Halong kaba at pangamba ang nararamdaman ni Bryan habang nasa biyahe papunta sa tinitirahan ng kaibigan ni Andrew na si Lui. Habang nakahawak sa manibela ay pasimple siyang sumusulyap kay Andrew na nakatingin lang sa daan.
Makalipas ang halos isang oras ay narating na nila ang lugar. Saglit niyang pinagmasdan ang paligid at masasabi niyang malaki na ang pinagbago nito.
Samantalang tinawagan naman ni Andrew si Lui para sunduin sila dahil hindi niya alam ang eksaktong bahay nito. Sinabi niya na naroon sila ngayon sa tindahan kung saan sila nagkita ulit. Habang naghihintay ay umupo muna silang dalawa. Napansin naman niya ang pananahimik ni Bryan.
"Parang ang lalim ng iniisip mo ah!" ang pagpuna nito sa kanya.
Ngiti lang ang tinugon ni Bryan sa kanya. Hindi tuloy maiwasan mag-isip ni Andrew na may dinadala itong problema.
Maya-maya lang ay may lumapit sa kanilang dalawang lalaki.
"Pasensya na kung medyo natagalan kami."
"Ayos lang iyon Lui." ang tugon naman ni Andrew. "Ah siyanga pala papakilala ko lang sa inyo si Bryan."
"Bryan mga pare." ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili habang nakikipag shake hands.
"Ako si Lui, kababata ni Andrew."
"Ako naman si Henry..." kaklase ni Andrew.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay ni Lui.
"Alam mo ba Andrew, excited na sina nanay at tatay na makita ka ulit. Miss na miss ka na daw nila." ang masayang sambit ni Lui. "Nung malaman nila na bibisita ka dito, nagluto si nanay ng mga paborito mong pagkain."
"Talaga, ako rin miss ko na sina ninong at ninang." ang nakangiting tugon ni Andrew.
Kung masaya ang pag-uusap nilang dalawa ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Bryan. At ang sumunod na eksena ay mas lalong nakadagdag ng kanyang inis at pangamba.
"Ako rin Andrew na miss din kita..." ang pagsingit ni Henry sa usapan ng dalawa sabay akbay kay Andrew.
Walang magawa si Bryan sa mga oras na iyon kundi ang magpigil hanggang sa marating na nila ang bahay.
"Andrew anak, ikaw ba yan? Aba ang laki mo na at ang gwapo mo pa." ang masayang sambit ng ina ni Lui sabay yakap sa kausap.
"Mana ka talaga iho sa tatay mo." ang pagsegunda naman ng ama nito.
"Na miss ko po kayo ninong ninang. Ilang taon din po akong di nakatanggap ng pamasko sa inyo." ang may halong biro namang pahayag ni Andrew na ikinatawa ng mag-asawa.
"Ikaw talaga anak. O siya nakalimutan mo na yatang ipakilala sa amin ang kasama mo."
"Ay oo nga pala pasensya na po ninong. Si Bryan po pala."
"Magandang gabi po." ang magalang na pagbati ni Bryan sa kanila sabay mano.
"Ka guwapong lalaki naman nitong kasama mo." ang pagpuri ulit ng ina ni Lui. "Matangkad at maganda ang pangangatawan. Sigurado akong maraming babae ang naghahabol sayo tama ba?"
Sa unang pagkakataon simula ng magbiyahe sila ay nakita ni Andrew ang pagtawa ni Bryan sa narinig.
"Tama po kayo nay. Pero hindi po ako nagkaroon ng interes sa kanila."
"Talaga? Ibig sabihin hanggang ngayon wala ka pang girlfriend o asawa?" ang di makapaniwalang tanong ulit ng ina ni Andrew.
"Sa totoo lang po meron na akong anak pero hindi kami kasal ng babae."
"Ok. Hindi na kataka-taka."
"Pwede naman sigurong sa loob na natin ituloy to." ang pagsingit naman ni Lui.
"Oo nga. Tara na mga iho, maraming hinanda ang ninang ni Andrew. Sabay-sabay na tayong kumain."
Marami pa silang napag-usapan habang kumakain. Nilahad ni Andrew sa mag-asawa ang mga nangyari sa kanyang ina mula nang maospital ito hanggang sa pagtulong sa kanila ni Bryan.
"Maswerte ka anak at nakatagpo ka ng isang mabuting kaibigan sa katauhan nitong si Bryan." ang komento naman ng ama ni Lui matapos mapakinggan ang mga nilahad ni Andrew.
"Tama po kayo ninong. Sa katunayan nga po siya rin ang tumutustos ng aking pag-aaral."
"Talaga?"
"Totoo po iyon. Ginagawa ko po iyon dahil espesyal sa akin si Andrew."
Natahimik ang lahat sa narinig. Sumagi sa isip ni Andrew na may iba silang naging interpretasyon sa pagsingit na iyon ni Bryan.
"Kayo naman po magkwento ninang sa mga nangyari sa inyo mula nag umalis kayo." ang pag-iiba ng usapan ni Andrew.
______________
Matapos kumain ay nagpunta silang apat sa terrace habang abala ang mag-asawa sa kusina. "Umiinom ba kayong dalawa?" ang tanong ni Lui kina Andrew at Bryan.
"Si Bryan lang..." ang simpleng tugon ni Andrew.
"Kung ganoon para saming tatlo lang pala ang bibilhin kong alak. Sige lalabas muna ako."
"Teka Lui samahan na kita." ang pagpresinta naman ni Andrew.
"Hmmm.... Ok para naman makabili ka na rin ng gusto mo at para matulungan mo na rin ako sa pagdala. Teka ayos lang ba sa kasama mo ang maiwan?"
"Ok lang ako pare." ang pagsagot bigla ni Bryan.
Sa puntong iyon ay nakaisip si Bryan ng pagkakataon para makausap si Henry kaya agad siyang pumayag na magpaiwan. Pagkaalis ng dalawa ay naunang nagsalita si Henry.
"Alam ko pare kung bakit ka nagpaiwan dito kasama ko. Gusto mo akong kausapin tungkol kay Andrew. Right?"
"Tama ka."
"Maraming naikwento si Lui sa akin tungkol kay Andrew nung mga bata pa lang sila. Noon pa man ay nakita na ni Lui sa kanya ang pagiging masipag at matalino. Dahil doon mas lalo ko siyang nagustuhan. Una ko palang siya makita na kausap ni Lui ay nagkainteres na ako sa kanya. Luckily, naging magkaklase pa kami."
Ang kanyang itatanong sana kay Henry ay agad na nasagot sa mga narinig niyang sinabi nito.
"Alam ko na ang mga ginagawa mo ngayong pagtulong kay Andrew ay dahil sa nararamdaman mo para sa kanya. Wala pa akong alam sa naging nakaraan niyo pero sa tingin ko ay hindi ka pa rin niya sinasagot kaya may chance pa ako."
"I see. Tama nga ang hinala ko na may gusto ka rin sa kanya. Pero sorry na lang tol, hindi ko hahayaang mapunta siya sayo."
"At kanino mo siya gustong mapunta? Sa isang tulad mo na may sabit?" ang nakangisi nitong pahayag.
Napatayo naman si Bryan sa kinauupuan. Pilit pa rin niyang pinipigilan ang ngayong lumalalang galit niya sa taong kaharap.
"Ikaw na rin mismo ang nagsabi, may anak ka na at di pa kasal. Maatim mo bang gawing kabit si Andrew at maging kahihiyan sa ibang tao? Kung ako sayo ipaubaya mo na lang siya sa taong karapat-dapat sa kanya."
Muling umupo si Bryan na mistulang nanghina. Sa isip niya ay may punto si Henry sa kanyang mga sinabi. Noon pa man ay naisip na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang sarili dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang ginagawang aksyon para mabigyan ng solusyon ang kanyang problema.
"Kung mahal mo talaga si Andrew, gagawin mo ang lahat ng makakabuti sa kanya. Hindi mo siya ilalagay sa isang alanganing sitwasyon na mahihirapan siya." ang pagpapatuloy ni Henry.
Sapul sa kanya ang pahayag na iyon. Muli niyang naalala ang lahat ng mga nangyari noon. Ang pagbabalik ulit ni Sarah na siyang nagpahirap sa kalooban ni Andrew idagdag na ang hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang mama. Ang mga ito ang nagdulot ng kanilang paghihiwalay.
Ilang minuto pa ang lumipas nang bumalik na sina Andrew at Lui dala ang ilang mga alak at pagkain.
"Ako na ang kukuha ng mga baso at plato." ang pagpresinta ni Henry sa dalawa na abala sa pag-aayos ng mga binili sa isang maliit na mesa.
"Sige salamat." ang nakangiting tugon dito ni Andrew na walang kaalam-alam sa nangyaring usapan nila ni Bryan.
___________
Hindi magawang makisali ni Bryan sa masayang pag-uusap ng tatlo sa halip at tuloy-tuloy lang siya sa pag-inom. Halos siya na ang umubos ng isang bote ng alak.
Pinagmamasdan niya si Andrew. Kita niya ang saya nito habang tumatawa kaharap si Henry. Nasasaktan ang kanyang kalooban sa nakikita sa kadahilanang hindi ganoon ang pagtrato nito kapag kausap siya. Masasabi niyang talagang malapit na talaga sila sa isat isa.
Parang nanghina ang kanyang loob. Ang determinasyon at confidence niya noon na ipaglaban ang kanyang minamahal ay tila naglaho lahat. Mistulang nagbalik ulit ang sakit na naramdaman niya noon nang makipaghiwalay si Andrew sa kanya sa isang iglap.
Halos dalawang oras ang nakalipas, sa kanilang tatlo ay si Bryan ang talagang nalasing. Dahil sa kanyang nakikita dito ay napatunayan niya ang kanyang hinala na may dinadala nga itong problema.
"Lasing na lasing na yang kasama mo Andrew." ang pagpuna ng ama ni Lui na kararating lang.
"Oo nga po kaya uuwi na kami." ang tugon ni Andrew.
"Di ba may sasakyan siya, sa tingin ko hindi na niya kakayanin pang magmaneho."
"Magtataxi na lang po muna kami. Ahm Lui, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kotse, kukunin na lang niya ito bukas."
"Sure tol. Basta ikaw."
"Ako na ang papara ng taxi para sa inyo." ang pagpresinta naman ni Henry.
"Salamat tol."
Nang makakuha ng taxi ay pinagtulungan nilang tatlo na akayin si Bryan hanggang sa maipasok ito ng taxi. Sa likod sila umupo. Inihilig ni Andrew ang ulo nito sa kanyang balikat.
Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan lang niya ang katabi na natutulog. Simula nang tumira sila sa bahay nito ay ngayon lang niya ito nakitang ganoon. Ibang-iba ito ngayon sa Bryan na puno ng confidence sa sarili.
Nang makauwi ay hindi agad niya nailabas si Bryan dahil sa kabigatan nito. Napakiusapan naman niya ang driver na tulungan siyang dalhin ito sa kwarto.
"Ikaw na ang bahala sa kanya anak." ang sabi ng kanyang ina na nag-aalala rin kay Bryan. "Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, sa tingin ko may mabigat siyang problema."
"Yan rin po ang iniisip ko nay. Kaya nga po susubukan ko siyang kausapin bukas. Kung anuman ang maitutulong ko ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya."
"Tama ka anak, kahit man lang diyan ay makabawi tayo sa mga ginawa niya para sa atin."
Pagkalabas ng kwarto ng nanay niya ay sinimulan na ni Andrew ang pag-asikaso kay Bryan. Tinanggal niya ang suot nitong pantalon at t-shirt. Tumambad sa kanya ang isang adonis na matagal nang nagpapawala sa kanya sa sarili. Sa tuwing nakikita niya ito ay natutulala lang siya ngunit ngayon ay iba na. Malaya na niyang mahahaplos ang katawan nito.
Napatingin naman siya sa harapan nito na halata sa suot nitong boxershorts. Muling sumariwa sa kanyang isip ang isang alaala, ang araw ng unang pagtulog ni Bryan sa kanilang dating bahay.
Habang nakahiga si Andrew ay napansin niya ang paghuhubad ni Bryan ng suot nitong shorts at underwear na lang ang tinira.
"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.
Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.
"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.
"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.
Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.
Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto.
Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.
"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.
Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga. Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.
Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.
At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.
"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang.
Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.
Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.
Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.
Sa nangyaring iyon ay talagang nakaramdam siya ng hiya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makahawak siya ng pag-aari ng iba maliban sa kanyang sarili. Dahil doon ay medyo nakakaramdam siya ng kung anong pagnanasa na agad naman niyang pinigilan.
Binihisan lang niya ito ng sando. Matapos nito ay nagpasiya siyang lumabas na para matulog. Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang marinig niya ang boses nito. Napalingon siya dito at nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakapikit. Nilapitan niya ito at nabigla nang makita ang mga mata nito na basa na ng luha. Maya-maya lang ay nagsalita ito.
"Mahal kita Andrew. Huwag mo akong iwan. Parang awa mo na huhuhu..."
Hindi na nagulat pa si Andrew sa sinabing mahal siya nito at baka na nananaginip lang ito. Pero sa kabilang banda ay may sumagi sa kanyang isipan ang posibilidad na may kaugnayan ito sa kung anuman ang dinadala nito ngayon.
"Maawa ka Andrew. Maawa ka sa akin. Nahihirapan na ako..." ang pagpapatuloy nito.
____________
Madaling araw nang maalimpungatan si Bryan. Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama habang nakahawak sa kanyang ulo. Kahit may hang-over ay inalala niya ang mga nangyari. Hindi na niya inisip pa kung paano sila nakauwi ni Andrew kundi ang kanyang problema at ang mga rebelasyon ni Henry.
Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
"Gising ka na pala Bryan, gusto mo ipagtimpla kita ng kape para mabawasan ang kalasingan mo." ang sabi ng kapapasok lang na si Andrew.
"Salamat." ang simpleng tugon nito.
Hindi nakaligtas kay Andrew ang paraan ng pagsagot nito at dama niya ang lungkot base sa tono nito. Nahahalata rin niya iyon sa mukha. Saglit siyang bumaba para magtimpla ng kape at nang bumalik ay umupo siya sa tabi nito.
"Pwede ka nang magpahinga Andrew."
"Dito muna ako... baka gusto mo ng makakausap." ang pagpahiwatig sa kanya ni Andrew. Tulad nga ng naisip kanina ay kakausapin na niya ito.
"Ayos lang ako. At saka may pasok ka pa mamaya di ba? Kaya dapat matulog ka na. Huwag kang mag-alala kaya ko na."
"Sigurado ka ha? Sige balik na ako sa aming kwarto." ang pagpaalam ni Andrew na tinanguan lang ni Bryan.
Nakahiga na si Andrew katabi ang kanyang ina ngunit hindi siya dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip kay Bryan. Aminin man niya sa hindi na pati siya ay naaapektuhan na siya kanyang mga nakikita kay Bryan.
Alam niyang malungkot ito. Minsan na rin niyang nakita ito nung araw na nakipaghiwalay siya sa kanya. Kung noon ay wala lang sa kanya ito dahil sa nasaktan siya pero ngayon ay iba na. Parang may kung anong kirot sa kanyang puso kapag nakikita niya ito sa ganoong kalagayan.
At isang bagay ang narealize niya sa kanyang sarili. "Mahal pa nga talaga kita..." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
Nagpasiya siyang kausapin na ito mamaya. Tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya di dahil sa utang na loob sa mga naibigay nito sa kanilang mag-ina kundi sa kanyang nararamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
TienerfictieBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...