Campus Trio part 6

12K 246 12
                                    

Lumipas pa ang mga araw na naging maganda ang samahan nina Andrew at Troy. Mas lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Tuluyang nawala ang agam-agam ni Andrew sa totoong intensyon ni Troy sa pakikipagkaibigan ng binata sa kanya.

Dahil dito, naging usap-usapan na sila sa buong unibersidad. May mga naiinggit, kinikilig, nagseselos at ang isang punang gumugulo sa isipan ni Andrew ngayon ay ang pangungutya sa kanyang pagkatao. Alam naman niya sa kanyang sarili na hindi siya ay isang alanganin. Kahit papaano ay napaghandaan na niya ang mga punang ito ng ibang tao sa kanya.

Isa pa sa gumugulo sa isipan ni Andrew ay ang malantad ang lihim niyang ito sa kanyang pagkatao kay Troy. Naririnig naman ng binata ang mga pangungutya sa kanya ng ibang tao ngunit palaging isa lang ang sinasabi nito, na huwag na lang silang pansinin. Hindi tuloy mawari ni Andrew ang totoong nasa isipan ni Troy tungkol sa kanya.

______

"Saan naman lakad niyo ni Troy tonight?" ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa hallway papasok ng kanilang classroom.

"Wala eh. Sabi niya kasi na may importante silang aasikasuhin ng lola niya tungkol sa kanilang negosyo."

"Ganun ba. Pero friend, hindi ka ba nag-aalala sa mga nangyayari. Talagang sikat ka na dito sa campus, alam mo naman siguro ang mga negative comments sa iyo ng mga estudyante dito lalo na sina Bryan at Michael."

"Hindi ko naman sila binibigyang pansin pa tulad ng palaging sinasabi sa akin ni Troy. Kahit hindi siya nagtatanong kung may katotohanan ang mga iyon, pilit akong nagdedeny sa kanya.Kaya hindi ako nagpapakita ng kahit anong motibo sa kanya."

Napansin na lang ni Andrew ang pagngiti ni Dina matapos marinig ang kanyang mga sinabi.

"Ok. So ibig sabihin, natatakot ka na lumayo si Troy sa iyo kapag nalaman niya na ikaw ay member din ng aming pederasyon.Umamin ka nga may gusto ka na sa kanya ano?"

Todo namang tanggi si Andrew sa tanong na iyon ni Dina.

"Hindi ah. Mabait siya, matalino at may itsura pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Talaga, madalas na nga kayong magkasama tapos yan pa ang iniisip mo. Samantalang maraming estudyante dito ang sobrang nahuhumaling at nagkakagusto sa kanya." ang hindi makapaniwalang sagot niya sa sinabi ni Andrew.

"Oo. Teka nga bilisan na nating maglakad mahuhuli na tayo." ang pag-iiba na lang ni Andrew ng usapan.

______

"Nasaan si Troy?" ang tanong ni Bryan kay Michael pagkapasok nito sa kanilang tambayan.

"Ayun. Kaalis lang. May pupuntahan daw sila ni lola." ang tugon naman ni Michael. "Siyanga pala tol, hindi ka ba naaalarma sa mga usap-usapan sa buong school tungkol kina Troy at Andrew."

"Hindi naman."

"Talaga."

"Oo. Alam mo tol, sa umpisa lang yan. Makikita mo, sa mga susunod na araw mag-iiba ang lahat." si Bryan sabay pakita ng isang makahulugang ngiti sa kausap.

______

"Good afternoon Mam. Si Andrew po?" ang tanong ng lalaki sa librarian.

"Inutusan ko saglit iho. Pinakuha ko sa kanya ang mga hiniram na libro sa history department." ang tugon ng librarian sa kanya."

"Ok po hintayin ko na lang siya." ang sagot ng lalaki sabay upo sa pinakamalapit na silya.

Napupuna naman ng lalaki ang panay na pagsulyap sa kanya ng mga taong naroroon sa loob ng library. Hindi na siya nagtataka roon bagkus hinahayaan na lang iya sila sa kanilang ginagawa tutal ay sanay naman siya rito. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang kanyang hinihintay.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon