mga maid." ang pagpapakilala pa ng babae. Sabay-sabay na yumuko ang mga ito sa kanya.
"Sige kain na po kayo Andrew." ang pagpapatuloy ni Susan.
Agad sinimulan ni Andrew ang pagkain. Sinamantala na niya ang pagkakataon na makakain ng masasarap at pangmayamang pagkaing nakahain sa kanya ngayon.Napansin naman niya na nakatingin lang sa kanya si Susan at ang tatlong katulong.
"Kain na rin po kayo Aling Susan." ang alok ni Andrew habvang may hawak pang isang hita ng manok.
"Naku, hindi po kami pwede sumabay sa inyo. Patakaran po yan ng mga amo namin." ang pagtanggi ni Susan.
"Si Bryan ba? Huwag kayong mag-alala ako ang bahala sa kanya."
"Huwag kayong mag-alala, ok lang po kami."
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...