Campus Trio part 20

8.9K 188 6
                                    

Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Andrew sa yakap na iyon. Ilang saglit lang nagtagal ito ng biglang kumalas si Bryan.

"Nasaan ang kwintas?" ang agad na tanong nito.
"Ha! tinago ko lang. Hindi ako sanay matulog nang may suot ng kung anu-ano."
"Sigurado ka?" ang sunod na tanong nito.
"Oo."

Kinuha ni Andrew ang kwintas sa kanyang drawer. Bago bumalik sa kamay ay binuksan na niya ang ilaw upang makapag-usap sila ng maayos.
"Oh eto ang kwintas mo. Kukunin mo na ba?" ang tanong niya sabay bigay ng kwintas. Naisip niya na baka babawiin na nito ang kwintas dahil sa mga nangyari.


Ngunit nagkamali siya ng akala. Nang kunin ito ni Bryan ay isinuot ito sa kanyang leeg.
"Sanayin mong palaging suot ito ha." ang kanyang sabi. "Lalo na ngayon na pansamantala tayong hindi magsasama. Ito ang magsisilbing alaala mo sa akin."

Napatingin si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan.
"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na ang mga pinag-usapan niyo ni Mama. Ako na ang humihingi sa iyo ng tawad sa mga ginawa niya sa iyo."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Naiintindihan ko naman e. Kasalanan ko rin naman ito. Sana noon pa hindi na ako nagpadala pa sa nararamdaman ko"
"Parang sinabi mo naman na nagsisisi ka." ang may himig pagtatampong sambit ni Bryan sa mga narinig sa kausap.

Hinaplos ni Bryan ang magkabilang pisngi ni Andrew.
"Alam mo ba na sobrang naging masaya ang buhay ko nang makilala kita. Ikaw ang dahilan ng aking pagbabago Andrew. Kung ang nasa isip mo ngayon ay ang pagsuko, ibahin mo ako. Tulad nga ng sabi ko kanina, pansamantala tayong maghihiwalay. Susundin ko si Mama. At kapag nakatapos na ako at makatayo sa sariling paa, pangako ko na babalikan kita. "

Napayuko si Andrew habang iniisip ang mga sinabi ng kausap.
"Kaya sana Andrew ganoon ka rin. Huwag mo naman ako isuko. Ipangako mo sa akin na hindi ka bibitaw."
"Kahit kailan talaga matigas ang ulo mo Bryan." ang nasabi ni Andrew.
"Yah right." ang nakangisi nitong tugon. "So promise me Andrew."

Nagkatinginan ang dalawa.
"Ok" ang sagot ni Andrew.

Niyakap muli ni Bryan si Andrew.
"Youre mine Andrew. Lahat ng magtatangka sa iyo ay makakatikim sa akin."
"Ows. Baka nga ikaw eh. Kapag hindi ka na makatiis ay mambabae ka na."

Kumalas muli si Bryan at tinignan ang mukha ni Andrew.
"Ang ibig bang sabihin nito na magseselos ka kapag ginawa ko iyon?" ang nakangisi nitong sambit.
"Hindi ah! Tatanggapin ko naman kung sakaling manliligaw ka ng babae sa itsura mo ba naman eh."
"Talaga?" 
"Oo naman."
"Sa bagay tama ka ngunit hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na yan Andrew. Pero dapat may kondisyon."
"Ok nga sa akin di ba? Eh bakit kailangan pa ng kondisyon?"
"Nakikita ko na may pag-aalinlangan ka."

Sapul si Andrew sa pahayag na iyon.
"So ano ba yang kondisyon mo?" ang nakayukong tanong ni Andrew.
"Look at my eyes Andrew, and say to me the words I LOVE YOU"
"Yun ba, hindi pa ba sapat ang mga pinapakita ko sa iyo."
"Hindi. Ni minsan kaya wala akong narinig sa iyo."
"Hindi na siguro kailangan pa iyon."
"I need that Andrew. Dahil iyon ang magiging inspirasyon ko upang maghintay."

Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Andrew ang pagiging seryoso ni Bryan. Muling nagbalik sa isipan ni Andrew ang ilang mga bagay.
"Hanggang ngayon Bryan, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagkagusto ka sa isang tulad ko."
"Hays, ilang beses mo na yata tinanong yan sa akin. Sige ganito na lang. Look at yourself sa salamin para malaman mo ang dahilan."

Hindi naman sa pagyayabang ngunit masasabi ni Andrew sa kanyang sarili na may itsura siya. Ngunit iniisip niya na wala siyang binatbat kung ikukumpara siya kay Bryan. At ngayon, ang isang tulad niya ang nagustuhan nito na siyang habulin at tinitilian sa campus ng mga babae at binabae.

Nung mga nakaraang buwan na magkasama sila nang madalas ang naging daan upang mahulog ang loob niya rito. At ang sobrang kalungkutan niya sa naging hakbang ng ina ni Bryan ang siyang magpapatunay na mahal na niya ito.

Dahil dito ay binigkas na niya ang mga katagang nais marinig ni Bryan sa kanya sa mga oras na iyon.

Nakita ni Andrew sa mukha ni Bryan ang isang napakatamis na ngiti matapos niyang sambitin ang mga katagang iyon. Isang ngiting na para sa kanya lamang.

"Ang sarap sa pandinig ang mga sinabi mo Andrew. Kahit papaano ay may pinanghahawakan na ako upang magtiyaga sa paghihintay." ang nakangiti pa ring pahayag ni Bryan.
"Ayan sinabi ko na sa iyo ha." si Andrew.
"Pwede mo bang ulitin isa pa."
"Tama na. Napilitan nga lang ako kanina e."
"Napilitan? So you mean sinabi mo lang iyon dahil sa inutos ko."
"Hindi. Ang totoo niyan pinipigilan ko pa rin ang sarili ko ngayon. Natatakot kasi ako at nag-aalala na baka ang pagmamahal kong ito sa iyo ang siyang ikasira ng buhay namin ni nanay. Yung Mama mo pa lang tutol na siya sa atin di ba?"
"Hayaan mo malalagpasan din natin ang pagsubok na ito." ang huling pahayag ni Bryan habang hinahaplos ang ulo ni Andrew.
_______
Sa paglipas ng isang buwan...

"Kamusta na si Andrew?" ang tanong ni Bryan na kakapasok lang kay Michael na nagbabasa sa kanilang tambayan.
"He's Ok." ang matipid nitong tugon.
"Hays. Ang tagal naman!" ang medyo iritang pahayag ni Bryan sabay takip ng mga palad sa mukha.

Natawa naman si Michael. "Kaunting tiis na lang tol."
"Alam mo ba tol yung pakiramdam na hindi kayo nagpapansinan. Hindi ko na nga alam kung may nararamdaman pa siya sa akin eh."
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Madalas kaming nagsasalubong dalawa. Nakatingin ako sa kanya, pero siya todo effort talaga siya sa pag-iwas. Minsan nga nagtatago pa talaga."
"Hindi ba iyon ang usapan niyo."
"Oo. Pero ewan ko ba. Iba ang nagiging pakiramdam ko."
"Pwede ba tol itigil mo na yan. OA ka na masyado ah."
"Sira. Baka gusto mo upakan kita dyan. Kita mo na ngang seryoso ako. Siya nga pala, nasaan na naman si Troy.
"As usual. Kasama na naman niya si Andrew."
"Ayus ah. Halos araw-araw na silang magkasama."

Tinignan ni Michael ang kausap matapos niyang marinig ang pahayag niyang iyon. May napansin kasi siyang iba sa tono nito ng pagsasalita. "Oo naman. Di ba yun ang pinakiusap mo ang bantayan si Andrew."
"Oo na!"ang medyo pabulayaw niyang sagot.
"Cool ka lang tol. Teka nga bakit ka ba naiinis?"
"Hay ewan ko sa iyo." ang huli niyang sagot bago lumabas ng tambayan.

Napailing na lang si Michael sa inasal ng kaibigan.
______
"Wala ka bang ibang gagawin Troy?" ang tanong ni Andrew habang naglalakad sila palabas ng campus.
"Bakit ayaw mo na ba akong kasama?" ang nakangiti nitong sagot.
"Hindi naman. Kasi naisip ko na baka marami ka nang bagay na hindi nagagawa dahil sa akin. Ayaw ko naman na ibuhos mo ang lahat ng atensyon mo sa akin na halos hindi mo na bigyan ng oras ang sarili mo."
"Ano ba yang mga sinasabi mo? Masaya ako sa ginagawa ko." ang walang pag-aalinlangan na pahayag ni Troy.

Hindi sumagot si Andrew.
"By the way, nasabi sa akin ni Tita na bumalik ka na daw sa dati mong trabaho." ang pag-iiba ng usapan ni Troy. Ang tinutukoy niya ay ang pagbabalik sa pangangalakal ng basura ni Andrew.
"No choice ako eh. Nauubos na kasi ang perang naipon namin mula sa pagtututor ko.  Tapos si nanay, medyo hirap na siya sa pagtatrabaho. Ito nga pinoproblema pa namin kung saan kami maninirahan."
"Bakit?" ang medyo nabiglang tanong ni Troy sa huling pahayag ni Andrew.
"May nakabili na ng lupang tinitirikan ng bahay namin. Nagpadala na nga ng notice sa amin tungkol sa demolisyon."
"Ganoon ba? So kailan ba yun?"
"Binigyan kami ng isang buwan para makapaghanda."

Isang bagay ang pumasok sa isipan ni Troy matapos  marinig ang mga pahayag ni Andrew.
_______
"Kuya, hindi pa po ba darating si Kuya Andrew?" ang agad na salubong na tanong ni Billy sa kararating lang na si Bryan kinagabihan.

Halos araw-araw at walang patid kung magtanong ang kanyang kapatid ukol sa bagay na iyon. Umupo siya sa sofa at inaya ang kapatid na kumalong sa kanya.
"Pupunta rin siya dito." ang malambing nitong sagot.
"Kailan pa po Kuya. Ayoko na po kasi ng tutor ko e."
"Bakit naman?"
"Masungit po siya."

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bryan ang hindi pag-eenjoy ng kanyang kapatid sa bagong tutor na kinuha ng kanilang Mama. Kapansin-pansing hindi na ito ganung kasigla tulad ng mga panahong si Andrew ang nagtuturo dito.
"Ganoon ba. Gusto mo kausapin ko si Mama at sasabihin ko na palitan na si Teacher Rose?" ang tanong niya sa kapatid.
"Opo. Si kuya Andrew po ang ipapalit ha."
Bahagyang natawa si Bryan sa sagot ng kapatid. "Ikaw talagang bata ka."

Naputol ang pag-uusap ng magkapatid sa pagdating ng kanilang ina sa pamamagitan ng busina ng kanyang sasakyan sa labas. Agad na tumayo si Bryan at pumunta sa kwarto nito. Hanggang ngayon kasi ay may sama ng loob pa rin siya sa ina.
_______
Nakahiga si Bryan sa kanyang kama na nakaunan ang kanyang isang braso sa ulo habang nakatingin sa kisame. Iniisip pa rin niya ang kanyang pangamba kay Andrew.
"Siguro nga nagseselos ako!" ang sabi niya sa kanyang sarili patungkol sa palaging pagsasama nina Troy at Andrew. "Pero wala naman akong magagawa. Inihabilin ko siya sa kanya kaya natural lang na maglapit silang dalawa."

Maya-maya lang ay nag-ring ang kanyang phone. Nang makita ang pangalan ni Troy sa screen, ay agad niyang sinagot ang tawag.
"Oh tol napatawag ka"
"Oo, mahalaga kasi itong sasabihin ko tungkol kay Andrew."
"Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Oh calm down, walang nangyari sa kanyang masama."
"Pasensiya na. Sige ano ba iyon?"
"May malaking problema kasi ang pamilya niya ngayon. Pinapaalis na sila sa kanilang tirahan."
"Ganoon ba?" ang nanlalambot nitong tugon sa sinabi ni Troy. Sa mga oras na iyon ay nais niyang matulungan agad si Andrew ngunit sa kanilang sitwasyon ay malabo itong mangyari.
"Sige so may naisip ka na bang paraan para matulungan siya?"
"Actually kanina ko lang naisip ito. Kaya tinawagan kita para ipaalam sa iyo ang mungkahi ko na doon ko sila sa bahay patitirahin. Kinausap ko naman na si Lola at sinabing ayos lang sa kanya. Kumbaga, kukunin namin ang kanyang ina bilang kasambahay."

Sa sinabing iyon ni Troy ay biglang naguluhan ang pag-iisip ni Bryan.

Itutuloy...

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon