"Naks naman tol, talagang gumawa ka ng paraan para makasama mo na siya ah?" ang pagpuri ni Michael kay Bryan. Kasalukuyang kumakain ng meryenda ang campus trio sa kanilang tambayan.
"Siyempre naman kailangan kon gawin yun. Tignan mo naman kung gaano tayo ka-busy sa mga activities dito sa school. Hindi ako makatiis na puro bati lang sa kanya sa tuwing magkikita kami dito sa school gaya ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw." ang sagot ni Bryan.
"At least sa paraan mong iyon natulungan mo si Andrew at iyon ang nagustuhan ko sa iyo." si Troy.
"Salamat tol. Pero hindi pa ito sapat. Based on my observation sa kanya eh mailap pa rin siya sa akin at may pagkakataong sinusungitan pa niya ako which I dont like."
"Ito lang ang masasabi ko sa iyo tol, payo ko na rin bilang bestfriend. Iwasan mo ang mga bagay na maaring ikainis ni Andrew sa iyo. Baguhin mo na rin yung mga nakasanayan mong maling pag-uugali."
"Grabe ka naman Troy kung makapagsalita ka parang hindi ka rin ganoon ah. Aaminin kong hindi ganoon kadaling magpakumbaba sa mga students kasi mababawasan ang pagiging astig ng campus trio sa university pero I will try to change para na rin kay Andrew."
"Talagang tinamaan ka na sa kanya tol. Pero hindi mo ba naisip ang magiging pagtingin ng mga students sa grupo natin kapag nalaman nila na ikaw ay nagkagusto sa kapwa lalaki."
"I think sa bagay na iyan wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Future life ko ang nakasalalay dito. Of course gusto kong maging masaya at yun ay ang makasama ko si Andrew."
"I agree." ang naging kumento ni Troy sa mga pahayag na iyon ni Bryan. Lingid sa kaalaman niya na noon pa man simula nang magkagusto siya kay Andrew ay ganito na rin ang naging pananaw niya. Ngunit sa sitwasyon ngayon napagdesisyunan niyang magpaubaya na lang sa kanyang bestfriend.
Teka pala Troy, ano nga pala yung reaksyon ni Andrew nang malaman niya ang offer?" ang tanong ni Bryan.
"Sobrang masaya at tinanggap na daw niya ito. Yun lang."
"Sa ngayon lang yan, what if kapag malaman niya na ikaw ang may pakana lahat nito." si Michael.
"Hindi ko naman sinabi sa kanya iyon. Ang alam lang niya na ang kapatid ng tuturuan niya ay student din ng university. Si Bryan na ang bahala sa kanya kapag nalaman niya,"
______
Pagkauwi ni Andrew kinagabihan ay masaya niyang binalita sa ina ang alok sa kanya. "Mano po. Nay may balita po ako sa inyo."
"Anak mukhang maganda yan kasi ang saya mo eh. Sige ano ba yan?"
"Magkakaroon po ako ng part time na trabaho, alok sa akin ng isa sa admin ng university."
"Talaga mabuti naman kahit papaano ay mababawasan na ang problema natin sa pera anak."
"Oo nga po nay kaya nung kinausap ako ni dean kanina ay tinanggap ko na agad."
"Ano ba yang sinasabi mong trabaho?"
"Tutor ng isa niyang anak."
"Kung gayon maswerte ka anak. Hindi pa rin tayo pinababayaan ng Diyos."
"Opo nay. Bukas pala pagkatapos kong mangalakal pupuntahan ko yung address na ibinigay sa akin para makilala ko na rin yung tuturuan ko at malaman ang iba pang detalye."
"Sige anak. Halika na at maghapunan na tayo." ang huling pahayag ng ina matapos makapaghain.
Abala sa pagkain ang mag-ina nang may marinig silang pagkatok mula sa pintuan.Si Andrew na ang nagkusang magbukas nito. At laking gulat niya sa taong bumungad sa kanyang harapan.
"Good evening Andrew." ang nakangiting nito sa kanya. Halatang dito ito dumeretso dahil nakasuot pa ito ng uniporme ng kanilang school.
"Anong good sa evening, naging bad na sa pagsulpot mo dito. Teka nga ano ba ang ginagawa mo dito." ang tugon ni Andrew sa taong bumati.
"Binisita ka."
"Bakit naman?"
"Siyempre namiss kita. Ilang araw din tayong hindi nagkasama tapos sa school kapag bumabati ako sa iyo hindi mo ako pinapansin.
"Ows di nga. O yan nakita mo na ako nabisita kaya pwede ka nang umalis."
"Pinagtatabuyan mo na naman ako. Sana man lang maappreciate mo ang effort ko na puntahan ka dito. Halos maligaw na nga ako eh at kung sinu-sino pa ang pinagtatanungan ko. Hinabol pa ako ng aso."
"Kasalanan mo na yan, hindi ko naman sinabi sa iyo na puntahan mo pa ako dito. Buti nga sa iyo hinabol ka sana nakagat ka na rin."
"Ouch naman ang sakit nun ah. Talagang gusto mo akong mapahamak. Grabe ka talaga Andrew."
"Ewan ko sa iyo. Sige umuwi ka na masyado nang gabi."
"Talagang pinapaalis mo na ako. Nandiyan ba si nanay?"
"Oo nandito siya. Teka nga bakit nanay ang tawag mo sa kanya."
"Dahil magiging nanay ko na siya in the future."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala, so hindi mo ba talaga ako papasukin.
"Hindi, wala ka naman mahalagang pakay dito."
Nabigla na lang si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan.
"Magandang gabi po nanay, ayaw akong papasukin ng anak niyo oh." ang pagsigaw nito.
"Andrew sino yan?" ang tanong ng ina nito. Tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak. "Oh Bryan napadalaw ka. Ikaw naman anak bakit ayaw mo siyang papasukin, ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita."
"Oo nga po nay, pinagtatabuyan niya ako eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya."
"Naku iho pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. Hayaan mo at sasabihan ko siya. Halika pasok ka na."
Wala nang nagawa si Andrew sa mga oras na iyon kundi ang tignan ang nakangising mukha ni Bryan habang naglalakad papasok ng bahay.
"Kumain ka na ba iho, halika sumabay ka na sa amin."
Dumako si Bryan sa kinakainan ng mag-ina. Maya-maya lang napansin nila na nakatingin lang siya sa kanilang kinakain.
"Bakit iho busog ka pa ba?" ang tanong ng ina ni Andrew.
"Hindi niya gusto ang ulam natin nay. Puro masasarap kasi ang kinakain ng anak mayaman na yan." si Andrew.
Sinulyapan saglit ni Bryan si Andrew at umupo sa katabing silya nito.
"Ano po ito nay?" ang tanong niya sa ina ni Andrew.
"Adobong kangkong iho."
Ah ito po"
"Sardinas na ginisa."
"Ganoon po ba"
Agad namang sumabat si Andrew. "Tignan niyo nay hindi niya talaga gusto yan, kaya hanggang tanong lang siya."
"Anong hindi ko gusto, masarap kaya ito."
"Talaga lang ha."
"Oo naman Andrew."
At nagulat na lang si Andrew sa sunod na ginawa nito. Nagsandok na ito ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.
"Mabuti naman at nagustuhan mo iho kahit alam kong malayo ito sa mga kinakain ng mga tulad niyong mayayaman."
"Opo nay masarap pala."
"Salamat iho.
______
"Nay magpapaalam po sana ako kung pwede makitulog dito." Si Bryan na nanghihingi ng permiso sa ina ni Andrew matapos silang maghapunan.
"Oo naman . Welcome ka sa pamilya namin di ba anak?" ang sagot ng ina sabay baling ng tingin kay Andrew.
Napansin naman ni Bryan ang alanganing pagtungo ni Andrew.
"I think nanay na ayaw ni Andrew. Kung alam niyo lang po kung gaano ako nasasaktan kapag sinusungitan niya ako."
"Anak naman bakit ka ganyan sa kanya. Mapalad ka na nga at may ganitong ka klaseng kaibigan."
"Hindi naman ako galit sa kanya nay." ang katwiran ni Andrew.
"Ito lang ang mapapakiusap ko sa iyo anak. Nakikita ko naman kay Bryan na mabuti siyang tao kaya sana suklian mo naman ito ng kabutihan din. Pakitunguhan mo siya ng maayos."
"Si nanay naman kung makapagsalita naman eh kakakilala lang niya sa tao." sa isip ni Andrew. Tinignan lang niya si Bryan na nakangiti lang sa kanya.
"O siya ngapala iho doon ka na sa silid ni Andrew matulog."
Nabigla si Andrew sa narinig. "Hindi pwede nay."
"Ah ok po nay doon na lang ako sa silid niya, wala namang problema sa akin."
"Sige. anak asikasuhin mo ang bisita mo ha. Ako na ang bahalang maghugas ng pinagkainan natin."
"Wow, I cant believe this. Kasing laki lang pala ng bathroom ko ang kwarto mo sa bahay namin dito.
"Sabi ko na nga ba kaya ayaw kitang patuluyin dito."
Sa halip na sumagot ay nagpatuloy si Bryan sa pagmamasid sa silid.
"I think this is your father right?" ang sabi nito nang mapansin ang picture frame sa ibabaw ng maliit niyang study table.
"Oo at matagal na siyang patay."
"Ah ok. Im sorry to hear that. Ahm, ang talino mo talaga ano." ang puna pa nito sa mga trophy, medal at awards na nakasabit sa pader.
"Dito ka na lang sa kama matulog. Pagtiyagaan mo na lang kung matigas ito. At huwag mo akong sisisihin kapag sumakit yang likod mo kinabukasan." ang pag-iiba ng usapan ni Andrew. Naalala niya kasi ang itsura ng kama ni Bryan sa kanyang resthouse sa Baguio.
"Ok lang sa akin Andrew kahit saan ako matulog basta magkatabi tayo."
"Hindi pwede.Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"Ngayon ka pa tumatanggi eh nagtabi na tayo sa bahay ko sa Baguio."
"Malaki naman yung kama mo kung ikukumpara sa akin. At tignan mo isa lang ang unan ko."
"Yun lang ba, e di ako ang gagamit niyan tapos ikaw dito ka na lang sa dibdib ko umunan, ako na rin ang gawin mong tandayan."
"Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. May parte ng utak niya ang nagsasabi na pumayag sa gusto niya.
"Basta tatabi ka sa akin sa ayaw mo't sa gusto ok. Teka shower muna ako. Pahirap muna ng damit at twalya Andrew."
"Ano, pupunta ka dito at makikitulog tapos wala kang dalang damit? Hindi magkakasya ang mga damit ko sa iyo."
"Ok lang sige na."
"Oo na." Wala nang nagawa si Andrew kundi pahiramin siya."Doon ang banyo sa may bakuran."
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ulit ng silid si Bryan na nakatapis lang ng twalya. Napapalunok na lang siya ng laway sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Muli ay nakita niya ang hubad nitong katawan na mamasa-masa pa. At ang mas lalong nagpatulala sa kanya ay ang nakaumbok nitong harapan na nakakubli sa tapis nitong twalya.
"Teka bakit walang brief?" ang tanong nito nang mapansin nito na short lang at lumang t-shirt ang ibinigay sa kanya.
"Ha ah eh ano... Teka nga nag-iisip ka ba hindi naman hinihiram ang underwear."
"Ang damot mo naman. Sige na, malinis naman ito wala akong sakit. Hindi lang ako sanay matulog ng walang suot eh.
"Oh ito sana magkasya sa iyo yan."
Sinuot na ni Bryan ang pinahiram ni Andrew. At doon na nagsimulang makaramdam ng kung anong init at pagnanasa sa sunod niyang nakita. Nakapamewang si Bryan habang nakalantad sa kanya ang mas bumakat nitong pagkalalaki dahil sa liit ng size ng brief na suot nito na halos halata na ang hubog nito at ang mga buhok na umaawang na sa bandang itaas ng garter.
"Medyo maliit nga. Pero hindi pa naman nasasakal si manoy ko." ang sabi pa nito.
"Diyos ko tulungan niyo po akong magpigil kung libog man ito." ang nasabi na lang niya sa di maipaliwanag na nararamdaman sa tuksong nasa harapan niya ngayon. Ayaw din kasi niyang malaman ng kasama niya ang tunay nitong pagkatao.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...