Campus Trio part 4

13.2K 272 9
                                    

"Andrew ikaw ha balita ko sumama ka daw kay Troy kagabi" si Dina nang makita si Andrew na pumasok sa kanilang classroom kinabukasan.

"Saan mo naman nakuha anbg impormasyon na yan?" ang patanong niyang sagot habang nilalapag ang kanyang bag sa kanyang silay at naglalabas ng mga libro.

"Parang hindi mo naman alam kung gaano kasikat ang campus trio dito sa school. Syempre alam lahat ng mga estudyante dito ang kanilang mga ginagawa. Sinusubaybayan kaya nila ang lahat ng kilos ng tatlo."

"Ah"

"So totoo nga iyon?"

"Oo, pero hindi ako ang sumama sa kanya, siya ang unang nakipag-usap at lumapit sa akin."

"Talaga, ginawa niya iyon?" ang tanong ni Dina na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?"

"Hindi naman sa ganoon. Napakaimposible kasi eh. Wala sa personalidad ng trio ang makisalamuha o maunang makipag-usap sa ibang tao."

May biglang pumasok sa isipan ni Andrew sa mga sinabing iyon ni Dina. "Posible kayang may hidden agenda si Troy sa akin base sa ipinakita niya sa akin kahapon?" ang naitanong niya sa kanyang sarili.

"Ganoon ba talaga sila?" ang sunod na tanong ni Andrew kay Dina.

"Oo. Kwento nga ng kapatid ko, marami nang mga estudyante ang nagtangkang kunin ang kanilang atensyon at makipagkaibigan pero ni isa sa kanila hindi pinalad."

"Ah, talaga palang mga hambog sila at mayayabang." komento ni andrew na may pagtango-tango pa.

"Tama. pero kahit ganoon sila, marami pa ring nahuhumaling sa kanila. Kaya hanggang tingin na lang ang ginagawa ng mga estudyante rito."

"Ganoon pala, naisip ko nga kanina pa na baka may plano talaga si Troy sa akin. Sige salamat sa mga sinabi mo. Mag-iingat na ako sa kanila." ang naging desisyon ni Andrew.

______

"Saan ka nagpunta kagabi? Tinatawagan ka ni Bryan hindi ka sumasagot." ang tanong ni Michael kay Troy. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan.

"May pinuntahan lang" ang matipid na tugon ni Troy.

"Saan, kina Andrew?"

Hindi sumagot si Troy.

"Tama nga ang balita. Sabihin mo sa akin, ano ba ang plano mo sa kanya? Balak mo rin ba syang pagtripan tulad ng gagawin ni Bryan?"

Tumingin siya kay Michael bago sumagot. "Hindi, at saka wala akong plano sa kanya. Kinuha ko lang ang atensyon niya para malaman ko ang lahat-lahat tungkol sa kanya."

"Ano ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Troy. Naguguluhan kasi siya sa mga marinig niya sa kausap.

"Honestly, nung makita ko siya at pag-aralan ang pagkakakilanlan niya, nagkaroon ako ng interes sa kanya. Kaya ayun, kinausap ko siya."

"Troy, huwag mong sabihing..." si Michael na tila nahuhulaan na ang ibig ipahiwatig ni Troy na agad namang naputol sa pagdating ng isa pa nilang kasama na si Bryan.

"Mga tol!" ang bati ni Bryan sa kanila sabay akbay sa kanilang dalawa gamit ang mga kamay nito."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah"

"Hindi naman, may tinanong lang ako kay Troy." ang sagot ni Michael.

"Ah ok. Siyanga pala mga tol, nakaisip na ako ng napakagandang plano para sa taong iyon."

"You mean si Andrew?"

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon