Kinaumagahan, naramdaman na lang ni Andrew ang pagkawala ng katabi sa kama kaya agad siyang bumangon.
Pupungas-punas at naghihikab siyang lumabas ng kanyang silid. Napahinto siya sa kanyang paglalakad nang marinig niya ang boses ng kanyang ina at si Bryan. Nagtago muna siya sa gilid para alamin ang pag-uusap nila.
"Hindi ako tututol kung anuman ang gusto mong gawin. Alam ko naman na mabait kang tao."
"Salamat po nay, hayaan niyo po na hindi ko kayo bibiguin." si Bryan.
"O sige iho, maiwan ko na muna kayo ni Andrew at pupunta lang ako ng Quiapo."
"Magsisimba po ba kayo?"
"Oo iho, isasama ko sana si Andrew, pero hindi na muna ngayon kasi nandito ka."
"Ganoon po ba? Sasama na rin ako sa inyo."
"Aba e mas maganda kung ganoon. Sige iho gisingin mo na si Andrew."
Agad nang nagpakita si Andrew sa dalawa. "Gising na ako. Tama ba yung narinig kong sasama ka sa amin ni nanay na magsimba?" ang tanong ni Andrew.
"Oo naman."
"Talaga lang ha, baka masunog ka pagpasok mo ng simbahan."
"Grabe ka naman Andrew, parang sinasabi mong masama akong tao."
"Ikaw ang nagsabi niyan ha."
"Itigil niyo na yan, mabuti pa at bilisan niyo na para hindi tayo tanghaliin." ang pagputol ng nanay ni Andrew sa usapan ng dalawa.
______
"Doon ka na sa likod bahay maligo, ako sa banyo para mabilis." ang sabi ni Andrew matapos ibigay ang twalyang gagamitin ni Bryan.
"Ako pa talaga ang maliligo sa labas ha." si Bryan.
"Oo. Punta-punta dito tapos aangal ka."
"Hindi naman. Nag-aalala lang ako."
"Ano yung inaalala mo?"
"Na may manilip sa akin. Kung ikaw sana ang boboso ok lang." ang sagot nito sabay hagikgik.
"Siraulo ka talaga Bryan. Hindi naman ako bastos tulad mo."
"E di sabay na lang tayo maligo."
Sa sinabing iyon ni Bryan ay may naramdaman bigla si Andrew na kakaibang init. Amindo naman siyang pabor sa kanya iyon dahil makikita na rin niya ang tinatago nitong parte.
"Ayoko. Hindi ako sanay maligo nang may kasama."
"Sayang naman. Sige na doon na lang ako sa likod-bahay."
Matapos maligo ay nagbihis na si Andrew.
"Iyan lang ang suot mo?" ang tanong ni Bryan nang mapansin nito ang bihis ni Andrew na medyo nangingitim nang puting t-shirt, maong na short at tsinelas.
"Ito talaga ang ginagamit ko pag nagsisimba."
"Ganoon ba e sobrang luma na niyan. Tapos hindi ka pa nakasapatos."
"Wala akong sapatos pang-alis. Sige lalabas na ako para makapagbihis ka na doon muna ako sa sala."
"Hintayin mo na ako dito." ang pagpigil ni Bryan sa kanya habang kinukuha ang kanyang damit sa susuotin sa dala niyang bag kagabi. Nang makuha ay tumingin siya kay Andrew.
"Ikaw naman Andrew, ano pa bang ikinahihiya mo, pareho naman tayong lalaki."
Bumalik na si Andrew sa kama at umupo. Nang makita niyang nagtatanggal ng tapis si Bryan para suotin ang brief ay napatakip siya ng kanyang mukha. Pagkakataon na niya ito para makatsansing ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Naririnig niya ang mahinang pagtawa nito.
Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sabihin ni Bryan na tapos na siyang isuot ang damit. Hindi na naiwasan pang pagmasdan ni Andrew ang bihis ni Bryan na nag-aayos ng kanyang buhok. Naka puting polo shirt ito na hapit sa kanyang katawan at maong na pantalon.
"Kahit ano yatang ipasuot sa taong ito bagay sa kanya." sa isip ni Andrew.
At mas lalo siyang namangha sa nakita nang matapos ito sa pagbibihis. Mistulang isang modelo ang nasa harapan niya dahil sa tindig nito. Mula sa out of bed style ng buhok hanggang sa suot na sapatos. Nakadagdag as kanyang kagwapuhan ang suot nitong shades. Amoy din niya ang mamahalin nitong pabango.
"Uy gising ka pa ba?" ang tanong ni Bryan na nagpabalik sa kanyang ulirat.
"Obvious ba tignan mo dilat ang mata ko."
"Oo nga naman dilat na nakatitig sa akin. Ayaw mo pa kasing umamin na pinagpapantasyahan mo ako eh."
"Kapal mo talaga." ang nasabi na lang ni Andrew. Pilit pa rin ang pagtanggi niya kahit huli na sa akto."
Natawa lang si Bryan sa kanya.
______
Matapos ang misa ay naunang umuwi ang ina ni Andrew. Si Bryan naman ay niyaya si Andrew na mamasyal sa mall.
"Saang mall mo gusto pumunta?" ang tanong ni Bryan sa kanya habang naglalakad papunta sa sakayan.
"Hindi ko alam. Bahala ka na" ang sagot ni Andrew.
"Bakit hindi ka pa ba nakakapunta ng mall?"
"Sa tingin mo ba may oras pa akong gawin ang mamasyalsa ganoong lugar, sa estado ng buhay namin?"
"Kung sabagay, first time mo pala ito." ang may awang pahayag ni Bryan. "Kaya maswerte ka dahil mararanasan mo na ang maglibang lalo na at kasama mo ako."
"Oo na. Salamat sayo ha." ang may ngiting sagot ni Andrew.
"Buti naman at ngumiti ka na ulit sa akin. Maiba ako, matao pala ang lugar na ito ano."
"Oo naman, dahil maraming mga tindahan at bangketa dito at siyempre malapit sa simbahan. Gusto mo bago tayo pumunta ng mall, libutin muna natin ang buong lugar?"
"Mainit na Andrew oh, pero sige para sa iyo magpapaaraw ako."
Habang naglalakad ay panay ang tanong ni Bryan sa mga nakikita niya doon na sinasagot naman ni Andrew. Nagtagal sila ng halos kalahating oras.
"Nakakapagod pala. Gutom ka na ba Andrew." si Bryan.
"Medyo."
"Sige tara alis na tayo. Ay teka."ang sambit ni Bryan nang mapansin niya ang mga matatandang nakaupo sa gilid ng simbahan. Tinanong niya si Andrew kung ano ang ginagawa nila.
"Mga manghuhula ang mga yan. Sila ang mga taong nagsasabi ng kapalaran ng isang tao sa hinaharap."
Bigla namang ngumiti si Bryan na tila may pumasok na ideya sa kanyang utak. "May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyayan nito.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang pagtanggi ko. Hindi kasi siya naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala kung papahula tayo kaya tara na."
Hinatak siya ni Bryan patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang pagbati ni Bryan.
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan silang dalawa. "Ako na lang po muna." si Bryan.
"Sige ikaw muna, tutal gwapo ka naman."
At sinimulan na ang panghuhula. Matapos ilapag ang ilang baraha at basahin ang mga nakasaad,
"Magkakaroon ka iho ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin manang?"
"Hindi pangkaraniwan ang magiging buhay pag-ibig mo."
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ni Andrew na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Iyon lang ang masasabi ko. Pero may nakikita pa akong isa."
"Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."
Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kunga ganoon." si Bryan na nakangiti nang muli. "Yung kasama ko naman po manang."
"Magbabago ang buhay mo iho." ang paunang sabi ng manghuhula kay Andrew.
"Talaga po?"
"Dahil sa pag-ibig."
"Ha. Eh paano po mangyayari iyon?"
"Iibig ka sa taong mayaman."
"Wala na po ba?" ang tanong ulit ni Andrew. Ngunit sa isip niya ay marami siyang katanungan sa hula.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."
Hindi nagustuhan ni Andrew ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ni Andrew.
"Iyon lang ang masasabi ko."
______
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng manghuhula?" ang tanon ni Andrew kay Bryan habang nag-aabang sila ng masasakyan.
"Wala namang mawawala kung papaniwalaan natin di ba. At least magiging guide natin iyon."
"Sa bagay tama ka. Pero nacurious ako sa hula sa iyo ha. Magiging kakaiba ang pag-ibig mo. Siguro iibig ka sa babaeng ubod ng pangit."
"Hindi yun ang nasa isip ko Andrew." ang sagot ni Bryan.
Napansin na lang ni Andrew na nakatingin sa kanya si Bryan sa mata. Lingid sa kaalaman ni Andrew na iniisip na ni Bryan na siya ang kakaiba niyang pag-ibig na di pangkaraniwan sa lipunan.
"Bakit ka nakatingin diyan?" ang tanong ni Andrew sa kanya.
"Wala. Yung hula naman sa iyo. Magbabago daw ang buhay mo. Alam ko yayaman ka bigla."
"Iyon ba, hindi ako naniniwala doon. Kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero alam mo naisip ko yung isa pa niyang sinabi, na dadanas ako ng matinding kalungkutan. Sana hindi naman mangyari iyon ano."
"Para sa akin lang ha, lahat naman ng tao ay darating sa punto na magiging malungkot sila."
"Alam ko naman iyon."
"Pero bumawi naman ang manghuhula sa huli, magiging masaya ka ulit dahil sa pag-ibig. Isipin mo na lang na ang pagmamahal mo sa akin ang magiging susi sa tunay na kaligayahan mo."
Natawa si Andrew sa narinig. "Assuming ka na naman diyan. Ikaw talaga."
"Pero hindi mo ba naisip na ako iyon."
"Hay ewan ko sa iyo, tara na nga, oh ito na jeep."
"Taxi tayo ano?"
"Jeep na lang, mahihiluhin ako sa taxi eh."
"Bili muna tayo ng candy bago sumakay."
______
Nagdesisyon si Bryan na sa isang mall sa San Lazaro sila magpunta. Habang naglilibot sila ay napapansin ni Andrew ang mga taong nakatingin kay Bryan na ang karamihan ay mga estudyante na nakauniporme din marahil ay nag-aaral sa isang unibersidad din na malapit doon. Hindi na siya nagtaka pa, talaga namang agaw atensyon ito dahil sa itsura nitong artistahin.
Pumasok sila sa department store.
"Mamili ka na nang mga damit at pantalon na gusto mo." ang sabi ni Bryan sa kanila.
"Bibilihan mo ba ako, nakakahiya naman sa iyo."
"Oo naman, gusto ko kasing maging kaaya-aya ang itsura mo lalo na kapagkasama mo ako. At saka tigilan mo na ngayang hiya-hiya hindi bagay sa iyo."
Halos isang oras silang namili ng mga damit kasama na ang pagsusukat.
"Malaki na yata babayan mo niyan, pwede namang bawasan natin ito."si Andrew habang nakapila sila sa counter.
"No, parang hindi mo naman ako kilala." ang tanggi ni Bryan."
"Ay oo nga mayaman ka pala."
Matapos bayaran ay dumeretso ang dalawa sa foodcourt sa ibaba.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...