Campus Trio part 3

13.2K 279 7
                                    

"Pinuntahan mo daw ung Andrew kanina sa library?" tanong ni Michael kay Bryan. Tapos na ang klase ng tatlo at naroon sila sa kanilang silid-tambayan na matatagpuan sa basement ng school building.

"Oo, kung makikita niyo lang yung mukha niya kanina." ang natatawang tugon ni Bryan.

"Kasama ba yan sa plano mo ang mangtrip?" si Michael ulit.

"Umpisa pa lang yan mga pre."

"Huwag mong sabihin na gagawin mo rin sa kanya ang mga ginawa mo sa ibang mga estudyante." si Troy.

"Yan ka na naman Troy. Easy lang. Wala naman sa isip ko ang ganoon."

"Sige bahala ka na." ang nasabi na lang ni Troy. "Sana lang ay hindi mo na ituloy ito" ang bulong niya sa kanyang sarili.

______

"Ayos na ba ang lahat iho?" ang tanong ng librarian kay Andrew.

"Opo mam." ang magalang niyang pagtugon.

"Sige mauna ka nang lumabas. Dadaan pa ako sa faculty room" ang sunod na pahayag ng librarian.

Madilim na nang lisanin ni Andrew ang library. Habang naglalakad sa may hallway palabas ng gate ay pinagmamasdan niya ang paligid. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng naroon at halos lahat ay may evening classes.Bigla naman niyang naalala ang sinabi ni Bryan sa kanya na makikipagkita siya sa kanya kaya agad siyang nagmadali palabas. Siyempre ayaw niya nang makita ang isang taong para sa kanya ay napakayabang at arogante. At naisakatuparan naman ni Andrew ang kanyang pag-iwas.

Nasa labas na siya ng campus at naglalakad papuntang sakayan ng jeep, nang mapalingon siya sa isang taong tumawag sa kanya na nasa kotse.

"Hey you're Andrew del Rosario right" ang sabi ng lalaki nang matapat na ang kanyang sasakyan kay Andrew.

"Oo ako nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko?". Habang naghihintay ng sagot si Andrew ay pilit niyang kinikilala ang lalaking kumakausap sa kanya. Hindi kasi gaanong kita ang mukha nito dahil sa may kadiliman na ang paligid pati na rin sa loob ng kotse nito.

"Bago ko sagutin ang tanong mo, baka gusto mong ihatid na kita pauwi sa inyo."

Nagtaka naman si Andrew sa pahayag na iyon ng lalaki.

"Ayoko nga, hindi ako basta-basta sumasama sa taong hindi ko kilala."

"Maybe tama ka, hindi mo ako kilala Pero ako alam ko na ang lahat ng tungkol sa iyo."

"Ano sabi mo?"

Hindi na sumagot pa ang lalaki sa halip ay bumaba ito ng kanyang sasakyan, binuksan ang kabilang pinto ng kotse at hinatak ang isa niyangbraso papasok sa loob nito. Wala na siyang nagawa dahil sa bilis ng mga nangyari. Pagkabalik ng lalaki sa drivers seat ay agad niyang pinaandar ang kotse.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" ang tanong ni Andrew sa lalaki.

"Wala naman, gusto lang kitang makilala ng personal." ang tugon nito sabay lingon sa kanya. At dahil doon ay nakilatis at namukhaan na niya ito.

"Ihinto mo" ang medyo inis na utos ni Andrew sa kanya.

"Bakit?"

"Basta ihinto mo!" ang pabulyaw niyang pag-uulit.

Inihinto na ng lalaki sa isang tabi ang kotse sa isang tabi.Nang akmang bubuksan na ni Andrew ang pinto nito ay agad siyang pinigilan ng lalaki. Hinawakan siya ulit nito sa braso.

"Alam ko ang nararamdaman mo pero sana huwag mo akong itulad kay Bryan." ang sabi nitong nakatitig sa kanya.

"Hindi ba kaibigan mo siya at miyembro ka rin ng campus trio? Eh bakit ka nagsasalita ng ganyan?"

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon