Campus Trio part 13

10K 226 10
                                    

"Doon ko na lang sasabihin sa inyo kaya bilisan na natin." ang sagot ni Bryan sa tanong ni Andrew.

Sa isip ni Andrew ay balewala lang sa kanya kung malaman ni Bryan ang tungkol sa bagay na iyon. Siyempre popular siya sa campus kaya imposibleng wala siyang hindi malalaman. Maari rin namang nabanggit ito ni Troy sa kanya na una niyang pinagsabihan. Kaya hindi na niya ulit tatanungin pa ito.

Kasalukuyang nag-aagahan ang ina ni Andrew nang dumating sila.
"Kamusta naman ang kita anak?" ang tanong nito matapos makapagmano ang dalawa.
"Ayos lang, o ito po yung pera para makabili na agad kayo ng tanghalian natin."
"Sige anak, Bryan, mag-almusal na kayo at ako'y sasaglit lang sa palengke."
"Opo nay, sige po ingat kayo."

Umupo na sa hapag ang dalawa upang mag-agahan.
"Are you kidding? Ano naman ang mabibili sa halagang 65 pesos?" ang tanong ni Bryan pagkaupo nila ng hapag.
"Meron, naman kahit papaano, pero hindi masarap gaya ng kinakain niyong mga mayayaman. Ganun talaga eh kailangang pagkasyahin. Sige na kain na tayo."

Sa di sinasadyang pagkakataon, nang sipatin ni Andrew ang kasama ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Hindi niya mawari ang kahulugan ng mga titig na iyon mula sa magandan nitong mata.
Sa parte naman ni Bryan ay nanaig sa kanya ang concern at awa para kay Andrew. Sa tono kasi ng pananalita niya ay may bahid ito ng kalungkutan At the same time ay nakaramdam siya ng saya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay kinausap siya nito ng malumanay.

Nag-umpisa nang mag-agahan ang dalawa.
"Ito lang ang almusal niyo, tinapay at kape?" ang tanong ni Bryan nang mapansin na masyadong kaunti ang nakahain para sa dalawang tao.
"Naghahanap ka pa eh ito lang ang kaya namin. Pasensya na po ha kasi pumunta ka pa dito tapos magrereklamo ka."
"O yan ka na naman nagsusungit kaulit sa akin. Ang bili mag change ang mood mo.Hindi naman sa ganoon Andrew. Naisip ko lang na baka kulang yan sa atin."
"Almusal lang naman kasi ito, kung kulangin man eh pwede namang bawiin sa tanghali. Saka bihira lang naman kami mag-agahan. Ngayon nga lang ulit bumili nito si nanay dahil nandito ka."

"Ganoon ba?" ang naging tugon ni Bryan. Hindi siya makapaniwala sa pahayag ni Andrew na minsanan lang sila mag-agahan. Naisip niya na madalas palang pumapasok si Andrew nang hindi man lang nag-aalmusal. Mas nadagdagan pa ang awa na nararamdaman niya para dito.
"Alam mo ba Andrew ang kasabihan na ang Breakfast is the most important meal of the day, kasi dito nakukuha ng isang tao ang lakas sa buong araw.
"Alam ko naman iyon pero anong magagawa ko, kapos talaga kami ni inay eh."
"Sige saan ba ang pinakamalapit na grocery dito para dagdagan natin ito."
"Wala, tindahan lang."
"Awts, wala akong dalang pera, puro credit card lang sayang naman."
"Salamat na lang sa pag-abala mo, sige sa iyo na ito tutal namalengke na rin si nanay."
"No, ikaw na ang kumain, huwag ka nang mag-alala sa akin tutal pauwi na rin ako maya-maya.
"Ok."

Bago magtanghalian ay agad na umalis si Bryan upang umuwi sa kanila. Nalaman niya kay Troy na pupuntahan ni andrew ang bahay nila kaya na pinaghahandaan niya ang pagpunta nito sa kanila lingid sa kaalaman ni Andrew.
______
"Wow May kalayuan pala ang bahay nila" ang komento ni Andrew as kanyang sarili nang malaman niya mula sa mga pinagtanungan niya na sa Quezon City ang address na pupuntahan niya.

Pagkababa niya sa Cubao ay muli siyang nagtanung-tanong kung saan ang address na binigay niya. At nalaman niya ulit na  sa bandang Tandang Sora pala ito. Naisip niyang tawagan si Troy para magpatulong na makapunta doon. Pumayag naman ito at sinabing hintayin ang pagdating niya sa tapat ng isang supermarket doon.

"Ang bilis mo ah" si Andrew nang mapansin ang agarang pagdating ni Troy sa lugar na pinaghihintayan niya.
"Tiyempuhan lang, sakto naman na may pinuntahan lang ako na malapit dito, tara sakay na."

"Sana sinabihan mo agad ako kanina para hindi ka na napadpad sa Cubao." si Troy habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Akala ko kasi malapit lang iyon, saka sa totoo lang ayaw ko rin makaabala ng ibang tao. kaya pasensiya ka na Troy."
"Don worry Andrew, ayos lang sa akin. Anytime na kailangan mo ng tulong, Im always here to help." ang tugon nito. Nagnakgitian ang dalawa.
"Ah Troy may itatanong sana ako sa iyo, tungkol sa pamilya ni Mam Sebastian. Mabait ba sila?"
"Sa tingin mo ba kukunin ka nilang tutor kung di sila mabait."
"Oo nga naman.Yung bunso niyang anak na tuturuan ko, makulit ba siya? Mahina ba talaga ang ulo niya?"
"Si Billy? Oo may pagkamakulit ang batang iyon. Tungkol naman sa utak niya, hindi naman siya ganoon kahina, gusto lang naman ng mom niya na masubaybayan ang pag-aaral niya."
"Ok. Eh yung kapatid niya na nag-aaral din sa school natin, ano naman ang ugali niya?"

Saglit na nag-isip si Troy bago magsalita. "Ahm, mayabang, maangas, masungit."
"Ganoon ba. Parang si Bryan lang ano."
Natawa si Troy. "Si Bryan talaga ang agad mong naisip ha."
"Oo naman, siya pa lang kaya ang kilala kong may ganoong mga ugali."
"Pero Andrew, noon yun. Sa ngayon nagbabago na siya dahil sa isang tao"
"Ah, siguro girlfriend niya iyon."
"Hindi eh pero gusto niya iyon. Basta Andrew, sa mga susunod na araw malalaman mo rin at mas makikilala mo pa siya."
"Ok."
"Andrew ako naman ang may itatanong sa iyo?"
"Sige ano ba yun?"
"Kung sakaling makita mo na sila at makilala ang isa sa kanila na hindi mo gusto. May chance bang tanggihan mo ang offer."
"Alam mo Troy, hindi ako namimili ng trabaho. Basta makakatulong sa amin ni nanay, tatanggapin ko.Sa ngayon babalewalain ko muna ang pansarili kong nararamdaman."
"I like your answer Andrew."
Nagkangitian silang dalawa.
______
"Were here." si Troy matapos ihinto ang kanyang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.
Binuksan ni Andrew ang pinto. "Wow ang yaman pala talaga ni Mam."
"Oo, so goodluck."
"Hindi ka na ba sasama sa loob?"
"No need. Ikaw lang naman ang may pakay sa kanila. At meron pa akong importanteng bagay na gagawin."
"Ganoon ba."
Tinapik ni Troy ang balikat ni Andrew. "Dont worry, everything will be allright. Sinabihan ko na sila na darating ka ngayong araw. Hinihintay ka na nila ngayon sa loob."
"Sige. Salamat talaga sa tulong mo Troy ha."
"Wala iyon basta ikaw Andrew."
"Sige Labas na ako."
Tangong may kasamang ngiti ang tugon ni Troy sa kanya.

Hinintay muna ni Andrew na umalis ang kotse ni Troy bago siya lumapit sa malaking gate. Nagbuzzer siya. Makalipas ang ilang saglit, isang babae ang lumabas mula sa pinto. Agad niyang nakilatis na katulong ito dahil sa pananamit nito.
"Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Mam Sebastian."
"Kakaalis lang po eh may emergency kasi na meeting siya na pinuntahan. Sino po ba sila?"
"Ah ako po si Andrew yung kinuha po ni Mam na part time tutor."
"Ah ikaw pala. Sayang di mo naabutan si Mam. Pero nandito po si Senyorito Luis para kumausap sa inyo. Halika pasok ka na po."

Habang naglalakad papasok ay nililibot ni Andrew ang kanyang mga mata sa paligid. Manghang-mangha siya sa kanyang nakikita. Tila isang palasyo ito sa kanyang paningin.
"Upo po muna kayo diyan. Tatawagin ko lang si Senyorito Luis."
"Sige po salamat."

Pagkaalis ng katulong ay muli niyang nilibot ang kanyang mga mata at napansin niya ang mga larawan na nakapatong sa ibabaw ng isang shelf. Nilapitan niya ito. At sa mga nakita niya isang larawan ang nakatawag-pansin sa kanya. Mag-asawa ito kasama ang dalawang anak. Yung isa ay katabi ng tatay at ang isa ay karga ng nanay. Medyo luma na ito at kuha sa isang parke.
"Siya pala si Mam Sebastian, ang ganda niya. May itsura din ang asawa niya. Pero teka yung anak nila parang pamilyar sa akin ito, parang nakita ko na siya kung saan." ang nasa isip ni Andrew.

Agad siyang bumalik sa kinauupuan nang marinig niya ang tinig ng batang lalaki. Sinilip niya ang hagdan at nakita niya na pababa ito. Napahinto ito roon nang makita niya si Andrew na nakaupo. Tila nahiya ito dahil sa bago sa paningin niya ang taong nakita.

Maya-maya pa ay narinig naman ni Andrew ang tinig ng isang lalaki at naisip niya agad na siya yung panganay.
"Billy, please tell him to wait for a while." ang sabi nito. Ngunit ang bata ay hindi pa rin nagsasalita at nananatiling nakatingin kay Andrew.

Sa ilang saglit ay nakita niya ang pagbaba ng isang lalaki doon.
"Oh bakit nandito ka pa, lapitan mo na at batiin ang bisita natin." ang sabi pa nito sa bata.

Nanlaki ang mga mata ni Andrew sa pagkabigla sa taong kasama ng bata na nasa harapan niya ngayon. Nakasando ito ng puti at boxer shorts.
"Billy, siya si Kuya Andrew your new tutor. Please say hello to him." ang sabi pa nito habang nakangiti sa kanya.
"Hello po kuya Andrew, ako si Billy Joe. Nice to meet you." ang bati ng bata.
"Me too. Ang cute mo palang bata." ang tugon ni Andrew.


"Si Bryan pala yung anak niyang panganay. Ibig sabihin yung mama pala niya ang nagpapa-aral sa akin. Tapos hindi ko pa siya pinakikitunguhan ng maayos. Kaya pala pamilyar yung mukha sa picture, siya pala iyon." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili. Sa mga oras na iyon, ang nasa isip ni Andrew ay ang hiya sa ina ni Bryan.

"Welcome to our home Andrew." ang nakangiting pahayag ni Bryan. Tumabi siya kay Andrew habang kandong ang kapatid nito.
"Ikaw Billy ha, be a good boy kay Kuya Andrew ha." Tumango lang ang bata.

Napansin naman ni Bryan na hindi makapagsalita si Andrew. "May problema ba Andrew? Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko sa iyo?"

Sa oras na iyonay hindi sinasadyang mapaluha ni Andrew.

Itutuloy...

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon