Maagang pumasok si Andrew kinabukasan upang makopya niya ang mga notes na namiss niya sa tatlong araw na pag absent kay Dina. Hindi muna nangalakal si Andrew nang umagang iyon.
Nagmamadaling niyang tinungo ang kanto ng kanilang bahay upang mag-abang ng tricycle patungo sa sakayan ng jeep papunta ng kanilang school. Habang papalapit siya ay naaaninag niya ang isang pamilyar na sasakyan na naka park doon. At nang makarating ay nakumpirma niya kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Good Morning Andrew. Tara sabay na tayo hatid na kita." ang nakangiting pagbati sa kanya ng taong nasa loob ng kotse matapos buksan ang bintana nito.
"Ikaw pala Troy. Good Morning din. Sige sasabay na ako sa iyo." ang pagpayag ni Andrew sa alok. Pabor din sa kanya ito lalo na't naghahabol siya ng oras at isa pa ay para makatipid na rin ng pamasahe.
"Kamusta naman ang naging bakasyon niyo ni Bryan?" ang unang tanong ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho ito.
"Ok lang. Kahit papaano nag-enjoy ako."
"Ah. Mabuti naman at nagkakasundo na kayong dalawa."
"Hindi ah! Naiinis pa rin kaya ako sa kanya. Marami siyang atraso sa akin. Ito na nga lang paghahabol ko sa lessons dahil sa absences ko, kasalanan niya ito."
"But I think hindi na ganoon katindi ang galit mo sa kanya, tama ba.?"
"Ah eh. paano mo naman nasabi yun?"
"Nakikita ko sa mukha mo."
"Talaga?" ang nasabi na lang ni Andrew. Sa isip niya ay tama si Troy. Kahit hindi niya kasi gusto ang mga ginagawa ni Bryan ay hindi na siya nakakaramdam ng matinding inis sa kanya.
"Nabanggit ko na rin sa iyo noon ang mga ugali ni Bryan di ba."
"Oo, na kayo lang ang tinuturing niya na kaibigan, na di gaano nakikisalamuha sa ibang tao lalo na sa mga hindi niya kalevel kaya nasasabihang masungit. Alam mo Troy may idadagdag pa ako dun eh. Siya ay isa ring arogante, mayabang, at higit sa lahat sinungaling."
Napatawa si Troy sa pahayag na iyon ng kausap. "Sinungaling?"
"Oo. Akalain mo ba namang bolahin niya nanay ko. Sinabi niya na magbestfriend kami, na hindi niya ako pababayaan, na siya ang mag-aalaga sa akin sa school. Halong pagtataka at pagdududa ang naisip ko nang marinig ko iyon sa kanya."
"I understand Andrew kung bakit niya nagawa iyon."
"Bakit?"
"Dahil gusto niyang mapalapit sa iyo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay."
"Teka, bakit naman niya gagawin iyon at sa dinami-daming estudyante eh ako pa ang napili niya?"
"Isa lang ang masasabi kong sagot. Interesado siya sa iyo."
Nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na isang tulad ni Bryan ang magkakainteres sa isang tulad niya. Kumbaga langit at lupa kung ipagkukumpara sila. Ngunit hindi niya maipagkakaila na nakaramdamm siya ng kaunting kasiyahan. Sa lahat ng estudyante sa campus na nagkakandarapa sa kanya ay maswerte na siya ang binibigyan ng atensyon ng isa sa campus trio. Dalawa na pala dahil kasama na ddito ang kausap niya ngayon na si Troy.
Makalipas ang ilang minuto nang makarating sila sa school. Agad na nagmadali si Andrew papunta sa kaniyang classroom.
"Kamusta na ang honeymoon niyo ni Papa Bryan?" ang agad na salubong ng kinikilig ni Dinapagkapasok ni Andrew.
"Honeymoon ka diyan. Pinilit lang niya akong sinama sa Baguio."
"Pero aminin mo friend, nag-enjoy ka naman. Aba, para kang nakajackpot sa lotto dahil nasama mo na ang pinakasikat na tao dito sa campus."

BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Подростковая литератураBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...