"Anong oras tayo babalik ng Manila?" ang tanong ni Andrew kay Bryan na kasalukuyang nagpupunas ng basa nitong katawan. Kakatapos lang ang kanilang swimming.
"Ang kulit mo naman Andrew. Sabi ko naman sa iyo na hindi pa tayo uuwi ngayon." ang sagot ni Bryan sa kanya.
"Ano pa ba ang gagawin natin ngayon?"
"Mamamasyal tayo. Lilibutin natin ang buong Baguio."
Gusto mang tumutol ni Andrew ay hindi na niya itong nagawa pa. Una hindi naman siya mananalo kay Bryan at pangalawa ay parang nagugustuhan na niya ang ginagawa nito sa hindi malamang dahilan. Sa nakikita niya ay wala pa namang ginagawa sa kanyang masama yung tao.
Matapos maligo ay naghanda na sila para sa pag-alis. Simpleng semi-fit na white t-shirt at pants ang sinuot ni Bryan. At dahil sa walang damit si Andrew ay pinahiram muna siya nito ng susuotin.
"Pagpasensyahan mo na kung medyo maluwag sa iyo."
"Ok lang." ang nasabi na lang ni Andrew. Sinuot niya ang inabot nitong blue na shirt at walking shorts na may kasamang belt. Sa loob niya ay may tuwa siyang nararamdaman dahil sa nakapagsuot siya sa unang pagkakataon ng ganoong klaseng damit.
"Magpataba ka kasi para naman magkalaman ka kahit papaano."
"Ang yabang naman nitong magsalita. Sige na ikaw na ang macho."
"Sinabi mo pa." ang sagot ni Bryan sabay flex ng kanyang muscles sa braso.
Napapangiti na lang si Andrew sa ginawang iyon ni Bryan.
_______
Gamit ang kotse ni Bryan ay una nilang pinuntahan ay ang Mines View Park, ang pinaka popular ng lalawigan. Nang marating nila ang lugar ay hindi naitago ni Andrew ang sobrang saya dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya ng personal ang isang tanawin na sa larawan lang niya nakikita.
"Mabuti naman at nagustuhan mo" ang sabi ni Bryan kay Andrew nang mapansin nito ang todong pagngiti ng kasama.
"Oo, ngayon lang kasi ako nakapunta dito." ang sagot ni Andrew.
"So ngayon may utang ka sa akin ha."
Napatingin naman si Andrew sa kanya. "Anong utang?"
"Pinasaya kita ngayon kaya bilang ganti mo sa ginawa ko ay dapat pasayahin mo rin ako."
"Ganun ba? E paano magiging utang iyon, ikaw ang nagkusang mamasyal dito?"
"Ah basta may utang ka sa akin. Ngayon pa lang mag-isip ka na kung paano mo ako pasasayahin."
"Ewan ko sa iyo."
"Maghihintay ako Andrew ah."
Halos isang oras silang naglibot sa buong park. Magdidilim na nang magpasya silang umuwi. Bago nila lisanin ang lugar ay bumili sila ng ilang souvenir at pasalubong tulad ng walis, basket, peanut brittle, kumot at sweater.
"Sandali lang balik muna tayo" si Bryan habang naglalakad sila palabas ng parke.
"Bakit na naman gabi na oh. Ang dami pa ng bitbit natin." ang reklamong tugon ni Andrew.
"Basta tara na bilis."
Wala nang nagawa pa si Andrew dahil sa paghila nito sa kanyang braso. Binalikan nila ang isang tindahan doon ng mga silver na alahas.
"Bigyan mo ako ng dalawa nito Miss." Ang sabi ni bryan sa tindera.
"Iyan lang pala ang bibilhin." ang pabulong na sabi ni Andrew sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Fiksi RemajaBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...